chapter 6

89 4 0
                                    

           
Nandito ako ngayon sa gym dahil  kailangan ko mag exercise ilang araw narin akong walang ehersisyo, next week magiging busy na ako at kailangan korin lumipad papuntang Paris para sa business meeting at may pagmomodelan din akong isang sikat na clothing brands doon.

Nang natapos ako mag gym ay bumalik na ako sa condo ko, pagdating ko sa condo ay wala na si janell pero may nakita akong niluto na ulam sa dining table kaya napangiti nalang ako siguro umuwi narin siya sa condo niya, kahit naman ganon ang babae na yun marunong rin yun magluto at may pagka sweet rin, kumain nalang ako, pag katapos kumain ay naglinis ako ng condo dahil wala naman akong gagawin ngayon siguro ay magma mall nalang ako ngayon at magshopping narin.

Natapos ako maglinis ay nagpahinga mona ako habang nakatanaw sa mga building na naglalakihan dito sa veranda ng condo ko, may veranda itong condo ko dahil pinasadya ko talaga na ganito ang kunin na condo dahil mahilig ako tumambay sa veranda lalo na kapag gabi nasanay ako sa kwarto ko sa bahay na may veranda din.

Nang medyo sumasakit na ang tama ng araw sa balat ko ay pumasok na ako sa loob at dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo, agad na akong naghubad ng makapasok ako sa kwarto ko at pumunta na sa cr sa bathtub mona naupo habang dinadama ang pagkabuhos ng tubig sa katawan ko.

Halos isang oras din ang tinagal ko sa loob ng banyo kaya napag desisyonan kong mag shower na, pagkatapos ay nag suot na ako ng roba at lumabas na sa banyo nag blower muna ako ng buhok bago pumunta sa closet ko para kumuha ng susuotin dahil magma mall ako ngayon, isang dress na hindi naman gaanong revealing pero hapit sa katawan ko kaya kitang kita ang hubog ng katawan ko isa itong red dress at pinaresan ko nang stilleto heels, naglagay lang ako ng light make up at red lipstick nag perfume din ako sa isa sa favorite kong pabango kaya alam kung kahit mapapadaan lang ako ay mapapatingin sila sakin dahil sa bango ko just kidding lumalabas nanaman kahanginan ko.

Pagkatapos ko mag ayos ay kinuha kona ang bag ko at lumabas na sa condo, dumiretso na ako sa parking lot para kunin ang kotse ko, pagdating sa parking lot ay agad na akong sumakay at pinaandar ang kotse ko.

Pagdating ko sa Mall ay dirediretso na akong pumasok sa loob siguro kakain muna ako sa isang restaurant dahil 1:00 pm nadin at hindi pa ako nakapag lunch, nang nasa loob na ako ng restaurant ay nag order na ako at naghanap ng bakanteng table malapit ito sa entrance door kaya nakikita ko ang mga pumapasok at lumalabas dahil magkatabi lang ang exit at entrance door.

Ilang minuto lang nang paghihintay ay biglang napaangat ang ulo konang may pamilyar na tao ang pumasok sa entrance door ng restaurant at may kasama itong babae na maganda pati ang babae ay pamilyar din sakin well isa itong anak ng senador si Trisha Salvador kilala ito hindi sa pagiging sikat kundi dahil sa ugali niyang masama mahilig din itong makipag plastikan dahil minsan kona siyang nakasama at masasabi kung hindi uubra saakin ang ugali niya kung masama ugali niya pwes mas masama ugali ko pero nakadependi lang kung paano makitungo sakin ang isang tao, at hindi nga ako nagkakamali dahil ang kasama niya ay  yung lalaki kagabi sa may bar counter at naka bangga ko sa restroom ng bar, baka girlfriend niya itong si Trisha kaya siguro ganon nalang siya maka react kagabi ng may lumapit sakanya na babae dahil may girlfriend na ito pwes masasabi kona swerte ang girlfriend niya dahil hindi ito madaling maakit ng mga babae, pero napapansin kona kanina pa siya kinakausap ng babae pero hindi naman siya sumasagot ngumingiti lang ng tipid o minsan ay tumatango pero hindi naman nakakunot ang noo nito hindi tulad kagabi siguro ganyan na talaga ang ugali niya.

