chapter 19

13 1 0
                                    

pupunta ako ngayon kala Xayrylled, kailangan ko na talaga syang makita kase gulong gulo na ako kung kami pa ba...wala manlang syang text sakin simula nung maka graduate ako three months na ang nakakalipas, sobrang daming nangyari sa family ko pero lahat ng iyon pinipilit na naming kalimutan.

ate trina goodluck" ngumiti ako ng matamis kay Claudia, naging talkative si Claudia simula nung dinala sya dito ni mommy and pinapakita nya nadin talaga sa amin ang totoo nyang talent she dont want to do journals mas gusto nya ang pag pipaint.

pag kalabas ko ng mansion ni mommy ay sinalubong ako ni kuya Ronel na private driver ko, mom hired kuya Ronel to be my driver and personal body guard.

goodmorning kuya" bati ko dito, ngumiti lang ito sa akin at pinag buksan ako pinto

tahimik lang ako sa buong byahe at iniisip kung ano ba ang pwedeng mangyari sakin mamaya, nang makarating kami ay huminga ako ng malalim at nirerelax ang sarili ko

nag dorbell ako sa malaki nilang gate at lumabas ang isang maid na mukang kaseng edad kolang

ano pong kailangan nyo?" Mahinhin nitong tanong sa akin

goodmorning, nandyan ba ang mga Galventrego?" Tumango ito at pumasok sa loob mukang ipag bibibay alam na may bisita sila

nang lumabas ang maid na kausap ko kanina ay nasa likod nya si kuya xaikril, mama cally, at si Xayrylled na may babaeng nakahawak sa braso nya

gusto kong umiyak ng makita ko iyon pero pinipilit kong ngumiti para hindi mag mukang bastos ang pakikitungo ko sakanila.

pasok ka muna" sabi ni kuya xaikril, pinag buksan ako ng gate ng maid kaya pumasok na ako, bineso ako ni kuya xaikril ay ganun din si mama cally pero si xay naka tingin lang sa akin ng walang ekspresyon ang muka

magandang araw po" pag kasabi ko nun ay inabot ko sakanila ang pasulubong ko, nag bake ako muffins kanina bago ako pumunta dito kaya alam kong mainit pa ito at masarap kainin

kamusta ka naman, napadpad ka ata dito" mabait na sabi ni mama cally

ayos naman po ako, ilang buwan kodin po kayong hindi nakita" tumango lang ito sa akin at nag paalam na pupunta syang kusina para mag handa ng pagkain

pst ang payat mo sobra" napatingin ako kay kuya xaikril na pinag mamasdan pala ako kanina pa

stress" ito lang ang nasabi ko sakanya tumango lang ito kaya nabalik ang atensyon ko kay xay at sa babaeng katabi nya nakita ko ang pag tatawanan ng dalwa kaya napaiwas agad ako ng tingin

xay at trina tara muna, ikaw leany dito kalang" tawag ni kuya sa amin medyo nagulat panga ako dahil bakit ganito ang pakikitungo ni kuya kay leany.

wtf sasama ako" iritableng sabi ni leany kay kuya pero hindi sya nito pinansin, bago tumayo si xay ay may ibinulong muna sya kay leany na ikinasimangot ng babae

nakasunod lang kami pareho ni xay kay kuya, dinala nya kami sa third floor kung saan merong beranda at may mga lamesa mukang tambayan nila ito, ngayon kolang ito nakita

mag usap kayong dalwa, alam kong pumunta ka dito para makausap toh" tumango lang ako kay kuya samantalang si xay ay naka simangot at mukang hindi gusto ang nangyayari

bakit kaba nandito?" nagulat ako ng bigla nya akong sigawan, hindi nya ako sinisigawan dati pero bakit parang ang layo na namin sa isat isa

xay you don't need to shout" alam kong may luha na sa mata ko pero tinatatagan kopa din ang loob ko.. gusto kolang malaman kung meron pa ba akong ikaw" mahina kong sabi dito pinangunahan na ako ng mga luha pero nilalabanan ko padin iyon dahil ayokong mag mukang kawawa at desperada sa harap nya

wala na trina hindi mo ba nakikita na dito nakatira si leany sya yung babaeng gusto ko talaga bago kapa ipakasal sa akin, kaya please Trina umalis kana" tumango lang ako sakanya, nang hihina ako at gusto Kong ilabas lahat ng sakit pero ngayon malaya na sya at binalikan nya ang babaeng gusto nya talaga at Hindi ako iyon.

bumaba na ako at nag paalam na uuwi na kala kuya xaikril, pinag mamasdan pa ako ni mama cally pero pilit kong iniiwas ang tingin ko sakanila

kumain ka muna anak" mahinahong sabi nito.

aalis napo ako, salamat po ng madami" kitang kita ko ang galit sa mata ni kuya xaikril pero hindi ko binigyang pansin iyon at dumaretso na ako palabas ng mansion nila

nang makasakay ako sa kotse ay duon bumuhos ang iyak ko, buti nalang at tinted ang sasakyan na ito at hindi ako nakikita nila kuya xaikril na nasa pintuan ngayon

iyak lang ako ng iyak hanggang sa makabalik na kami ng mansion, inalalayan panga ako ni kuya ronel papasok at halos lahat ng maid ay sinalubong ako, at lahat sila at nag aalala.

ate" nag mamadaling bumaba si Claudia, nang makalapit sya sakin ay mahigpit nya akong niyakap, sya nadin ang nag alalay sakin paakyat ng kwarto ko

Thankyou" sabi ko sakanya sa mahinang boses, pinalabas ko muna sya ng kwarto ko dahil gusto kong mapag isa at makapag isip isip

ako ang mag aalis sayo sa dilim" napapikit ako dahil bigla nalang dumaan sa isipan ko ang boses ni xay

mi amore" lalo akong naiyak ng marinig ko ang tawag nya sa akin ng nga panahong ayos pa kami

minahal ba ako ni xay bakit pakiramdan ko ipinakita nya lang iyon dahil kailangan.

shera love's: calling

Sinagot ko ang tawag nya mukang nakadating na sakanya ang balita

[Trina nasa restaurant lang ako, punta kalang dito libre ko lahat] napatawa ako ng mahina sa sinabi nya porke sya na ang may ari ng rylled resto na kalat na kalat na dito hindi na sya kuripot

[nandyan ba sila khai?]

[wala nasa field si khai nagkaroon ata ng problema sa ginagawa nilang building si jasern naman nasa laguna wala akong balita sa lalakeng yun]

[pagod pa ako shera sa susunod mo nalang ako ilibre kapag may gana nako]

[Sige ingat ka cheer up]

Pinatay kona ang tawag at hinayaang makatulog ang sarili ko



My light (PNI Series 2)Where stories live. Discover now