Chapter Twenty One

403 13 1
                                    

trigger warning:

Chapter Twenty One

Pagkatapos ng trabaho nya ay dumiretso sya sa taping ni Chen. Tinext nito ang exact location kaya dun sya dumiretso.

Huminto sya nang malapit na sa shooting scene at pinanuod muna ang kaibigan. It was an intense scene na parang may confrontation ata between Chen's character and Monty. Pinalobo nya ang pisngi at namangha sa eksena, lalo na noong may kiss pa sa huling part bago nag CUT ang director.

Everyone clapped for Chen and Monty. Kalaunan ay lumapit na sya bago pa makapasok si Chen sa tent nito. She saw how Monty's hawk eyes watched Chen.

"Oh hi!" Bati ni Chen agad. "Tapos na kami."

"Sure ka na wala kang gagawin?" Alangan nyang tanong dahil nakamasid lang si Monty sa kaibigan kahit na may kausap naman ito.

"Wala. Dito tayo sa loob."

Inaayos na ng PA ni Chen ang mga gamit. Nakita nyang uminom si Chen ng tubig, Jeanna sighed.

"Chen, iyong pills mo? Nagpa-consult ka sa ob mo?"

Muntik na masamid si Chen sa narinig at agad na tumingin sa kanya.

"What?" Nanliit pa ang mata nito.

"Iyong pills."

Ngumisi si Chen. "Ha! I knew it! Iba yung ganda mo eh, gandang may dilig!"

Hinila ni Jeanna ang buhok nito at umirap.

"Dapat noong ko pa gagawin yan. Dahil sa kadaldalan mo, nalaman ni Gray ang tungkol kay Summer."

"You should thank me pa nga eh. Kasi may dilig ka na uli." Humagikhik pa si Chen. "About the pill, pa-check up muna tayo."

Nang aasar pa na tumingin si Chen sa kanya. Jeanna made a face. Monty entered the tent.

"Hi." Bati nito kay Jeanna.

"Ah, we'll be leaving na, Monty."

"Saan? Hatid ko na kayo."

Pumayag agad si Jeanna at nang aasar na bumaling kay Chen. Hinatid sila ni Monty sa hospital at wala namang sinabi.

"Kelan may nangyari?" Kanina pa nangungulit si Chen pero hindi nya sasabihin. "Ang damot!"

"Pwede ba, Chen. Kinakabahan ako."

"Hala ka! Sharp Shooter pa naman si Direk!"

Wala naman daw problema sa kanya, kung ayaw nya mabuntis pa, binigay sa kanya ang pills na bagay sa kanya. Binili nila agad iyon ni Chen.

"Uminom ka na. Okay lang yan. Tas bukas umaga, wag mo kakalimutan ha."

"Expert ka."

"Nag iingat lang tayo. Pero kung nasa will nyo naman ni Direk ang mag baby number two, wag ka na uminom nan."

Ngumuso sya. "Hindi pa nga ako sigurado kung ano na ba. Naguguluhan ako, Chen."

"Naku, baka naman sex lang habol ni Direk sayo?" Natawa ito. "Joke lang! Syempre dapat pag usapan nyo yan."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko."

"Asus. Madami kang sasabihin sa kanya! Lahat lahat, pati yang feelings mo."

"Chen!"

"Nagselos ka nga sakin! Jusko naman, no no kami ni Direk no. At alam ko na mahal ka nya."

"Mahal agad?"

Umirap na sya at tipong naiinis na. "Hay naku, buoin nyo na pamilya nyo no!"

"Chen," buntong hininga nya. "Tumawag sa akin si Papa. Nakita nya si Summer."

Island Series: Jeanna LeonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon