Poem #3

4 0 0
                                    


"Mensahe Patungong Langit"



Papel at panulat na alay sa'yo Ma, 

kapalolooban ng anim na taong pagsasama. 

Ala-ala ng pait at hinagpis na iginuhit sa isipan, 

gaya ng permanenteng marka,

pagkasabik sa iyo'y hindi mabubura kailan man. 


Lumipas ang sampung taon ay nananatiling sariwa, 

hulma at bawat detalye ng 'yong masayang mukha. 

Matang puno ng emosyon at pagmamahal para sa akin ang idinidikta, 

hanggang litrato't imahinasyon ko na lang pala makikita.


Tanda ko pa noong una akong pumasok sa paaralan, 

kung paano mo ako ihatid at sunduin na tila ba walang kapaguran. 

Hindi din mawawaglit ang mga panahong ibinibili mo kaming magkapatid ng taho sa labasan, 

sintamis ng pag-ibig mong walang hanggan. 


Hindi ko din makaliligtaan, 

noong kinailangan mo akong saktan, 

batid kong ibig mo lamang maputol ang kasutilan. 

Musmos kong pag-iisip ay 'di lubos na naintindihan, palo ng pagmamahal ay hindi pumasok sa isipan. 


Kung pahihintulutan lamang ng kalangitan, 

aking hiling na maibalik ang nakaraan. 

Kahit araw-araw pang kagalitan, 

basta't kapiling ka at hindi kailan man lilisan. 


Kay aga mang nawala sa aking tabi, 

pag-ibig ng munting anak ay hindi maikukubli. 

Ipinapanalangin na ang mensaheng ito'y umabot kay Ama, 

maiparating ko man lang na miss na kita Ma.



Repleksyon:

Kung makapagpapadala ka ng mensahe patungong langit, para kanino ito?

I WRITEWhere stories live. Discover now