Chapter 1

190 8 1
                                    

Hinihintay ko ngayon ang magaling kong kapatid dito sa boutique ko. Mygosh I'm so stressed, I've been waiting for that witch for 1 hour but she's still not here.

Pinapapunta kami ni tita Gina sa bahay dahil namimiss niya na raw kami.
I had no intention of going home because I was too tired. Kakagaling ko lang sa isang branch ng mga product na pinagmomodelan ko pero no choice ako, baka magdrama na naman yun step mother namin, kesyo kinakalimutan na namin siya porket patay na si Daddy. Hirap pa naman suyuin non.

Aunt Gina has been our parent since mommy died. My three siblings and I were just young when mommy passed away. Si tita Gina ay first love ni daddy pero hindi sila nagkatuluyan noon dahil pina-arrange marriage si daddy kay mommy, minahal ni daddy si mommy pero namatay si mom sa sakit bata palang kami non.

After 6 years nong namatay si mommy ay nagkita ulit si daddy at tita Gina kaya ayun bumalik ulit yung feelings nila sa isa't isa. Noong una ayaw namin kay tita dahil parang inaagawan niya si mommy at naiisip din namin na baka aagawin niya samin si daddy but hindi ganon ang nangyari, naging mabait si tita samin and tinuring niya kaming tunay na anak. Although nong una hindi maganda ang pakikitungo namin sakanya kaya habang tumatagal natanggap at tinuring na rin namin siyang pangalawang ina. Kahit patay na si Daddy hindi niya parin kami iniwan.

Si dad naman, namatay siya sa car accident 2 years ago. Mahirap saamin mawalan ng dalawang magulang pero naisip namin na nandyan pa sila tita Gina at kapatid ni dad na si tito Ben.

Mamaya pa ay nakarinig na ako ng busina ng sasakyan at pag silip ko, ang magaling kong kapatid yun, "aba may balak kapa palang dumating bruha ka na stress ganda ko sayo" pagrereklamo ko sa kapatid ko.

"Tsk, stop complaining can you?" sabay roll eyes "buti nga sinundo pa kita" dagdag pa nito abat sumusobra na talaga ang babaeng to.

"Huy matapos mo akong paghintayin ng matagal ganyan ibubungad mo sakin ha" pagalit na sabi ko sakanya.

"May balak ka pa bang sumakay o wala?" Tanong sakin ng kapatid ko kaya dali-dali akong sumakay.

Ays ano bayan subrang maldita pasalamat siya may maganda siyang ate na tulad ko.

"Susunduin natin si Zina at ang baby bunso natin" sabi ko sakanya pero tango lang ang sinagot sakin.

Kita mo lumalabas nanaman yung ugali niyang pagkakamalan mong amang dahil hindi nagsasalita.

Nakarating na rin kami sa university na pinag-aaralan ng pangatlo kong kapatid. si Zinarrah Kate pero Zina lang tawag namin sakanya, masyado kasing mahaba. Iwan ba namin sa mga magulang namin at subrang habang pangalan ang binigay sa amin.

Malayo palang ay tanaw ko na ang kapatid kong kumakaway samin, siguro nakilala niya ang sasakyan kaya ayon tudo kaway kala mo walang ibang student ang nakatingin sa kanya, baka pinagkakamalan ng baliw ang kapatid ko.

"Hey my two beautiful ate's" sigaw ni Zina samin ng huminto ang sasakyan at patakbo ding lumapit saamin.

My gosh ano ba naman itong kapatid ko isip bata, for pete's sake 19 years old na pero kong umasta kala mo nasa 12 palang ang edad pero hindi ko naman siya masisi sa sinigaw niya dahil maganda talaga kami HAHAHAH.

Pagkapasok niya sa sasakyan ay agad siyang bumeso sa akin except kay Zarrah na walang pakialam na nag maneho lang. Kahit kailan talaga ang babaeng yan.

Habang nasa byahe kami ay nagtanong siya. "sa boutique ka galing ate? Buti walang nakakita sayo".

"Yeah. Wala naman nasa may office lang ako hindi naman ako lumalabas" sabi ko.

Tumango lang siya sa akin at tumungin sa labas ng bintana.

Ang pagmamay-ari ko kasing boutique ay iilan lang ang nakaka alam na ako ng may ari non dahil ayaw kong pag sabayin ang pagmomodel at pagtatrabaho bilang designer kaya mas pinili kong itago lang 'SHAINE's BOUTIQUE' ang name ng negosyo ko kaya kunti lang ang nakaka alam na ako ang may ari non. Mas kilala kasi ako sa larangan ng pagmomodel bilang 'Lady Harrah'.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now