09 ( ENVY )

84 16 0
                                    

Cole's Pov

Kasalukuyang nasa labas ako at nagpapahangin lamang dito sa kabukiran na malapit lang sa highway , naiirita kasi ako na makita si jaydee sa bahay.

Like hindi ako makapaniwala na makakapasok siya sa Golden Section at Overall top 1 pa? Hmm tignan natin kung saan aabot ang kasinungalingan niya gayung magpapasukan na sa mga susunod na linggo.

Napahiga na lamang ako sa may kama na narito gayung tambayan talaga namin ito nung mga kaibigan ko ngunit ako lamang ang mag isa ngayon.

Napatingin ako sa may puno gayung nagsisisayawan ang mga dahon nito , napakadaya ng panahon. Kung kailan naging proud sa akin si Ama ay siya namang pagsingit sa usapan ni Jaydee.

Lagi na lamang siyang umeepal sa pamilya namin at kailangan ko na talagang makaisip kung paano ko siya mapapaalis sa bahay sa lalong madaling panahon.

"Kuya cole!" Tawag na nagpalingon sa akin , nakita ko si karylle na nakatayo sa may likuran ko.

"Bakit ka na naman nandito? Gusto kong mapag isa kaya lubayan mo ako karylle" may diing saad ko saka napapikit na lamang nang sa ganun ay hindi ko siya makita at humiga ulit.

"Hinahanap ka ni tatay kaya hinanap kita. Mag gagabi na kaya , umuwi kana" dagdag niyang muli sa akin na siyang ikinakunot ng noohan ko.

"Hinahanap? Kailan niya pa nagustuhan ang presensya ko sa bahay? Ni minsan nga ay hindi niya ako pinahalagahan at pinaburan lagi nalang si jaydee" may inis na tugon ko sa kanya , nakakainis silang tignan na dalawa buti na lamang ay may kakampi ako kahit papaano at iyun ay si Inay.

"Hindi naman sa pinapaburan lagi si kuya jaydee , sadyang bakit ba hindi mo matanggap na may pagkakamali ka?  Bakit kasi pinag iinitan mo si kuya jaydee eh wala naman siyang ginagawang masama sayo" mahabang saad niya na nagpainit pa lalo ng ulo ko kung kaya'y napabangon ako sa pagkakahiga.

"Ganyan! Ganyan na ganyan kayo ni Tatay sa akin! Pinag iinitan? Bakit ano ba ang lugar niya sa pamamahay natin? Palamunin lang naman siya!" Galit na galit na sigaw ko pabalik sa kanya , hindi daw pinapaburan eh halatang halata naman na lagi silang kumakampi kay jaydee.

"Kadugo natin siya kuya cole , ano ba ang hindi mo maintindihan ah? Tayo nalang ang meron siya. Hindi ba pwedeng pakisamahan mo siya?" Sagot niyang muli sa akin.

"Hinding hindi ko siya matatanggap na ka pamilya at tandaan mo yan karylle! Hanggang hindi siya nawawala sa bahay ay hindi ko siya titigilan!" Wika ko saka naglakad na upang iwanan siya , hindi niya ako makukumbinsi na maging mabait kay jaydee gayung siya ang dahilan kung kaya'y napalayo ang loob sa akin ni Tatay.

Gusto niya lagi siyang bida na mas lalong ikinakainis ko sa presensya niya. Habang naglalakad ay nakita ko naman sa daan si Jamie na nakangiti nang malawak at hindi ko maiwasang hindi mapangiti gayung napakaganda niya.

"Saan ka patungo jamie? Gabi na ah?" Bati ko sa kanya at nawala naman ang ngiti niya sa kanyang labi.

"Pauwi na ako sa bahay. Galing ako sa inyo upang puntahan si jaydee at ibigay ang mumunting regalo galing kay ama bilang pag congrats sa nakuha niyang achievements"

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Where stories live. Discover now