Chapter 76: Angst

14.6K 130 34
                                    

Hello Loves!

Heyaaaaa! 7 chapters to go and an author's note. :"> Malapit naaaa! So please kapit lang kayo :))) Nga pala may facebook account na si Warren, Rachel at Patrick. :"> Add them para mas masaya ang buhay.

Dont forget to comment! Pretty Please! (*_______*)

Happy Reading!

Much Love,

Raiiinn <3

_________________________________________________________________________

Kung iisipin hindi lang naman talaga "lang" yung binigay ni Patrick.

Yung panda na yun nagsisignify parin ng isang pagkakaibigan na nabuo niya kasama kami ni Warren.

Masakit na ang mata ko ng kakaiyak. Iniisip ko kung bakit walang nagbabantay kay Warren ngayon. May dumating na nurse kanina pero ganun naman talaga ang ginagawa nila from time to time diba?

Ngayong nasa tabi ako ni Warren, narealize ko na tama nga ang ginawa kong pagpili. 

Iisipin ko pa lang na magkakahiwalay kami ulit ni Warren hindi na ako makahinga.

Masakit na baka hindi na ulit bumalik ang pagkakaibigan namin ni Patrick pero si Warren?

Ayoko na magkahiwalay pa kami.

At tama si Patrick, kahit na ilarng beses na muntikan mamatay si Warren para sa akin ay wala siyang paki.

Ipinatong ko yung kamay ko na hawak yung panda sa kamay ni Warren.

"Warren, kanina ka pa natutulog diyan. Wala namang sinasabi sa akin yung nurse mo. Bumalik ka na. Sabi mo babalik ka at sasagutin ko sayo yung tanong mo?"

Randam na randam ko na ang pagod. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko pero hindi ko parin inalis ang pagkakahawak ko sa kamay ni Warren.

Hindi pa man ako nakakatulog ng matagal eh naramdaman ko na may humablot sa braso ko.

Masyado akong disoriented para makareact sa mga nangyayari sa paligid ko. Namalayan ko na lang eh nasa labas na ako ng kwarto ni Warren at nakasandal sa pader habang nakaharap sa lalaking hindi ko naman kilala.

"What on earth made you decide that you can show here after just leaving him?"

Nung sandali lang na yun ako nagkaroon ng pagkakataon para mapagmasdan yung mukha niya. Mas matangkad siya sa akin at may maamong mukha ang iba lang eh masyadong expressive ang mga mata niya na kitang kita ko na talagang galit siya sa akin ngayon.

Nung hindi ako nagsalita eh nagsalita ulit siya.

"What do you want exactly? Name it.Just dont act like a leech and leave Warren alone"

"leech?" yun lang ang nasabi ko sa mga salita na binitawan niya sa akin.

"Bakit hindi pa ba linta ang tawag mo sa sarili mo ngayon? Can you explain why he's already been in two accidents because of you? Ang masakit pa lagi kang late. Youre not in his side when it happened. Ang babaw ng pagpapahalaga mo sa kanya considering sa mga bagay na isinasakripisyo niya sayo"

Yun na yun.

Napakunot na ang noo ko sa dami ng sinasabi ng lalaki na ito sa akin.

"Sino ka ba? Hindi nga kita kilala. Pwede ba-?" Aalis na sana ako nung hinila nung lalaki yung braso ko at sinandal ulit sa pader.

"Im Andrei and Im not pleased to know that I have you, Rachel, infront of me"

"Andrei? at pano mo ko nakilala? Hindi kita kilala kaya pwede ba bitawan mo ako?"

Fate of Love.Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt