Chapter 5

65 1 1
                                    

Nalzaro's POV

"Naalala ko dati, noong bata ka pa, palagi mong sinasabi na paglaki mo, gusto mo ring maging mayor tulad ng lolo ni Amara."

Sabi ni Dad habang natatawang inalala ang dati noong bata ako. I really admired Amara's grandfather before. He always told me about the importance and beauty of leading this place.

"Alam mo ba kung bakit kita isinama rito? Gusto kong mas makilala mo pa ang mga tao, at bilang pagkilala sa kanila, kailangan mo ring makisama."

Paliwanag niya. Napailing ako sa sinabi niya as if naman gano'n lang kadaling gawin ang bagay na 'yan.

"Being a mayor is not just about the position, it is a life lived with integrity, compassion, and understanding towards the needs of the community. Hindi mo malalaman at hindi sasabihin ng mga nasasakupan mo sa 'yo kung ano ang kanilang mga hinaing sa buhay hangga't hindi mo sila mapakikisamahan. So, don't forget these principles when it's your turn to lead."

Matapos ng kanyang mahabang paliwanag ay doon pa ako nagkalakas ng loob para tingnan siya. Noong tapikin niya ang balikat ko, napayuko ako.

"Okay po."

That was the only response I gave him.

"He might only be a kid, but you still have to apologize to him."

Iniisip ko pa lang ang sinabi ni dad parang gusto ko na lang tumakas. Hindi ako sanay na nagsu-sorry ako. How can I do that when I hardly even talk to the people at home? I don't know why I grew up as an introvert. From what I can recall, I wasn't like this when I was a child.

"I wonder how to do that." Walang ganang sabi ko.

"Why not start with this?"

Nakangising itinaas ni dad ang isang kulay puting paper bag na may kunting laki at sa tingin ko maraming laman ito. Tinanggap ko ito noong inabot niya. Nakita ko ang sari't saring klase ng candies, lollipops at chocolates.

"You can have one if you want." Alok ni dad sa 'kin.

"No thanks. I'm not into these stuffs."

Pagtanggi ko. Pagkatapos ay iniwan na niya ako. Hindi naman kasi ako makatingin sa kanya ng diretso kanina kaya hindi ko napansing may dala siyang paper bag at mukhang hinanda na niya yata ang lahat.

Ngayon, pabalik-balik ako ng lakad sa lilim ng puno habang iniisip kung paano kaya ako manghingi ng tawad sa isang bata. Saka ano'ng gagawin ko sa mga candies na 'to? Ihahagis ko ba 'to sa mga bata na parang si Santa Clause saka pag-aagawan nila? Bad trip naman oh.

"Seems like you're having a hard time, master."

Napalingon ako sa nagsalita. Wow! Look who's here. Bakit ngayon lang siya? Kung hindi lang sana niya ako iniwan hindi mangyayari 'yong kanina.

"Where have you been!" Naiinis na tanong ko.

"You might have not notice but I am watching you all the time."

Sagot niya. Dapat na ba akong kiligin dahil kanina pa pala nakatitig si crush o babatukan ko na lang kaya siya dahil kanina pa rin pala siya nakatunganga at hindi man lang ako tinulungan kanina.

My Hentai Otaku MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon