Tsinelas
Nakaramdam nanaman ako ng galit. Galit hindi para kay Ericka kundi sa sitwasyon namin. Sitwasyon na ginawa ng mundo, estado ng buhay na pilit isinasampal sa akin na kahit pare-pareho tayong tao, hindi pare-pereho ang mga pribilehiyong pwede nating matamasan.
Pag mayaman ka, magiging madali sa 'yo ang buhay. Pag marami kang pera, makukuha mo ang lahat sa isang pitik ng daliri lang. Pag mahirap ka naman, magiging mahirap din sa 'yo ang buhay. Kaya nga naniniwala ako minsan na kung ipinanganak kang mahirap, at namatay kang mahirap...kasalanan mo na 'yon.
Pero kung iisipin mo, hindi naman madali ang buhay sa mundo. Na kung minsan, kahit gaano ka pa magsumikap...may mga tao, o pagkakataon na pilit na magbababa sa 'yo, hanggang sa mapagod ka, hanggang sa sumuko ka na lang at hindi na lumaban.
"Oh, Junie...naglakad ka lang ba?" tanong sa akin ni Manong guard.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na nagawa pang sumakay ng jeep papasok sa may factory, nilakad ko 'yon ng hindi ko namamalayan dahil sa pag-iisip ng kung ano.
"Lumipad po, Manong," nakangising sagot ko sa kanya.
Pinilit kon magtunog normal, yung normal na Junie na para sa mga kaibigan ko abnormal. Yung Junie na ma-ingay, masiyahin, mukhang walang problema. Si Junie ka, bawal kang malungkot, dapat masaya lang.
Mula kay Manong ay lumipat ang tingin ko sa pamilyar na sasakyang nakaparada sa harap ng factory. Sasakyan 'yon nila Ericka, maaga siyang pumapasok dahil may naghahatid sunod sa kanya.
May kung ano pa din akong nararamdaman, pero naglaho ang lahat ng 'yon nang makita ko ang paglabas niya sa may pantry. Para bang may hinihintay siyang dumating, hinihintay niya akong dumating.
Sandali niyang kinausap ang kasama niyang driver, hanggang sa magpaalam na ito. Nilingon niya ang gate, nang magtama ang mga mata naming dalawa ay kaagad na lumaki ang ngiti niya, nagawa pa niyang kumaway na para bang ako ang bumuo ng araw niya.
Napakamot ako sa aking batok, pasimple kong inamoy ang sarili ko. Medyo may kalayuan ang nilakad ko. Baka iba na din ang amoy ko. Umalis ako ng aming bahay na amoy baby, ngayon ay baka amoy Dinasaur na.
"Junie!" nakangiting tawag niya sa akin.
Kung mayroon sigurong makakasaksi kung gaano kamangha ang babaeng 'to sa kagwapuhan ko ay aakalain na ginayuma ko.
Gwapo naman ako, hind inga lang yung mukhang artistahin kagaya nina Boss Eroz at Julio. Pero may sinabi din naman ang pangangatawan ko, moreno ang balat ko na bagay na bagay din sa akin. Medyo singkit ang mata, na sa tuwing tumatawa ako ay nawawala. Sabi sa akin ni Nanay, gwapo ako...syempre Nanay ko 'yon. Masasaktan talaga ako pag siya mismo sinabing hindi.
Ilan nga sa mga kaklase ko noon sa college ay sinabing may kamukha akong Korean actor, nung minsang hinanap ko sa internet ay napa-sangayon ako. Tama, gwapo nga ako.
Dahan dahang nawala ang ngiti ni Ericka nang bumba ang tingin niya sa katawan ko. Alam ko na kaagad kung ano yung tinitingnan niya. Bakat kasi sa suot kong damit yung pawis.
Marahan kong pinasadahan ng palad ko ang suot kong tshirt, kung pasadahan ko 'yon ay akala ko naman maaalis yung gusot.
"Umaga pa lang pero pawis ka na kaagad?" tanong niya sa akin.
Bago pa man ako makasagot ay kaagad na niya akong hinila papasok sa may pantry. Nagtaas ako ng kilay nang makita kong may hawak na kaagad siyang puting bimpo na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
BINABASA MO ANG
She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)
RomanceAng sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Iyan ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan, hindi din naman...