Chapter Four

461 11 1
                                    

Chapter Four

Naging matiwasay ang buhay nilang mag iina sa Isla Verde, pero alam ni Jeanna na hindi maaalis ang takot sa Mama nya.

"Ma, bakit gising ka pa?"

"Pinapahinga ko lang itong balikat ko. Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"Nakita kita dito, Ma."

Inalalayan sya ng Mama nya na bumalik sa kwarto. Naging mabuti sa kanila ang mga Iballo na may ari ng house inn.

"Bawal magpuyat sa buntis."

"Tulog na tayo, Ma."

Bawat araw na lumipas, may takot pa din sa kanila na baka bigla nalang silang puntahan ng Papa nya. Alam nya na hindi imposible iyon, pero lumipas na ang halos apat na buwan ay maayos naman sila. Nakapag aral si Vanessa uli, ayos silang dalawa ng Mama nya sa trabaho nila. At ayos ang baby na nasa tiyan nya.

Abala sya sa pag aasikaso ng mga booking sa hotel nang may tumikhim sa harapan nya. Jeanna readied her smile and face the customer, kumurap sya nang makilala ang lalaking nasa harapan nya.

"Hi." Marahang bati ni Gray.

Ngayon nya pinagpapasalamat na hindi pa masyadong kita ang baby bump nya.

"Yes po?"

"I made a reservation online. Okay na ba?"

Tumikhim sya at hinarap ang computer, she needed to calmed herself. Walang alam ang direktor na to sa kalagayan nya, isa pa baka nga wala talaga itong pakialam sa kanya.

"Kayo po ba yung sa buong villa 6?" Tumipa sya. "Okay na po at settled na."

Gray nodded. "Thank you."

"Ahm, kunin ko lang po iyong susi."

Wala si Jeanna makitang lalaki na pwede nyang utusan. Ang pangit naman na iiwan nya kay Gray ang susi.

"Magot, pasilip ako dito saglit. Icheck ko lang villa 6."

"Sige po, Ate Jea."

Lumabas sya sa front dress at inayos ang damit nya. Tumango sya kay Gray at kaagad na naglakad.

"Kaibigan mo si Chen diba?" Biglang tanong ni Gray. "She's been looking for you."

Jeanna but her lower lip and continue walking. Hindi sya nakapagpaalam kay Chen dahil sa biglaan nilang pag alis. Alam nyang nagtatampo ang kaibigan sa kanya ngayon.

Pagkaliko, nabungadan nya ang maraming tao na wari nya ay buong staff. Gumilid sya para mabuksan ang villa 6, kapagkuwan ay nilahad nya iyon.

"Enjoy your stay po."

Matagal na tumitig si Gray sa kanya, kumurap si Jeanna at tumungo na para umalis kaya lang narinig nyang may tumawag sa pangalan nya.

"Jea!"

She saw Chen jogging his way towards them. Sinalo nya ng yakap si Chen.

"My god! Nandito ka lang pala!"

"Sorry. Hindi na kita na-contact."

Umirap si Chen nang makalayo sa kanya, sinapo pa nito ang mukha nya kaya nakadama sya ng hiya dahil nasa gilid lang nakatayo si Gray sa kanila.

"Andito din ba sina Tita?"

"Kasama ko."

"Alam mo, marami kang kwento sa akin." Hinarap nito si Gray sa gilid. "Direk, may schedule ba tayo?"

"Before sunset." Dumaplis ang tingin ni Gray sa kanya. "Go on,"

"Salamat direk!"

Naputol ang pagtitig nya kay Gray nang hilahin na sya ni Chen.

Island Series: Jeanna LeonesWhere stories live. Discover now