Chapter 4

25 5 0
                                    

tatlong buwan na simula ng tumigil ako sa pag punta sa condo ni Xayrylled, ilang araw palang kami nung kasal pero dahil may girlfriend sya, ako nayung nag adjust, pareho naman kase kaming nabigla, akala namin pareho simpleng dinner lang pero iingage na pala kami

kanina kopa sinasabihan si shera na itigil ang pagiging baliw nya kay jayrylled jusq tatlong taon na halos syang nag hahabol dun e d naman sya pinapansin

papasok na kami ng school at naririndi ako sa kaingayan ni shera kanina pasya reklamo ng reklamo na kesyo baka malate daw kami e sya itong napaka bagal kumilos

napabalikwas ako ng biglang may tumigil ka kotse sa harapan namim at bumusina pa ito, BMW na kulay silver ito, hindi ako masyadong pamilyar sa kotse kaya baka schoolmates lang namin

halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng lumabas duon si Xayrylled na may malawak na ngiti

why are you here?" tinarayan ko talaga ang dating ko kahit napupuno ng kaba ang dibdib ko

i on my way to school nadin naman pero nakita ko kayo" nabwiset ako ng nakipag apir dito si shera at daredaretsong pumasok sa kotse nito

hindi mo kailangang gawin toh baka ako pa maging dahilan para mag hiwalay kayo ng girlfriend mo" halos pabulong kong sabi kahit nasa loob na ng kotse si shera

hinila nya ako papasok sa front seat kaya wala na akong nagawa, puro buntong hininga lang ang nagawa ko, at punong puno ng kaba ang dibdib ko ayaw kong makasira ng kahit ano sakanya lalo na't kasalanan ko kung bakit sya nasa ganitong sitwasyon

Trina hindi mo ako kailangang intindihin" pikon nitong sabi kaya sinamaan kosya ng tingin

hindi kaba talaga nag iisip xay?"inis kong bulyaw dito

look wala namang malisya ito, tyaka its not a big deal?" Pikon nitong anas sakin oo nga naman sakin lang naman big deal ang lahat lalo na't sobrang guilty ako

Pero sakin big deal lahat ng toh" halos pa bulong ko sabi, tumingin pako kay shera, halatang walang pake ang isang iyon wala naman syang maintindihan e

Tama nayan nandito na tayo" pasigaw na sabi ni shera at agad itong bumaba ng kotse, inis na inis akong bumaba at halos sipain kopa ang kotse naiiyak ako naiiyak ako kase mas lalo akong naasa sakanya

nauna akong nag lakad sa sobrang inis ko, pero nakita kong may kung anong binulong pa si shera kay xay at tinapik tapik pa ang balikat dito, napairap nalang talaga ako sa kawalan, inis na inis nanga ako dadagdag pa ang isang yun

napansin ko si shera na may kung anong tinitingnan, mukang hinahangaan nanaman nya si jayrylled, napangiti nalang din ako ng wala sa oras, sana si jayrylled nalang yung inengage sakin baka kase bigyan pako ng pake kahit papaano keneme mo talaga self

sabi kaseng itigil na" bulong ko dito, napansin kong madaming nakatingin samin kaya hinila kona sya,  famous kase si jay kaya mukang masasabihan nanaman nang assumera ang isang ito

nang makadating kami sa room ay agad kong binati si leorenz Alcantara na isa sa mga close friends ko dito sobrang hands on nya kase ansarap pa mag luto boyfriend materials pa

leo pahiram ng reviewer" nakangiti nitong inabot ang notebook nya cute nya kaso si shera ang nais kaya naka cancel na sya sa crush list list ko

sabay tayong mag review" tumango lang ako dito wala naman kaming exam ngayon pero maganda kaseng mag maisasagot ka sa recitation

dumating ang prof namin at sobrang natutuwa ako sa topic namin samantalang si shera ay mukang wala nanaman sa sarili, inaaya ako ni leo na kumain kami ng sabay sa canteen kaso hinihintay na kami ng mga kaibigan namin

kita ko ang pikon sa mga kaibigan namin halos mang patay na ang titig nila inip na inip kakahintay e

puro Katangahan lang naman ang mga kaibigan ko nakikipag biruan ako sakanila pero nasa kabilang dulo anh focus ko nandun kase si xay na naka suot pa mg jersey napang football, nasa basketball sya dati pero lumipat daw, mas naging matunong ang pangalan nila ng pinsan nyang si jay

after naming kumain ay humiwalay din agad ang dalwa, mag ccr daw si shera kaya nauna nako pumasok sa room

trina" ngumiti ako ng peke kay xay ng maka salubong kosya sa hallway

mamaya nalang tayo mag usap" halos pabulong kong sabi dito, diko alam kung bakit pakiramdam ko pagod na pagod nako sa mga nangyayari gusto ko nalang itigil

kailangan talaga nating mag usap" madiin nitong sabi tumango ako sakanya dahil ayoko nang mag salita.

nang wala nasyang sinasabi ay nilampasan kona sya,naramdaman ko ang titig nya at pakiramdam ko ang bagal ng lakad ko pero halos takbuhin kona para lang maka alis na agad duon diko kayang tagalan ang pakikipag usap sakanya

kung ano ano ang pinag sasasabi sakin ni shera diko masyadong maintindihan dahil ang bilis nyang mag salita ang naintindihan kolang at ang pinahiram daw sya ni jayrylled ng  jacket.

naka abang sa pintuan si Xayrylled ng madismiss ang klase namin, ngingiti ngiti pa sakin si shera at tumakbo paalis, abat talaga naman ang isang yun

importante ba pag uusapan natin?" Seryoso kong tanong sakanya

tahimik lang kami sa buong byahe papunta kung saan, nahuhuli kong nasilip sya sa akin paminsan minsan pero diko binibigyang pansin iyon, tumigil kami sa dalampasigan ng dagat, palubog na ang araw at swerte naabutan pa namin yun

ang ganda ng ilaw ng langit noh napaka kalmado lang din ng dagat, sana ganun din ang lahat satin" mapait kong sabi dito naramdaman ko nanaman ang titig nya.

mag sama na tayo, hirap na hirap na akong pag takpan kala mommy ang lahat" ngumiti lang ako sakanya.

may boyfriend nako" nakita ko ang gulat sakanya pero agad din namang nawala iyon

pero piliin mo sana ako" mapakla nyang aniya, napabuntong hininga nalang ako,pano kosya pipiliin kong ayaw nya akong piliin, alam kong nasabi nya lang iyon kase nahihirapan nasya, mas mahihirapan lang kami pareho kapag nag sama pa kami, halos pagod na pagod nako sa nangyayari, alam kong sya din pero wala kaming magagawa nandito na ito, at kasalanan ko iyon


My light (PNI Series 2)Where stories live. Discover now