Chapter 4

63 0 0
                                    

"Dione!.." hnd ko nilingon ang tumawag sakin dahil naka-focus ako sa ginagawa kong activity at bukod dun ayaw ko sa asungot na'to.
"Hoyy..pakopya nmn.." kalabit nya sakin tinignan ko nmn sya ng masama at hnd na sya pinansin. Ang mokong na'to kala nya kung sino sya pumasok pasok dto humingi pa ng papel ng kaklase eh ang yaman nya!.

Natapos nmin ang activity at buti nlng nilubayan na ako ng asungot dahil kung hnd ay baka masapak ko pa sya. Anyway, palabas na kami papuntang karenderya..dun parin sa dati. Sa harap na ang daan ng mga studyante ngayon mabuti nmn, dahil sa harap tlga ang building nmin.

Nawala ang mood ko ng makita ang baliw na nang gugulo sakin kanina pang umaga.

"Dione!..san kau pupunta pwd bang.." hnd ko na sya pinatapos pang magsalita

"Pwd bang lumayo ka sakin?.." I cross my arms. Bored ko syang tinignan..

"Hnd..ikaw lng kilala ko dto eh" ngumuso pa ang baliw..akala nya ata eh kina-gwapo nya.

"Wla akong pakialam..makipag-usap ka sa iba at wag mo kong istorbuhin..may mga nakilala kna kanina dba?..sa kanila ka sumama at mang gulo wag mo kong idamay..nanahimik ako..gets?" Tinaasan ko sya ng isang kilay at inirapan sya..tinalikuran ko na sya at ganon din ang mga kasama ko. Nawala tuloy ako sa mood..

"Badtrip ka?" Tanong ni Alexa..na halata nmng gusto lng makichismis

"Sino ba kasi yon?" tanong ni Ziara..if I know gusto nya lng din ng chismis.

"Wag nyo nang tanungin" saad ko.

"Curious ako e..may past ba kayo?.." chismosa tlga tong si Rebecca

"Past life..pinatay kta noon, baka maulit ngayon kapag nagtanong ka pa.." masungit na saad ko at tinapos na ang pagkain..bumibili ng candy ang tatlong chismosa at naiwan nmn kami ni Fatima sa gilid.

"May itsura ang lalaking yon..pero mukhang nasaktan ka sakanya.." gulat akong napatingin sa kanya at hnd makasagot. Ang bossy pa rin kasi nya...
"Masyado kang obvious para sa'kin..naranasan ko din yan.." at tinapik-tapik pa ang likod ko.

"Hnd na sya ang gusto ko..ang totoo nyan wla na kong nararamdamn para sakanya maliban sa sakit na binigay nya sakin." ang sakit kayang ma-reject ng crush mo..ung feeling na hnd ka kagandahan pero maganda ka nmn at alam mong sya tlga ung gusto mo pero meron syang ibang gusto..ang sakit kaya non!.

"Well, mukhang hnd nmn sya ang para sayo..malay mo nasa room lng din pla ung may gusto sayo..engot ka lng tlga"

"What's engot?.." maarteng saad ko kunyari upang maiba ang usapan seryoso nmn nya akong inakbayan

"Yun ung tae sa ilong" seryosong saad nya at tumingin sakin. tumingin din ako sa kanya at natawa

"Baliw...kulangot 'yon!" at mahina syang binatukan habang tumatawa.

"Pero...alam mo...masyado kang gustuhin..madaming nagkakagusto sayo..pati nga marshmallow nagkagusto sayo eh" ewan ko pero prng may ibang ibig sabihin ang sinabi nya pero hnd ko nlng yon pinansin dahil nakabalik na ang tatlong chismosa.

"Aba..aba..aba!..anong meron!?" Alexa said. Maingay tlga tong isang to..hnd pwdng i-low volume ang bibig.

"Tara na..wag kna magtanong" sabay hila sa kanila at tumawid na ng kalsada para makapunta na sa susunod na klase nmin. Luckily, hnd na ko ginulo ng asungot na yun..naging payapa ang kalahating araw ko sa school pero hnd sa bahay.

Well, lht nmn ng student nararanasan to sa kanya-kanyang bahay in a different way.

"Buti umuwi kna..ung hugasin mo naghihintay na sayo!" mataray na saad ng ate ko. 'kadarating ko lng eh!' reklamo ko sa isip..hnd na ko sumagot at nagbihis na para matapos ko na ang trabaho ko dahil may assignment pa kami.

Hnd kami mayaman pero hnd rin kami mahirap..kumbaga nasa middle class kami. Si papa namamasada ang ginagawa, minsan may kita, minsan wla..well inuubos lng din nya sa paninigarilyo..tapos ung tira syempre binibigay nya sa alaga nming dragon. Tumigil na sa kakainom si papa..matagal na, minsan nlng kapag may okasyon sa bahay.

Si mama nmn sya ang nag-aasikaso sa bahay...pagod yan siguro sa kakalaba at paglilinis..hnd na din nmn kasi sila bata. But, anyway minsan nasasagot ko si mama..just like the ordinary brat I am. Pero hindi nmn ganon kasama ang ugali ko..sakto lng.

Pagkatapos ko ay kinuha ko na ang gamit ko para gumawa na ng assignment nmin. Hnd na ko nagluto dahil..si ate ang may trabaho non hehe. Kanya-kanya kasi kami..pareho kaming college ni ate pero gagraduate na sya this year kaya maiiwan na nya ko sa school..masaya yun dahil wla nang reporter kay mama.

Minsan kasi na tyempuhan nya akong nasa jollibee kasama si Rebecca ayun..nireport ako kay mama kulang nlng gumawa sya ng ppt at ipresent kay mama. Magrereport na nga lng kulang kulang pa sa details.

Well, anyway high way..Major ko ang isang assignment na to sa accounting..actually inaral na nmin to noong first year pero ginagawa nmin ulit. Kung paano gumawa ng journal entry..medyo mahirap sya pero naintindihan ko din nmn lalo na noong nanood ako sa youtube. Ang payo ko lng kung may major ka ng accounting or yun ang course mo at pinag-aaralan nyo ang journalizing entry..basta pag may nabasa kang 'PAID' sa transaction ibig sabihin non is CASH ang gagamitin mo as CREDIT. Oh diba..dyan ko napatunayan na hnd ako ganon kabob* hehe...

Anyway natapos ko na ang aking homework by the time of 7pm. Syempre nagcellphone muna ako..scroll doon,scroll dito ganon bago ako natulog.

Kinaumagahan...

Asa school na ako dahil maaga ang first sub nmin. Ang totoo nyan yun lng ang pang-umaga nmin. Mamayang hapon nmn 3pm ang uwian nmin. Dalawang subject pa at heto ako ngayon..nakaupo sa pathway at tambay. Wla pa sila Rebecca.

Cguro nagtataka kayo kung bkt hnd ko na kasama sila Kimberly at Liza..may hnd kami pagkakaintindihan noon ayon yun ang nakapagpabago samin..ganon din si Cianne. Akala ko nung una..sila ung grupong makakasama ko hanggang 4th year pero mukhang nagkamali ako. Anyway, nakasama ko nmn sila Rebecca and they were there..beside me when I was at my worst. Tanggap nila ako at ganon din ako sa kanila. Masaya ako na sila ang naging kagrupo ko sa performance na yun..ang totoo nyan hnd kami magkasundo noong una lalo na kay Fatima dahil nayayabangan kami sa kanya pero nagwork din nmn lalo na noong kinilala nmin ang isa't isa.

Sa isang group..mahalaga ang teamwork kaya dpt kilalanin mo muna ang mga kasama mo pra mag work at maganda ang kalabasan ng performance nyo.

Hayst..ang dami ko nang nasabi..buti nlng dumating na si Rebecca late kasi gumising kaya ayan late din dumating. Sad tuloy ako ng ilang hours..pagkaupo plng nya ang dami na nyang chika. Hanggang matapos ang klase sa hapon habang pababa mula sa third floor ay nagsasalita parin sya pero bulong baka kasi marinig kami ng ibang instructor..pinag-uusapan kasi nmin ung teacher nmin na kwento ng buhay ang tinuturo hehe. Well, para sakin okay lng nmn yun pero nasobrahan ata ni maam ang pagkwento samin...

Let's Be Lowkey Mr. MayorOn viuen les histories. Descobreix ara