Francese Pov
Gayung malamig ang panahon ay pumili na lamang ako ng pagkain na sasakto doon at cup noodles talaga ang unang pumasok sa aking isipan at tsaka hot chocolate. Naglibot lang ako dito sa 7/11 habang si Jaydee ay nakatulala lang sa may gilidan , nakalimutan ko nga pala na ibinigay niya ang pera kanina sa matanda kung kaya'y baka wala na siyang naitabi para sa kanyang sarili.
Hindi niya pa man din natatanggap pa ang scholarship at allowance niya gayung madami pang approval ng Dean ang kinakailangan para tuluyan siyang matanggap at makapag claim ng nararapat para sa kanya.
"Just choose anything that you want , it's on me Jaydee." Magalang na turan ko dito at napatingin naman siya sa akin na tila bay nahihiya pa din hanggang ngayon.
Mukhang parang uod na naman ang galaw niya ngayon. Akala ko kanina ay komportable na siya na kasama ako ngunit mukhang hindi pa pala. Kung kaya'y kinuha ko na lamang yung hawak niyang gatas na nasa bottle at tsaka kinuhanan ko na din siya ng cup noodles at ng kimchi nang sa ganun ay masubukan niya din.
Nagtungo na ako sa counter habang siya ay pinauna ko na sa pag upo sa may bakanteng upuan. Iilan lang naman ang mga tao dito kung kaya'y hindi na ako mag aalala pa na may makakilala sa akin dito. Nang matapos akong makapagbayad ay nagtungo na ako sa kinaroroonan niya , tinulungan din ako ng staff dito para bitbitin lahat ng inorder ko.
"Francese? Maraming salamat dito ah. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa kabaitang ipinapamalas mo sa akin , kayo ni Maxine." Pagpapasalamat ni Jaydee sa akin habang napapakamot sa ulo , hindi ko alam ngunit mukhang nakasanayan niya nang gawin yan kapag nahihiya siya sa isang bagay.
"Walang anuman Jaydee , Let's eat na gayung masarap kainin ang noodles kapag mainit pa" tugon ko dito. Si jaydee yung klase ng tao na hindi ka aabusuhin kahit na sabihin mong ikaw na ang pinakamayamang tao sa mundo.
Imaginine niyo , pinapili ko siya ng gusto niya na kahit ano ngunit pinanghawakan niya na ang nais niyang matikman ay ang gatas lamang na nasa bote. Hindi siya nagdagdag pa sa halip ay napakasaya niya na sa maliit na bagay lamang. Sobrang kontento niya na sa mga bagay na kahit hindi naman gaano ka mahal ay pinahahalagahan niya na.
"Siya nga pala saan ka nag aaral dati? Maaari ko bang malaman? At paano ka nagkaroon ng interes para pumasok sa GIU?" Pagsisimula kong muli ng usapan kasi kung hindi ako magtatanong sa kanya ay wala talagang mabubuong usapan sa pagitan naming dalawa.
"Sa pamantasan ako nag aaral Francese , sa totoo lang masaya naman doon ngunit sa kadahilanan na madaming oportunidad ang meron sa GIU kung kaya'y pinili kong subukan na makapasok at ngayon ay pinalad naman" pagkukuwento nito sa akin habang nakatingin lang nang diretso , parang nangungusap ang bawat mata namin sa tuwing nagkakatagpo ito.
"Yung parents mo? Anong trabaho nilang dalawa?" Tanong ko sa kanya na dapat pala hindi ko na itinanong ko pa gayung gumuhit bigla ang kalungkutan sa kanyang mukha.
"Hindi ko alam kung nasaan sila , sa kwento ng akin ni Tiyo ay inabandona nila ako" malungkot na turan niya , napalunok naman ako nang iilan nang marinig ko iyun. May mas ilalala pa pala ang kahirapan ng buhay nila gayung wala na pala siyang mga magulang na kasama.
"Maayos naman ba ang trato nila sayo sa kanilang tahanan?" Ewan ko ah , nagmumukhang nag iinterview na ako sa lagay na ito ngunit sobrang interesadong interesado ako sa buhay na meron siya.
"Oo naman m-maayos" medyo nautal pa siya sa panghuli niyang sinabi ngunit hindi ko na lamang inalam pa iyun. Masyado na akong madaming tanong kaya hahayaan ko na muna siyang kumain sa ngayon.
"Siya nga pala , hindi ba kayo close ni Maxine. Napapansin ko kasi na bihira lamang kayo kung mag usap na dalawa sa classroom" tanong naman nito na aking ikinagulat , napapansin ko na madalas ang pagtawag niya sa pangalan ni Maxine.
