Jacobus
"Gusto kong maging mayaman..." rinig kong pag-uusap ng grupo ng mga batang naglalaro ng kung ano malapit sa may tindahan.
Tahimik ko silang pinagmasdan isa-isa. Ang ilan sa kanila ay mukhang naka-uniform pa. Dito dumiretso imbes na umuwi muna.
"Miss...ano pong gusto niyo?" tanong sa akin ni Kuya Driver.
Isinama nila ako ni Daddy sa paghahanap ng lupa dito sa bayan ng Sta. Maria. Halos ilang araw pa lang nang maka-uwi kami dito galing sa America.
"Chocolate drink po..." sagot ko sa kanya.
Tumango siya at akmang bibili na sana ng pigilan ko siya, kinuha ko ang wallet sa gamit kong bag. Napansin ko ang pagtigil niya at panunuod sa bawat galaw ko.
"Here's my bayad..." sabi ko sabay abot ng five hundred peso bill.
Napaawang ang kanyang bibig at napatitig sa akin.
Marahan niyang ibinaba ang kamay ko bago siya napakamot sa kanyang ulo.
"Ako na po, Miss. Wala pong bayaran diyan..." sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.
"You mean...lilibre mo ako?" tanong ko sa kanya.
Kaagad siyang tumango. Bago pa man ako makapagsalita muli ay umalis na siya sa aking harapan para sabihin sa vendor ang aming order na drinks.
Nagkibit nalikat na lamang ako at muling ibinalik ang pera sa aking wallet. I'll tell Mom na lang about it, so she can raise Kuya Driver's sahod dahil sa panglilibre niya sa akin.
"Masasama ang ugali nila!" rinig kong himutok ng isa sa mga bata.
Sa kanilang lahat ay parang siya lang ang hindi ko narinig na pinangarap maging mayaman.
"Hindi naman..." giit pa ng isa.
At doon na nag-umpisa ang debate nila about rich people. Humakbang ako ng konti para marinig ang magiging pag-uusap nila. I'm curious about how they think about us.
I'm fully aware naman na meron talagang pagkakaiba ang buhay dito sa Pilipinas. Na may mayayaman, middle class, at nasa ibaba ng tinatawag nilang pyramid.
"Sobrang sasama," giit talaga nung batang lalaki.
Halos magkakasing edad lang naman kaming lahat. Ang batang lalaking 'yon ay nakapaa lamang habang naglalaro. Ang kanyang parehong tsinelas ay naka suot sa kanyang siko. Hindi ko alam kung para saan 'yon.
"Grabe ka naman, Junie..." sabi pa ng isang batang babae sa kanya.
Pero ang batang tinawag nilang Junie ay buo na ang loob sa pinaniniwalaan niya. Para bang kahit sino ay hindi na mababago 'yon. Masasama ang mga mayayaman para sa kanya.
Hindi ko naman siya masisisi, kahit ako kasi...may mga bagay akong alam na ginagawa ng aking pamilya para sa yaman at kapangyarihan. Hindi ako pabor doon, pero dahil sabi nga ni Mommy bata pa ako at wala pa akong alam sa tunay na buhay.
"Hindi naman lahat kagaya ng Tatay mo," sabi ng kalaro niyang lalaki.
Matapos 'yon ay nagtawanan pa sila. Kaya naman yung batang Junie ang pangalan ay kaagad na nagalit. Nagulat ako at napa-atras ng magsimula na silang magsuntukan.
"Hoy! Mga batang 'to, magsi-alis nga kayo dito sa harapan ng tindahan ko!" sigaw ng may-ari ng tindahan.
Nagsitakbuhan ang mga batang 'yon pwera don sa Junie ang pangalan. Habol niya ang kanyang hininga dahil sa sobrang galit. Naka-kuyom pa din ang kanyang kamao na para bang handa pa din siyang makipag-suntukan kung may hahamon sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)
RomanceAng sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kang mahirap ay mamamatay kang mahirap. Iyan ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan, hindi din naman...