Chapter 7: Wicked

6 0 0
                                    

"DAY! Ayos ka lang?"

Napaigtad si Jayla nang tapikin siya ni Annie. Slack hours sa tanghaling tapat, kaya naman nakatunganga siya sa glass panel sa entrance na kita ang buong kalsada.

She heaved a sigh and nodded. Ilang araw na ang nakalipas magmula ng huli niyang makita si Damian.

Noong araw na iyon, pagmulat niya ng mga mata ay namalayan niyang nasa labas na siya ng kanilang bahay. Basang-basa noon ang suot niyang bestida, at nagtatayuan na rin ang mga balahibo sa katawan niya dahil sa ginaw. Tanging ang makapal na tela na nasa katawan niya mula kay Damian ang nagsisilbing panangga niya sa lamig noon ng panahon. Damian was that powerful to send her home in just a blink of an eye.

But what he said on that day kept reeling in her mind. Na mukhang napipilitan lamang ito na gawin ang trabahong sumundo ng mga kaluluwa.

What was he before?

That day, she can't stop herself from crying for seeing such horrible scene in her entire life. Napapatanong siya sa sarili kung bakit kailangan pa niyang makita ang mga bagay na iyon. Hindi niya masabing aksidente lamang iyon, dahil nakita na niya ang ganoong insidente sa pangalawang pagkakataon.

Minsan na ring pumasok sa isipan niya na baka sa ganoong paraan siya mamamatay. Kaya naman baka sinasanay siya ng lalaking iyon na makakita ng ganoong trahedya.

Ngunit magmula noon ay hindi na ito nagpakita sa kaniya. Simula nang mailibing ang mga labi ng kapitbahay nilang si Mana Ising ay hindi na siya nakararamdam ng kilabot. Tuluyan nang nawala sa sistema niya ang takot na idinulot ni Damian.

Pero hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi nitong huli siya sa listahan. Alam niyang darating ang panahon na mamamatay siya. Ang ikinababahala lamang niya ay kung kailan. Grim reapers don't give schedules. That's what she thought.

She's afraid to leave her family so soon. Gusto pa niyang mag-abroad. Gusto pa niyang masubukan ang lahat ng bagay sa mundo. At marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

"My gosh! Girls!" nagtititiling sigaw ni Rey pagkarating ng counter station.

Walang buhay niya itong tinapunan ng tingin. Ang iba niyang katrabaho ay agad sinalubong ang babae ng mga tanong.

"Naano ka? Ba't ka nagsisisigaw?" sita ni Rina na katatapos lamang maglibot sa dining area. May hawak itong tray na walang laman.

"Girls! Nakita niyo na ba 'yong bago nating crew? Gosh! Ang pogi!"

"Talandi nito! As if namang papatulan ka no'n!" kantiyaw ni Alex na ikinasimangot ni Rey.

"Grabe ka! At ito pa, for sure magugulat kayo kung sino ang bago nating crew. Nakita niyo na siya dati."

Hindi na lamang niya pinansin ang mga katrabaho. Pinanatili niya ang sariling nakatingin sa kawalan. That moment, she's thinking random things to what to do before her time comes. Gusto niya na kapag dumating ang araw na iyon, ay masabi niyang may nagawa siyang mahalaga kahit papaano bukod sa pagtulong sa pamilya niya.

Napayuko siya para lang mapatitig sa monitor.

Ano kaya ang mga gagawin ko?

"Ate, pa-add po ng extra rice. Dalawa."

Hindi na siya nag-abalang tingnan ang customer at dagling nag-punch ng additional orders nito. Sa tabi niya ay umaalingawangaw ang impit na tili ng mga katrabaho niya. Naiiling na lamang si Rina na nakatayo malapit sa food warmer. Jayla, on the other hand, total the orders and not minding her co-workers.

"Sixty-four pesos po lahat — "

Naputol ang kaniyang sasabihin nang sa pag-angat ng tingin ay nakita niya ang mukha ng um-order ng extra rice. Animo'y bumalik ang lahat ng emosyong ayaw na sana niyang maramdaman. Muling sumibol ang kilabot sa sistema niya at nagsimulang bumilis ang natural na pagtahip ng kaniyang dibdib.

The Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon