Chapter Six

433 14 0
                                    

Chapter Six

Hagikhik ni Summer ang narinig ni Jeanna nang makapasok sya sa loob ng apartment nila. Ikukuha nya lang ng pagkain ang Mama nya dahil sa Hotel na daw ito kakain, hindi makakauwi dahil maraming guest sa hotel.

"Ate, luto na ulam." Silip ni Vanessa.

"Kung may pasok ka, iwan mo nalang kina Gabbi si Summer."

"Okay, ate."

Nilapitan ni Jeanna ang anak na nakaabot na ang braso sa kanya. Binuhat nya si Summer na malapit na mag isang taon ngayon. Hindi nya nga namalayan na mabilis lumipas ang mga araw.

"Vanessa."

"Ate, wala na nga akong klase ngayon."

"Siguraduhin mo ha."

Inayos nito si Summer na nakatulog na ngayon. Binitbit na nya ang paper bag kung saan nakalagay ang pagkain ng Mama nya.

"Alis na ko, Vane."

"Sige ate."

Lumabas na sya sa apartment at tinahak na ang daan papunta sa hotel.

"Napanuod ko si Chen, sikat na sya." Kumento ng Mama nya.

"Bibisita daw sya sa sabado."

"Ay naku, ipagluluto ko sya ng paborito nyang ulam."

Nang maiabot na ang pagkain ng mama nya ay bumalik na sya sa front desk. Saktong tumunog ang telepono kaya sinagot na nya.

"Good Afternoon. Yes po?"

[Good afternoon,] a deep baritone voice filled her ears. [Is there still an available room? Nakita ko kasi sa page na fully packed?]

"Check ko po, Sir. Ilang pax po ba?"

[Four]

Ginalaw ko ang mouse para makita ang mga available na room. Totoong medyo fully pack dahil peak season na.

"Sir, meron pong deluxe room good for four. Two beds, with a complimentary breakfast."

[How much?]

His voice were seem familiar, pakiramdam pa ni Jeanna ay nanayo ang balahibo nya sa batok.

"3,345 po. Papa-reserve po?"

[Yes.]

"Under what name po, Sir?"

[Gray Fernandez.]

Muntik na nyang mabitawan ang telepono, but Jeanna remains calmed. For months, wala syang balita dito. Pero ano bang concern nya diba?

"Okay po, Sir. Kelan po ito?"

[Tomorrow.]

"Okay. Ang time po ng check in is 2pm then check out is 12 nn the next day."

[For two days?]

"Ganun din po. Okay na po, Sir?"

[Yes, thank you.]

The call ended, ang lalim ng ginawang buntong hininga ni Jeanna. She needed to stop being curious about him. Inayos nalang nya ang reservation nito at nilagay sa notes.

Kinagabihan, pagkatapos ng trabaho, tahimik nyang hawak ang feeding bottle ni Summer at nakatitig sa anak. Chen promised to never speak about her daughter, for them, isang malaking sikreto ang anak nya. Napabuntong hininga uli sya, gusto naman nyang ipaalam kay Gray ang tungkol kay Summer... after all karapatan nito. But she's not hoping for something deep.

Wala din silang naging balita sa Papa nya and that's good kasi malaya silang nakakagalaw mag iina sa Isla Verde.

Hinanda ni Jeanna ang ngiti sa mga pumasok na guest ng Hotel. Para syang tanga na kinakabahan kahit alam nyang wala namang saysay ang kaba.

Island Series: Jeanna LeonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon