Jaydee's Pov
Nasa loob na ako ng condo ni Maxine at sobrang nahihiya na talaga ako sa kanya at nais ko na sanang tanggihan ang alok niya ngunit wala na din akong magawa gayung nais niya akong tulungan. At isa pa wala na din akong alam na pwede kong mapuntahan sa ngayon , nagpapasalamat lang talaga ako gayung mabilis na dininig ng panginoon ang hiling ko.
At yun ay ang may tumulong sa akin sa oras na ito , may kirot pa akong nararamdaman sa aking uluhan ngunit hindi ko iyun ipinapakita kay Maxine gayung ayoko na mag alala pa siya sa akin. Minsan naiisip ko na baka maging pabigat din ako sa kanya kapag nagtuloy tuloy ang kanyang pagtulong sa akin na ayokong mangyari.
Pati ako naaawa na sa sarili ko sa paraang nais kong may makaintindi sa akin , nais kong mabigyan ako ng atensyon na hindi kailangang pilit at kusang loob talagang ibinibigay na nararamdaman ko ngayon sa ipinapakita ni Maxine.
She's genuine , ayan ang nakikita ko sa kanya. Kung may pwede lang ako na gawin nang sa ganun ay masuklian ang tulong niya ay gagawin ko.
"Jaydee come and sit here" pagtawag niya sa akin at kaagad naman akong nagtungo sa kinaroroonan niya.
May hawak siya ngayong ice packs at may pagkain siyang inilagay sa plato , mukhang kailangan kong kumain mismo sa harap niya gayung hindi siya kumbinsido na busog na ako kahit na wala naman talaga akong kain magmula kanina pa.
"Ayokong ipilit na tanungin ka at sagutin ang katanungan ko ngayon ngunit hayaan mo akong i relieved ang sakit na nararamdaman mo. I can see the pain in your eyes at ayun ang hinding hindi mo maitatago sa akin Jaydee" mahabang litanya niya sa akin at tsaka hinawakan ang ulohan ko saka ipinress nang mahina ang ice packs.
"See you are in pain! You just need to be honest jaydee kahit sa akin man lang. Magpakatotoo ka sa nararamdaman mo" dagdag niya pa habang nakatingin lamang ako sa mga mata niya , ganun din naman siya.
Makikita ko sa mga iyun ang labis na pag aalala na hindi ko pa talaga madalas na makita sa ibang tao , gayung mostly ay itinuturing ako kaagad na kaaway kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
"Thank you Maxine!" Wika ko sa kanya na ikinagulat niya , napayuko ako saka bumuhos muli ang aking luha. Napakababaw talaga ng luha ko kahit kailan , madalas na akong nagiging soft sa nararamdaman ko magmula noong makilala ko siya. Ka lalaki kong tao ngunit dinaig ko pa ang kababaihan sa babaw ng luha ko.
"Nandito lang ako Jaydee , mananatiling nasa tabi mo palagi. At hinding hindi yun magbabago sa paglipas ng panahon. Pangako ko sayo yan" seryosong aniya niya pa saka muling niyakap ako nang napakahigpit.
Niyakap ko naman siya pabalik , ewan ko ba ngunit lagi talaga siyang nandyan para sa akin sa oras ng aking pangangailangan. At sa tuwing nandyan siya ay hindi ko naiisip na mag isa lamang ako sa mundong ito. Kakaiba ang ikot ng mundo sa tuwing siya ang kasama ko at feeling ko hindi ko deserve na tanggapin lagi ang tulong niya sa akin.
"Kung kailangan mong ilabas ang lahat ng sakit ay handa akong saluhin laaht ng iyun Jaydee , mabawas bawasan lang ang bigat na nararamdaman mo" patuloy lang siya sa paghaplos sa may bandang likuran ko at hindi ko namamalayan na inantok na pala ako at nakatulog sa kanyang balikat.
Maxine's Pov
Mahihinang hilik niya na ang kasalukuyang naririnig ko sa ngayon , napangiti na lamang ako gayung naisip ko ang katagang kapag komportable ang isang tao sa presensya mo ay ibig sabihin nun ay labis na pinagkakatiwalaan ka ng taong iyun o di kaya'y espesyal ka sa taong iyun.
Ipinahiga ko na siya sa kama nang sa ganun ay maituloy niya na ang kanyang pagtulog , mukhang iilang araw din siyang hindi nakakatulog ng maayos. Dahil na din siguro sa responsibilidad niya sa kanyang tahanan at maging sa aming eskwelahan na napakadaming pinapagawa sa amin , dinaig pa namin ang robot sa walang sawang pag iisip at pag gawa ng task.
Pinunasan ko ang kanyang mukha na medyo madumi gayung may hinawakan siya siguro kanina na madumi at tsaka ipinagpatuloy ko ang paglagay ng yelo sa kanyang uluhan. Hindi niya maitatago sa akin na may nararamdaman siyang kirot sa may bandang uluhan niya , hopefully ay okay lamang siya at walang kung ano ang meron sa may uluhan niya.
As much as possible ay ayokong nakikitang nahihirapan siya at gagawin ko talaga ang makakaya ko nang sa ganun ay hindi na siya makaramdam pa ng kung ano na makakaapekto sa mental health niya.
Iilang oras na ang lumipas at nakahawak pa din ako sa ice pack hanggang ngayon , antok na antok man ay pinigilan kong makatulog nang sa ganun ay ma relieved ko pa din ang sakit ng kanyang uluhan. Okay lang sa akin na walang tulog basta makita ko lamang na okay ang lagay niya at komportable siyang nakakatulog ng maayos.
Napakaamo talaga ng mukha niya , ang tangos din ng ilong niya at masasabi ko talaga na wala siyang kapintasan pati sa kanyang ugali , sobrang perfect na para sa akin si Jaydee.
Napadako naman ang tingin ko sa labi niyang medyo may biak biak na ngunit pinkish pa din naman , mukhang dehydrated din siya. Napatayo na lamang ako saka kumuha ng petroleum jelly. Nang may makita ako ay agad na akong naupo sa kama at akmang lalagyan na ang kanyang labi nang biglaang may mag pop up na kung ano sa aking isipan.
Noong una ay napailing ako ngunit kinalaunan ay nakumbinsi ng aking utak ang aking sarili na gawin iyun , total tulog naman si Jaydee at alam kong napakahimbing iyun. Nilagyan ko na ang sarili kong labi ng petroleum jelly at tsaka pinagmasdan kaagad si Jaydee pagkatapos nun ay unti unti ko nang nilapit ang aking katawan palapit sa kanya hanggang sa magtapat na ang labi ng bawat isa.
"Goodnight Jaydee , I love you so much" mahinang bulong ko pagkatapos ko siyang nakawan ng halik na hindi niya alam.
I'll be your shining armor in this world that is full of chaos. I'll be there when you needed someone and I will love you kahit na hindi mo man ako mahalin pabalik. I will always stay kahit iwanan ka man ng lahat. Ganyan kita kamahal.

YOU ARE READING
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee