chapter 12

17 1 0
                                    

khai may alam kabang pwede kong pasukan na work?" gulat na gulat ang loko na parang ayaw maniwala sa tanong ko

nilalagnat kaba trina?" Himapas ko sakanya ang folder na hawak ko.

seryoso khai" napakamot pa ito ng ulo at pinagmasdan pa ako ng mga ilang minuto

meron akong alam pero ang diko sure kung kaya moba yun" napabuntong hininga nalang ako, hindi ako pwedeng mag inarte ngayon i need a job kaya wala munang arte

i can do anything, help me khai paano ba makapasok dun" tumango lang ito sa akin, mamaya ay mag kikita kami para mag apply sasama nadin daw sya para may kasama ako

kanina pa ako walang kinakain na kahit ano ten thousand ang allowance ko in one month pero binayad ko iyong lahat sa tuition ko, gutom na ako pero wala akong choice kundi ang tumunganga at manood sa mga kumakain.

Trina" tawag sakin ni xay at umupo sa harap ko.. bakit mag isa kalang?" Tanong pa nito iniwas ko ang tingin ko sa pagkain nya dahil lalo akong ginugutom

may ginagawa sila khairo" sagot ko dito pero ang tingin ko ay nasa mga damo.

Kumain kana ba eat this binili ko toh para sayo" iniabot nya sakin ang pork chop at rice gutom na ako kaya wala na kong choice kundi ang kainin ito

tahimik lang akong kumakain dahil sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko ding kasama ko si xay kung hindi pa nya ako susubuan ng fries ay hindi kopa maalala na nasa harapan ko sya

mi amore ayos kalang ba?" Kanina kapa tulala dyan" nag aalala nitong tanong tumango lang ako sakanya habang kumakain

xay anong oras ka uuwi?"

seven pm may practice pa kami" tumango ako sakanya, mabuti kung ganon dahil hindi nya pwedeng malaman na mag hahanap ako ng trabaho alam kong hindi sya papayag

after practice umuwi ka kaagad mag palit ng damit at uminom ng madaming tubig sobrang init pa naman ngayon" Nakita ko ang pag ngisi nito at kinurot pa ang pisngi ko

mi amore sa condo ko nalang ikaw tumira" paawang sabi nito kaya itinuktok ko sakanya ang tinidor

mag tigil ka" natatawang sabi mo dito, after naming kumain ay hinatid na ako sa room namin kitang kita ko kung papaano ako tingnan ng mga kaklase ko na parang diring diri

umupo ako sa dulo kung saan lagi kaming naka pwesto ni shera siguro kung nandito si shera kanina pa nag tigil ang bulungang yan dahil babarahin nya yang lahat

feeling mayaman d naman pala bayad sa tuition" pinalampas ko nalang sa kabilang tenga ko ang pinag sasasabi ng mga kaibigan ni keyzi tungkol sa akin

nang matapos ang klase ay sinundo ako ni khairo dahil sabay kaming mag aapply sa isang kumpanya kahit tiga linis oh tiga luto kami sa kusina

ano bang trip mo?" Natatawang tanong nito habang nakasakay kami sa jeep iilan lang ang pasahero dahil masyado pang maaga

family prob" maikling sagot ko dito mukang naintindihan nya naman agad iyon dahil bigla syang nanahimik

binati namin ang guard bago pumasok, Ang gara ng kumpanyang ito, sikat ito sa buong pilipinas pati narin sa ibang bansa, hawak nito ang napaka daming restaurant na mamahalin.

mag aapply ka ng cook?" Tanong ng babaeng medyo matanda sa akin, tumango lang ako dito.

kaya mo na pala yan nag bago na isip ko ikaw nalang mag trabaho" sinapok ko ng malakas si khairo pero nag tatakbo lang ang isa at iniwan ako dito, napaka gago talaga

nasan na ang kasama mo?" Takang tanong ng babae

may lbm po hindi naman po yon mag aapply" kitang kita ko ang pang hihinayang sa mata ng babae, inabutan ako nito ng apron at pinag simulang pag hiwain ng mga gulay, medyo nagulat panga ako dahil pinag simula na nila ako agad agad pero ang sabi kase ay madami daw gagawin

tahimik lang ako sa isang gilid at pulidong tinatapos ang mga binigay nilang gawain, bawal akong ma tanggal dito kailangan ko ng pera

kamuka mo ang may ari ng kumpanyang to" bati ng babaeng siguro at kaidaran kolang

Talaga?" manghang tanong ko

kanina kapa nga pinag uusapan nila boss e pinabatang version kadaw ni ma'am Treyzna"  ngumiti lang ako sakanya ayokong pinag chichismisan ako pero mukang ako ang laman ng chismis

pagod na pagod na ako pero kailangan kopang maging waitress dahil nga kulang sila sa tao, napaka daming nag tatrabaho dito at iilan lang ang tao sa kusina

good evening po enjoy your meal" bati ko sa isang grupuhang mga worker dito, mga nakangiti ito sa akin na parang manghang mangha

kamuka mo si ma'am treyzna" bati sakin ng isang worker

medyo madami dami napo ang nag sasabi sakin nan" natatawang sabi ko dito kaya sila ay nag tawanan nadin

bumalik ako sa kusina para ayusin ang gamit ko hanggang ten lang ako dahil may pasok pa ako bukas, may matatanggap nadin akong pera ngayon dahil ganoon daw ang patakaran dito, pang dagdag ipon din ito, pinag uwi din kami ng pagkain dahil madami ang natirang pagkain kaya sobrang lucky ko ngayon diko na poproblemahin ang pangkain ko

pagod na pagod akong nahiga sa kama inilagay ko sa ref ang mga ulam na dala ko pang bukas kong pagkain.

from: xay

mi amore bakit wala ka sa apartment mo galing ako kanina dyan after practice

ginapang ako ng kaba ng mag text si xay sa akin ng ganto

To: xay

May inintindi lang sorry d ako nakapag paalam:)

pag ka send ko nun ay sakto namang na lowbat ang cellphone ko kaya inis na inis akong ibinato iyon sa kama

Binilang ko ang pera ko sa alkansya ko pati nadin ang kinita ko kanina enough na ito para sa limang buwang walang bayad na tuition ko, madami akong ipon dahil simula ng mag move ako dito sa manila ay nag save talaga ako ng pera may bank account din ako pero hindi ko pwedeng basta bastang gastusin iyon dahil galing din kay daddy ang perang nakalagay duon

My light (PNI Series 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora