Chapter 22

34 2 0
                                    

Ang buong tropa ay nasa pathway at nakaupo habang kumakain ng tinda ng mga BsND. Syempre di mawawala ang mga pa-keychain at photocard, photobooth at jailbooth. Katatapos lang ng exam ng apat kaya magkakasama kaming lumibot sa mga pa-eme ng school.

May participation din ang bawat department sa bawat games.

Mamayang hapon ay ang sack race na sinalihan nila Rebecca kasama sila Mayor at ng iba pa.

Nagkukwentuhan lang kami habang pinapakinggan ang banda sa gilid at nakatingin sa kung saan.

Nabaling lamang ng banda ang atensyon ko ng parang ewan akong kinalabit ni Alexa.

"Huyy si Mayor oh..kakanta ata sila."

Lumingon kami at nakitang ngang nakasabit na sa balikat ni Khy ang sling ng gitara at nasa harapan nadin niya ang stand in na mic.

Habang ang dalawang kaibigan ay may kanya-kanyang mic.

Pagkalaan ng ilang sandali ay ngumiti si mayor sa mga nanunood at ginalaw na ang strings ng gitara.

'ORDINARY SONG'

"Just an ordinary songg" umpisa niya. Nagtilian naman ang mga babaeng nasa paligid nila.
Nakangiti siya at tila may inaalala.

"To a special girl like you.
From a simple guy
Who's so in love with you." napangiti ako sa linya ng kantang binibitawan niya, pakiramdam ko ako ang tinutukoy niya.

Inaya kami nila Alexa na lumapit. Nahaharangan ako ng ilang babae sa harap pero medyo matangkad ako dahil sa suot kong takong. Kita ko ang paglapad ng ngiti sa mga labi ni Mayor ng magtama ang aming mga mata.

"I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines to take you where you go" kanta naman ni Erick.

"But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay" medyo husky ang boses ni Zian sa pagkanta ng part na iyon malayo sa totoo nyang boses pero hindi siya pilit.

"Just take some time to lend an ear
To this ordinary song" sabay nilang kanta. Naka-ngiting tumingin sa akin si Khy habang tinitipa parin ang gitara.

Pasimple kong kinagat ang aking labi para pigilan ang ngiti. Para akong high school pero kinikilig ako. Hindi iyon mawawala sa damdamin ko.

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you
I don't even have the looks
To make you glance my way
The clothes I wear may just seem so absurd" Khyler sang while looking at me. Ang gwapo niya. Mababaliw ang puso ko sa paghanga at pagbilis ng tibok nito.

Rebecca whispered to me earlier. Lagi daw silang kumakanta sa booth na ito sa tuwing sasapit ang student fest.

Sa kanilang tatlo si Mayor ang may pinakamagandang boses. Sakanya din ang malakas na hiyawan.

Ngumiti ako ng todo at hinayaan ang sariling ipakita kung gaano ako kinikig sa kanya. He deserve to know.

"But deep inside of me is you
You give life to what I do
All those years may see you through
Still, I'll bе waiting here for you
If you have timе, please, lend an ear
To an ordinary song" sabay nilang kanta, sumabay din ang mga nanunood sa kanila habang marahang iwinawagayway ang kanilang kanya-knayang kamay sa ere.

"Just an ordinary song
To a special girl like you" Zian sang.

Sabay nilang itinapat ang mikropo sa kanilang mga bibig at kinanta ang huling linya sa kanta.

"From a simple guy
Who's so in love with you"

Hiyawan at palakpakan mula sa mga manunood. Ganon din ang ginawa namin.

Niyaya na nila akong umalis kaya pasimple nalang akong lumingon kay Khy na binabalik na ang gitara sa mga organizer.

Nagulat ako ng isiksik ni Fatima ang sarili at pasimple kaming lumayo sa tatlo pero patuloy parin sa paglalakad. "Ang galing nila kumanta noh? Na-fall ka ba uli?" Mahina pero sapat para marinig ko lang.

Natawa ako at tumango.

Hindi pa nila alam na kami na ni Khyler. Sa totoo lang hindi ko rin inaasahan na magkakatuluyan kaming dalawa.

I'm happy na ginawa ko iyon kay Khy ng araw na yon. If I didn't I might've regretted it.

Muli kaming lumibot at naghanap ng makakain. Nagpapicture din kami sa photobooth pero that time pilit nakisali sila Khyler. Syempre tumabi sakin ang baliw. May paakbay pang nalalaman.

Syempre inaya din niya ako pero hindi kami nagkaroon ng tyansa na magka-moment dahil nakabuntot ang mga kaibigan namin kaya tinawanan ko nalang siya hanggang sa uwian na.

Kinagabihan ay nakangiti kong pinanood ang sinend sakin ni Fatima na video. Iyon ang video ni Khy na kumakanta may part din na itinapat niya sa gawi ko ang camera at kita ang reaksyon ko na nakangiti ng todo.

Hindi ko iyon napansin kanina. Masyadong kinuha ni Khyler ang atesyon ko.

Binuksan ko ang gallery ko at pinindot ang picture na magkasama kaming dalawa.

Nakangiti kami don at nakaakbay siya sakin ako naman ay nakasandal sa dibdib niya.

I wish we could stay longer. I hope he doesn't change his feelings for me. I hope it stays like we feel now until we achieve all our dreams, have children, grow old and death separates us. That's all I want. There will be many trials for us, I hope we can overcome them together and leave no one behind. That even if we are separated, fate will bring us together again and be happy together.








(A/n): hi everyone!  I was actually planning na hanggang chapt. 21 lang ang story but I think mabibitin kayo dahil kahit ako na nagmomonitor is mabibitin din. The story kung paano naging sila is a different chapter pero di ko pa nagagawa so ito muna.

Thankyou my readers! you are well appreciated.

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now