Sa totoo lang wala na ako sa mood na busisiin yung mga cakes na hinanda sa amin kanina. Pauwi na kami at siya parin nasa isip ko. Grrr. Masisiraan na ako. Ano ba kasing nararamdaman ko? hmm. grabe naman oh. For just one meeting na-fall na ako dun sa guy? Eh ako ata si Rachel Elise Bautista na tama nga ang sinabi ni Sasha na super manang di naman manamit pero sa paniniwala sa love, destiny at marriage. Hay. Oo inaamin ko na gwapo talaga si Warren pero anong ugali niya? Yun naman ang dapat na tinitignan ng isang babae sa isang lalaki diba?
Yeah its true marami na akong tinurn-down na mga lalaki kasi pare-parehas lang sila they will show you that they were caring pero too good to be true lang sila. Hays. Nakakasawa eh. Pa-impress lang kaya di niyo din ako masisisi kung bakit manang ako sa lovelife ko. Yep, NBSB sabi nga nila.
"Huy, Insan! Nakatulala ka naman. Alam mo ba kanina nung lumabas ka may pumasok na gwapooooo. Grabe, bad boy look nga eh. porma pa lang tas nung paglabas motorcycle pa yung sasakyan. Haaaaay! Ui teka, baka siya si Papa Warren?" tapik sa akin ni sasha habang nakatingin ako sa may bintana.
Yun siguro yung lalaking bastos na dumaan sa amin kanina ni Lola.
"Hindi walang modo si Warren no" tumingin ako sa kanya sabay lingon dun sa may bintana ulit ng kotse.
"HAHAHAHA. Ano ka ba insan parang na-fall ka na ata dun kay Papa Warren ah?"
"......"
"Tara tignan natin yung mga love messages niya sayo."
"......"
"Oh sige na nga insan di na kita didistorbohin. Hay. Salamat Lord at may nakita ako kanina na isang magandang nilikha niyo sa mundo sa uulitin po ha? Tyaka Lord yung pinsan ko hanapan niyo na ng love life para di na manang kung magsungit. Oh insan matutulog lang ako wag ka na magtampurorot diyan"
Kung di siguro kami nabastos kanina at nasabihan ng prinsipyo ni Lola kanina, hindi ko maiisip kung gaano ako kaswerte na may makikita akong Warren. Ano kayang mga nakalagay dito sa mga love messages niya daw ayun kay Sasha. Hay. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. Ipipikit ko na lang yung mga mata ko.....
Nakarating na kami sa bahay. Hay nakakapagod. Umakyat ako ng kwarto at walang ganang kumain. Ngayon ko lang to naramdaman. Nanghihinayang ata ako at di kami nagkita ni Warren kanina. Aba aba. Ginulo niya na ang araw ko. Makapaglinis na nga ng katawan amoy ko parin yung usok sa damit ko. Bwiset yung lalaking nakamotor. Masermunan nga pag nagkrus ang landas namin ulit.
Napangiti ako bigla.
Si Warren nga di ko makita eh yung lalaki pa kaya na yun na plate number lang ang meron ako?
Pagkatapos kong maligo, Gusto ko na talaga matulog. Wait yung Love Messages daw. Mabasa na nga. Kinuha ko sa bag ko yung mga tissues na inabot sa akin nung crew sa Coffee and Cakes. Hmmmm. 15 tissues means 15 days?
Kinakabahan ako. Ano kaya ang mababasa ko dito?
Jan 10
Red Umbrella.
Rachel.
Cofee and Cakes.
I want to see her again.
Jan 11
Gusto ko siyang makita?
I'll just be patient.
Rachel....
Jan 12
....
Wala pa rin.
Baka akala niya babaero ako.
Hay.
Jan 13
I cant keep her out of my head.
di ko naman nagagalaw tong inorder ko.
Jan 14
still wala parin...
Jan 15
Susuko na ba ako?
Strangers.
Jan 16
Di ko kayang sumuko.
I know I''ll see her someday!
Jan 17
Warren ano bang ginagawa mo?
Pag nalaman to ni Patrick.
Ang tsope mo kasi.
Jan 18
Rachel
Jan 19
WaitingJan 20
Umuulan na naman.
Jan 21
>.<
Jan 22
Unting tiis pa Warren...
Jan 23
Nakalimutan na niya ata ako.
Jan 24
Rachel, miss na kita.
So pareho naming iniisip ang isat isa simula nung magkita kami? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sana makita na kita Warren. Please do wait for me. :(
YOU ARE READING
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?