Poem #2

4 0 0
                                    

"Gabi" 



Dapyo ng hangin at nakabibinging katahimikan, 

nagpapalala ng pusong sakbibi ng kalungkutan. 

Pait at realidad ang siyang nadadatnan, 

O, gabi na dulot sa iba ay kapayapaan. 


Sinag ng buwan at kislap ng mga bituin, 

hatid ay isang mapanglaw na damdamin. 

Kagandahan ng mundo'y pilit mang gunitain, 

sistema'y sinasakop ng nakaraa't kasalukuyang nais limutin. 


Pag-iisa'y dama hanggang kaibuturan, 

walang katapusang problema tila ba aking pasan. 

Tinig ng kalmadong kalangitan, 

isang mapangkutyang halakhak na sumisira sa katauhan. 


Gabi ng pagsusumamo't daing, 

hinihintay ang sandaling ako'y mahimbing. 

Naghahangad na ako'y makatakas, 

nananabik na matanaw ang liwanag ng bukas.


Repleksyon:

Ano ang iyong pagsusumamo't daing sa gabing madilim?



I WRITEWhere stories live. Discover now