Maaari kayang nagkakaroon na siya ng pagtingin rito? Hindi naman malabong mangyari iyun gayung madami naman talagang nahuhulog sa kabaitang ipinapamalas ni Maxine sa lahat ng taong nasa paligid niya.
"Oum ganun na nga pero magpakalagayang loob kaming dalawa. Hindi lang masyadong nag uusap pero andun pa din yung respeto sa bawat isa" pagsagot ko sa kanyang katanungan. Simula ng mga bata kami ay hindi ko talaga minabuting mapalapit kay Maxine gayung inis at inggit lamang ang aking nadarama kapag lagi kaming ikinukumpara.
Kesyo Top 1 lagi si Maxine at kailanman ay hindi ko siya mauungusan sa Rankings. Buong puso ko namang tinatanggap na laging pangalawa na lamang ako ngunit masaya pa din ako sa kadahilanan na kahit napipressure ako nila Grand Dad at Grand Mom ay nandyan yung parents ko para sabihing I did my best and it is enough.
Na wala akong dapat patunayan sa ibang tao kundi mas higitan ko yung dating ako. Sa mundong ito , sarili laban sa sarili at hindi sarili laban sa sangkatauhan. Ngunit syempre kahit ganun ang lagi kong isinasaisip ay hindi talaga mawala na maikumpara ko ang sarili ko kay Maxine pero kahit papaano masaya ako sa nakakamit niya.
"Francese okay ka lang ba? Natulala kana. May dumi ba yung mukha ko?" Nagtatakang saad ni Jaydee , hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya all this time.
Kahit hindi siya gaanong kaputian ay bawing bawi naman iyun ng kagwapuhan ng kanyang itsura , mabuti din ang kanyang kalooban at lalo na ang kanyang katalinuhan ay walang katulad.
"Wala ang cute mo lang.." napahawak naman ako ng aking bibig nang biglang kumawala ang salitang iyun sa akin.
Napangiti naman ito sa akin at tila bay namumula sa pagkabigla.
"Kaya pala ganyan ka makatitig sa akin , huwag ka mag alala alam ko din naman na cute ako Francese" pagtindig niya sa sinabi ko na dahilan upang mapakunot ang aking noohan.
"Wow ah? Ngayon ko lang nalaman na may pagka hangin ka pala." Hindi ko naman napigilan ang biglaang pag guhit ng aking ngiti sa mga labi nang dahil sa sinabi nito kanina.
"Ayan bagay na bagay sayo ang nakangiti , sana laging ganyan Francese. Para ka kasing makikipag digmaan kapag kinakausap ka ng ibang tao" mahabang litanya niya naman na siyang nagpatigil ng aking pagngiti , kahit ako ay nabigla din.
Hindi talaga kasi ako madalas na ngumiti not until nakilala ko siya ay parang laging masaya ang puso ko at tsaka nasa at peace ang isipan ko.
"So nakikipag digmaan pala ah? Ang sama mo naman sa akin Jaydee. Hindi ba pwedeng seryoso lang akong tao?" Rebat ko naman dito na ikinatawa niya na lamang , grabe nang aasar pa talaga siya lalo.
"See? Ganyan na ganyan nga. Kuhang kuha mo talaga" natatawang dagdag niya pa , hinampas ko naman siya dahil sa inis ko.
"Okay sorry na" nagpipigil ng tawa na aniya niya na ikinairap ko na lamang , may pagka makulit talaga siya pero nakakatuwa siyang kasama.
"Tsk kainin mo na nga yan , mabulunan ka sana dyan sa noodles!" Wika ko dito at nagsimula na kami ulit kumain , maya maya ay natapos na din kami at hindi namin namalayan ang oras gayung sumapit na pala ang alas otso ng gabi.
Sumakay na kami kaagad sa aking kotse at tsaka binilisan ko na ang pagmamaneho gayung alam ko na hinahanap na din siya sa bahay nila. Maya maya pa ay nakarating na din kami sa tapat ng kanyang tahanan at nagpaalam na sa isa't isa , ako naman ay nakakatanggap na ng tawag mula kay Dad ngunit hindi ko na muna ito sinagot sapagkat malapit na din naman ako sa aming bahay.
Saktong pagkabukas ng gate ng aming tahanan ay bumungad sa akin si Duke na tila bay kanina pa ako inaabangan , hindi ko naman siya pinansin pa at akmang magtutungo na sa loob nang hawakan nito ang aking kamay.
"Anong namamagitan sa inyo nung kaklase mo ah? Nakita ko kayong dalawa sa 7/11 , mukhang masayang masaya ka na kasama siya ah?" Turan nito sa akin na aking ikinagulat kung kaya'y nanlaki ang aking mga mata , hindi ko alam ang isasagot ko sa katanungan niya kung kaya'y napatingin na lamang ako sa kanyang mga mata.

YOU ARE READING
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee