Chapter 23

8.5K 449 45
                                    

E.M.S.M



"Ericka..." tawag pa sa akin ng aking asawa. Hindi ko na siya pinansin pa. Masyado na akong nasaktan sa mga sinabi niya.

Niyakap ko ang aking sarili habang palabas ako ng aming Villa. This isn't me. Honeymoon namin pero he almost ruined it.

At some point, I do understand him. Hindi kami pareho ng culture na kinalakihan. Halos buong buhay ko nasa ibang bansa ako, nito na lamang ako nalagi sa Pilipinas. Kahit ako ay nagugulat din...kung bakit ako nanatili sa lugar na 'to.

Ni ayoko ngang tumagal dito ng ilang buwan. Uuwi lang kami ng mga pinsan ko para magbakasyon, pagkatapos no'n ay babalik na ulit sa ibang bansa. Malayo sa pamilya, malayo sa expectations ng lahat.

"Good evening po..." bati sa akin ng ilang staff ng resort.

Kahit hindi maganda ang mood ko ay nagawa ko pa ding bumati sa kanila pabalik. I'm not someone na pagnagalit o wala sa mood ay dinadamay ang lahat.

Maybe because i've met alot of different people, maraming nakilala sa iba't ibang lugar na napuntahan ko.

Mas lalo akong napayakap sa aking sarili ng maramdam ko ang lamig dahil sa pag-ihip ng hangi. Naglakad ako papunta sa may pool, malayo pa lang ay narinig ko na ang tunog ng tubig dahil sa mga naliligo.

Isang pamilya ang nandoon, may dalawa ding maliit na bata kaya naman napangiti ako sa aking nakita. Para hindi maka-istorbo ay pumwesto ako sa sun lounger may kalayuan sa kanila.

"Do you need anything, Ma'am?" tanong ng isang staff na lumapit sa akin.

"Orange juice na lang," nakangiting sagot ko sa kanya.

May mini bar sa gitna ng isa pang pool. Umayos ako ng upo sa sun lounger at itinaas ang paa ko para maging kumportable.

Ilalapag ko na sana ang phone ko sa lamesa sa gilid ng mapansin ko ang ilang message mula sa aking mga pinsan.

Nagpakasal ka?

Are you out of your mind?

Tatanggalan ka ng mana, Marrianne!

Do even signed a prenup?

Ilan lang 'yon sa message ng mga pinsan ko. Hindi ko na nagawa pang buksan ang ilan sa mga message ng iba dahil alam ko namang puro pangungutya lang sa aking asawa ang mababasa ko do'n.

I super love him na pag may narinig o nabasa akong against him ay sobra akong nasasaktan.

"You can charge this under my name," sabi ko sa staff after niyang ibigay sa akin ang orange juice na in-order ko.

Bahagya siyang humilig sa akin indication na hinihingi niya ang aking pangalan.

"Ericka San..." sandali akong napahinto ng may ma-realize.

Muli akong tumingin sa staff at matamis na ngumiti.

"Ericka Villaverde."

Tumango ito at nagpasalamat bago ako iniwan doon. Sumimsim ako sa orange juice ko habang inililibot ang aking paningin sa lugar.

"Hindi man lang ako hinabol...hmp!" mahinang pagmamaktol ko.

I really want to make love with him. Hindi ko alam na ganoon pala ka-conservative si Junie.

It's been a year or two since my last experience. Naging rebelde ako sa pamilya kaya naman kung ano-ano na ang na-experience ko. Naging normal na lamang 'yon sa akin sa ibang bansa.

She's my Uptown Girl (Stand Alone #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon