Chapter Twenty Five

359 13 1
                                    

Chapter Twenty Five

"Gray!!!" Malakas na sigaw ni Jeanna habang hila hila sya ni Guancho pasakay sa van.

She saw that Gray was shot in his arm. Sumarado ang pinto ng van at agad na umandar.

"Aww, you're calling for his help, my dear daughter?"

Nahinto sya at nakita ang mukha ng taong ayaw na nyang makita pa kahit kailan. Sinipa nya ang upuan nito, nangaasar lang na tumawa ito.

"Palaban ka na din ngayon ah?"

Itinali ni Guancho ang kamay nya kaya doon nabaling ang tingin nya.

"Wow." Ngumisi sya. "Ano ngayon, Pa? Papatayin mo ko?"

Ngumuso ang Papa nya.

"Guancho liked you, Anak. Pinagpalit mo lang sa direktor."

"I'm a fucking director also, Jeanna."

Dinuraan nya ito sa mukha. "Tangina mo."

Natatawang pumalakpak ang Papa nya, umiling iling pa ito. Surang inalis ni Guancho ang dura sa mukha nito.

"Kung papatayin mo ko, wag na, matagal mo na akong pinatay diba? Magsama tayo sa impiyerno!"

"Gusto ko muna uli umiyak yung Mama mo at bumalik sa akin."

"Nakakaawa ka naman, Papa. You're pathetic."

"Alam mo bang mag ama tayo kasi pareho tayong kawawa, anak. Ikaw, kasi naniniwala ka sa direktor na iyon eh pinahanap nga kita sa kanya." Mala demonyo itong ngumisi.

"Baliw ka na."

"Ay ako baliw? Nag aalala lang ako sayo kasi di mo naman talaga kilala yang direktor na yan! Naghahawak yan ng illegal business."

Masama na ang tingin nya sa tatay nya. "Hindi ako naniniwala sayo!"

"Sa ating lahat, ako dapat pagkatiwalaan mo dito. Tuso ang lalaking iyon anak, pinaiikot ka lang nya sa palad nya kasi alam mo kung bakit? Para mahuli ako."

Naghimutok na yung galit nya at sinipa ang upuan ng driver, halos gumewang sila kaya napamura ang tatay nya.

"Tangina, tumigil ka! Mamamatay tayo!"

"Matagal ka ng patay sa buhay ko!"

Hindi na nakapagtimpi ang Papa nya at hinablot na ang panga nya.

"Pinapaikot ka lang ng direktor na yun sa palad nya, nakikinabang sya sayo, Jeanna! Itatak mo sa utak mo yan."

"Papatayin ka nya, sa oras na maabutan nya tayo dito."

"Bakit ka nya hinayaan sa labas tapos bumalik sa loob, Jeanna?" Si Guancho ang nagsalita. "Binibigay ka nya sa amin, hindi ka na nya hahabulin."

Pumikit sya, ayaw na nyang pakinggan ang mga sinasabi nito sa kanya dahil may parte sa kanyang naniniwala. Na kung bakit ang dali nya lang nakuha ng mga ito.

"Di nakinig ka din. Mamaya tawagan mo mama mo, sabihin mo puntahan ka."

Hindi sya nagmulat, ginalaw nya ang hita nang haplusin ni Guancho iyon.

"Tangina hindi ka pa ba nadadala, gusto mong ma-ICU?" May gigil nyang sabi.

Guancho chuckled.

Natahimik sa biyahe nila, narinig nyang sasakay daw ng yate ngayon para pumunta ng Isla Verde. Hindi na sya nanlaban at nanahimik nalang din.

Ilang minuto lang ng may nagpaulan ng bala sa kanila. Nagmumura na naman ang tatay nya at nilabas ang ulo para bumaril.

"Tarantado talaga tong Ong na to!"

Island Series: Jeanna LeonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon