chapter 16

12 1 0
                                    

nasa hospital padin ako, at naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko, bumungad sakin si xay na magulo ang buhok at halatang kulang sa tulog

Mahal ko" bulong ko dito at inayos ang magulo nyang buhok, tulog mantika talaga ang isang ito kahit pinitik kona ay tulog na tulog padin

pinag masdan kolang ang muka nyang sobrang amo kahit halatang pagod ito ay sobrang gwapo padin.

tinititigan mo nanaman crush mo"nagulat ako ng bigla itong umimik kaya natampal ko ang muka nya.

love sorry ikaw naman kase nang gugulat" tumawa lang ito at mahigpit na hinawakan ang kamay ko, mukang may problema din itong dinadala pero mag sasabi naman ito kaya hihintayin ko nalang muna.

mag paggaling kana, at sisiguraduhin kong hindi kana mag tatrabaho" seryoso nitong sabi, napabuntong hininga nalang ako at hinayaang hawakan nya ang kamay ko.

napag paalam mona ba ako?" Tanong ko dito ng maalalang may pasok nanga pala ngayon at nandito padin ako sa hospital

yeah" inaantok nitong sabi, ilang oras kaming ganoon hanggang sa marinig ko nanaman ang hilik nya napaka tulog mantika talaga

bukas ay makakalabas na ako kaya balik nanaman sa dilim ang buhay ko, hindi pa nag papakita sakin si daddy at mam treyzna ngayon mukang binibigyan nila ako ng space na kailangan ko talaga ngayon para makapag isip isip
***

anak anong gusto mong almusal?" Bungad ni mam treyzna sa akin, nasa apartment kona ako nakauwi na kami kaninag umaga.

kahit ano nalang po" tumango lang ito sa akin at pumunta nang kusina

pumasok ng school ngayon si xay at ipinasabay Kona din ang mga papers ko, graduation na namin next month kaya dapat maipasa kona ang mga dapat ipasa

goodmorning maldita naming prenny" tinalunan ako ni khairo at mahigpit akong niyakap na halos ikatumba kona

gago ka talaga masakit" inis kong sigaw dito pero tumawa lang ito, kitang kita ko ang pag iwas ng tingin sakin ni jasern kaya binato kosya ng unan

ano jasern dimo na ako pinapansin" nag tatampong sabi ko dito pero ang loko inirapan lang ako

parepareho kaming napatingin sa gawing kusina  ng biglang umubo si mam treyzna na naka apron pa at may hawak na sanchi

Ipakilala mo naman ako anak sa mga kaibigan mo" takang tumingin sakin ang dalwang itlog na parang nagtatanong

si mommy treyzna totoo kong nanay" nakailang buntong hininga pa ako bago ko masabi ang salitang mommy i want to give a try gusto kong matanggap na sya ng buo na walang galit, hindi pa naman sya nag eexplain at hindi pa totally bumabalik ang mga alaala ko

kitang kita ko ang gulat sa dalwa at hinawak pa ni khairo ang muka ko at pinag tabi kami ni mommy treyzna

tangina, sa wakas nakalaya ka na sa demonyong kinikilala mong pamilya" niyakap ako nito ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga

pinalo ni mommy treyzna si khairo ng hawak nitong sandok kaya humahalpak kami ng tawa ni jasern

manang mana ka sa nanay mo trina" bulong nito na ikinatawa namin, ganoon din si mommy

kanina kapa yakap ng yakap sa anak ko, baka may gusto ka dyan" biro nito, kitang kita ko ang pag ngiwi ni khairo na parang diring diri

tita anong niluluto mo? gutom napo ako e" daredaretsong pumasok ng kusina si jasern at nilampasan lang kami

sobrang sarap mag luto ni mommy gusto kong mag paturo sakanya kaso ay nahihiya padin ako, kapag siguro nakilala ni shera si mommy baka mag paturo iyon, ang daming nakain ng dalwa dahil ang saral nga daw ng kaldereta, ipinag tabi ko si xay para matikman nya din alam kong pupunta iyon dito after school

nag paalam na ang dalwang itlog na papasok na, nag cutting class nanaman ang dalwa, at ngayon palang papasok napaka walanghiya talaga, hindi naman ganito si khairo pero mukang nung nag hiwalay sila ni yanna puro kalokohan na ang ginagawa si jasern naman ay matagal nang ganito.

ang kukulit at ang iingay parang Hindi mga lalake kaibigan mo" natatawang sabi ni mommy

kulang panga po ng isa e baka mas marindi kayo sa bunganga ni shera kung nandito yun" natatawang sabi ko namimiss ko nanaman ang kaibigan kong yun, malapit na ang birthday ni khairo kaya baka pumunta iyon dito

free to open anak" ngumiti lang ako ng mapait sakanya, gusto nyang buksan ko sakanya ang mga nangyari sa buhay ko ng wala sya pero nahihiya parin kase ako

napatingin kami sa pinto ng may kumatok tatayo na sana ako kaso sabi ni mommy ay sya nadaw, gulat na gulat ako ng pumasok si daddy at ang tinuring kong nanay sa apartment ko ng daredaretso

anong akala mo trina makakalaya kana, tanga ka talaga makukulong kang babae ka wala kang utang na loob" akmang sasampalin ako nito pero isang malakas na sampal ang natanggap nya mula kay mommy treyzna

wala kang karapatang saktan ang anak ko" madiin nitong sabi dito

masaya kana?.. ikaw ang makukulong pinapangako ko yan" nag papalag ito sa pag kakahawak ni daddy at daredaretsong lumabas ng bahay, gulong gulo ako sa pinag sasasabi nya pero diko nalang binigyang pansin

are you okay?" Tumango lang ako kay mommy at nag paalam na sa kwarto ko muna ako

chineck ko ang phone ko at nakita kong tadtad iyon ng text ni mera kalil at cessa, sinabi ko sakanila na huwag nilang sasabibin kay shera ang nangyari sa akim dahil paniguradong mag aalala iyon ng sobra sa akin

napaka chismoso kase ng dalwang itlog ng sabibin ko sakanila na naospital ako pinag sasasabi agad sa mga kaibigan naming nasa malalayo buti nalang at hindi nabalitaan ni shera iyon

from: mera

Pagaling ka na, hayaan mong makarma demonyong nanay nanayan mo" natawa ako sa chat ng babaeng ito napaka bwiset talaga

To: mera

Im fine now, please don't tell shera about this, i miss you

Isa isa silang nireplyan napaka dami nila at medyo nangangalay nadin ako kaya pinatay kona ang cellphone ko.

wala akong kahit natanggap na kahit anong message  Ngayong araw kay Xayrylled namimiss ko nanaman ang isang yon kahit nag kita naman kami kaninag umaga

My light (PNI Series 2)Where stories live. Discover now