Naputol ang pag iisip konang makarating ang order ko at isa isa na itong binaba ng waiter sa table ko
"Enjoy you meal ma'am"
"Thank you" sabi ko at sabay ngiti sa waiter.

Nagsimula nadin ako kumain naka ilang subo palang ako nang maramdaman kong may nakatingin saakin kaya tinignan ko ang paligid pero wala naman dahil wala din masyadong tao dito sa restaurant kasi tapos na ang lunch pero pagtingin ko sa table nila Trisha ay nakatitig pala saakin yung lalaki kagabi sa bar kaya agad ako nag iwas ng tingin lalo na nang makasalubong ko ang mga mata niya na walang emosyon.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa pagkain dahil magsa shopping ako mamaya, nang matapos ako kumain ay tinawag kona ang waiter at nagbayad, ilang saglit pa ay tumayo na ako at lumabas ng restaurant pero muli kung sinulyapan ang lalaki kanina hanggang sa nakita kung nakasunod ang tingin nito saakin pero agad din nag iwas ng tingin ng makita niya siguro na nakatingin ako sakanya, kanina ko pa nararamdaman ang titig niya pero binabaliwala ko lang, matalas ang pakiramdam ko dahil minsan na akong tiniruan ni zarrah.

Nang makalabas ako ay pumunta sa ako sa isang boutique at may binili lang ako dahil may iba pa akong pupuntahan.

                        Xander POV

Nakatitig ako ngayon sa kapatid ni Agent Z na isang model sa pagkakaalam ko ay Zaharrah shaine ang pangalan nito magkatunog lang sa pangalan ni Z na Zarrah shawn hindi ko maiwasan na mapatitig sakanya sa diko alam na dahilan siguro dahil sa suot nitong masyado ng hapit sa katawan niya hindi ba ito marunong magsuot ng maayos, kagabi ay napaka ikli ng suot nitong dress isang tuwad lang siguro ay makikita na ang hindi pwedeng makita maputi naman ito at aaminin kona may ipanglalaban pagdating sa ganda at katawan pero hindi ba ito nababahala na baka mabatos ng mga lalaki dyan mukha panaman wala itong kalaban laban hindi tulad kay Z na magaling sa combat fighting yung magugulat kanalang dahil isang galaw lang niya ay patay na ang kalaban.

Mamaya pay tumayo ito at mukhang lalabas na nang restaurant kaya nasundan konalang ng tingin pero napaiwas ako ng tingin ng bigla itong lumingon saakin baka naramdaman nito na may nakatitig sakanya pero baka nagkataon lang hindi naman siguro ganon katalas ang pakiramdam niya para maramdaman na may nakatitig
sakanya.

"Hey, I've been talking to you for a while but you're not paying attention to me" biglang sabi saakin ni Trisha nakalimutan kona may kasama pala ako.

"Sorry I'm just thinking about something" sagot ko, ang totoo ay ayaw ko lang talaga ito kausap dahil madaldal masyado at halata naman na hindi bodyguard ang turing sakin wala akong balak sumama sakanya dito sa loob ng restaurant pero masyadong mapilit at baka daw bigla nalang siyang kuhanin ng kalaban ng daddy niya sa politika, bakit ba bigla nalang nagkasakit si Agent M ako tuloy ang nakapag bantay sa maingay na babaeng to kung hindi ko lang alam ugali nito iisipin ko na jolly lang talaga siya tsk.

"What are you thinking?" Tila naglalambing na tanong niya.

"Nothing" agad na sagot ko at nagfucos nalang sa pagkain, hindi ako sanay sa ganito kaingay na kasama nasanay ako na pag kasama ko si Z ay tahimik lang, bukas magpapapalit na ako kay agent C.

Nang matapos kami kumain ay umalis na ako ibinilin konalang ito sa Ibang Agent ayaw pa nitong iwan ko siya sa Ibang Agent pero walang nagawa nang sumakay na ako sa kotse ko, gusto kong magpahinga ngayon dahil rest day konaman talaga naabala lang ako ng pakiusap saakin ni agent M.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now