Poem #1

6 0 0
                                    


"Pagpatak ng mga Ala-ala"


Likmuang inuupua'y dama ang pagka-hapo,

kapeng sinisimsim ang siyang sa diwa'y pumapaso.

Patak ng ulan ay tila ba naguunahan, sabay sa saliw ng musikang pinakikinggan.

Nag-aalimpuyong hangin ang siyang bumungad,

munting pakikipag-sabayan ng tabsing sa paglipad.


Ulirat ay saglit na nagulumihanan, paglagaslas ng alaala'y sadyang hindi inasahan.

Nakaliliyong emosyon ang siyang naramdaman,

imahe ng lungkot at tuwa ang itinataghoy ng nakaraan.

Hinahagilap ang pagnanais na balikan,

mga piling mensaheng dala ng ulan.


Likhang ilusyon ay dinalaw ng pagod,

sa pagmumuni-muni'y himbing ang naging sagot.

Batid na sa pagmulat ng mata'y realidad ang aabutan,

'pagkat tiwalang payapa na muli ang kalangitan.



Repleksyon:

Mayroon din bang dalang mensahe  sa'yo ang ulan? Ano ito?

I WRITEWhere stories live. Discover now