Chapter 6

49 1 0
                                    

Ruru's POV

Nagkatinginan kaming dalawa.

"What is your problem? Why are you always like that! Don't tell me iniiwasan mo 'ko!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.

Nagbuntong hininga muna siya bago ako sinagot. "I thought your not comfortable with me around now so I think it's better to give you some space." Paliwanag niya. Totoo namang hindi ako kumportable kapag nand'yan siya dahil sa nangyari. Pero bakit ba sa tuwing iiwasan niya ako naiinis ako? Kaasar! Ano bang nangyayari sa 'kin? Hindi ako dapat mag-iisip ng ganito. Anak ako ng mayor at kahit sino walang pweding pagpaparamdam sa 'kin ng ganito lalo na ang babaing 'to.

"Will you please excuse me." Walang ganang sabi niya habang nag-iiwas siya ng tingin. No'ng akmang aalis na naman siya ay humarang ako sa kanyang harapan. Nakakairita talaga ang babaing 'to. Hindi ako mahina gaya ng inakala niya.

"Huy! Hindi dahil nasarapan ako sa halik na 'yon, ibig sabihin no'n may gusto na ako sa 'yo!" Buong lakas na sigaw ko sa kanya habang nakakrus ang aking kilay.

"Ano! Nagugustuhan mo na ang kinakapatid mo!" Magkasabay kami ni Pink na napalingon sa nagsalita. Nakita ko si daddy na nakakunot noong nakatitig sa aming dalawa. Hawak niya ang kanyang sapatos. Siguro ay itinuro rin sa kanyan ng matanda kung saan ang balde ng tubig. At hindi lang 'yon ang nakakainis. Hanggang sa paglilinis ba naman ng mga dumi, susundan pa rin nila si dad? Ayan tuloy narinig nila lahat.

Ramdam na ramdam ko ang init sa aking mga tainga. Nakita ko silang lahat na titig na titig sa aming dalawa ni Pink. 'Yong iba pa nga napatakip sa bibig dahil sa gulat at halos hindi sila makapag salita. Bad trip! Hindi ko napansin na papunta pala sila rito.

"Dad, that is not what I said!" Pagtanggi ko kay daddy. 'Yong kaninang tahimik bigla na lamang nagtilian. Puro tuksuan na ang mga naririnig ko mula sa kanila. What the freak! This is completely a disaster.

After all bago kami umuwi, binigyan nila kami ng adubo na native na manok. Sinabi din ng matanda na pwede raw akong bumalik sa bahay nila kapag nalulungkot ako at gustong magpahinga. I don't really know why he said that to me, but I just expressed my gratitude towards him.

Sa byahe namin pag-uwi ay doon pa bumuhos ang ulan at mas lalong naging awkward sa loob ng sasakyan dahil hindi sila masyadong nagsasalita or kung may magsalita man puro parinig tungkol sa aming dalawa ni Pink. Tapos halatang pinipigilan lang nila ang kanilang tawa. Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanila kaya lang nakakapagod kapag hindi ka naman pinakikinggan.

Pagdating sa bahay, tahimik akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Sa wakas, nakabalik na rin ako sa sariling kong kwarto matapos ayusin ang nabasag na bintana. At sa wakas rin nakauwi na ako galing sa nakakapagod na lakad. Agad akong naligo at sa tuwing naaalala ko ang mga nakakahiyang pangyayari kanina, gusto ko talagang ibagok mismo ang ulo ko sa pader.

What the heck with today! Why is today filled with so many crazy events? I didn't expect this. I'm just hoping I'll forget about this eventually. After I've had a nice, chill bath, my game plan is to kick back and catch up on the latest episodes of the anime series I've been eagerly anticipating since last week. Yup, that's exactly what I need to do. I'm pretty sure diving into those episodes will help me forget about all the craziness that went down today.

Habang nanunood ako ng anime gumugulo pa rin sa isip ko ang mga nangyari. Hindi ako makapag-concentrate. Dati kapag may gumugulo sa 'kin makakalimutan ko 'to basta manunood ako ng anime. Pero bakit iba yata ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hentai Otaku MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon