Poem #4

4 0 0
                                    



"Guro Ng Buhay Mo" 



Buwan ng Hunyo, araw ng pasukan, 

tunog ng kampana ang siyang gumising sa 'king kasabikan. 

Ngunit pagsibol ng kaba'y hindi maiwasan, 

sa nalalapit na simula ng isang mahabang talakayan. 


Tanda ko pa ang bawat pagbati, sa maghapo'y dahilan ng aking pag-ngiti. 

Munting tinig ng paggalang at papuri, hatid ay inspirasyon sa layuning minimithi. 

Memorya ko'y sadyang nahirapan, sa pagsasaulo ng mga mukha't pangalan. 

Hiling ko sana'y iyong maintindihan, pasensya na anak, sadyang mahina ang kalaban. 


Sa 'king pananalita'y banaag ang pagka-paos, gaya ng yesong panulat, 

ito'y unti-unting nauubos. 

Kaya't tanging payo'y makinig ng lubos, nang sa pagsusulit ay 'di ka ma-kapos. 

Kung minsa'y napagsasabihan, pagka't tungkuling itama ang mga kamalian. 


Anak, hindi man ako ang sayo'y nagbigay kapanganakan, 

ito'y responsibilidad na aking gagampanan. 

Ako'y magulang na sayo'y gagabay,

kaibigang sa lungkot at saya'y karamay. 

Sakripisyo't pag-aaruga'y buong puso kong alay, salamin ng isang "Gurong tunay".


Repleksyon:

Anong pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa GURO ng iyong buhay?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I WRITEWhere stories live. Discover now