chapter 12

179 5 0
                                    

                      Zaharrah POV

Naghahanda ako ngayon dito sa kwarto kung saan ako nakapag check in dahil mamaya ay may gaganapin akong photo shoot sa isang sikat na clothing brand dito sa Paris.

Nang makita kung ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako para puntahan si Erika sa kabilang room hindi na ako naglagay pa ng make up dahil aayosan din ako ng mga make up artist pag nakarating ako sa lugar kung saan gaganapin ang photo shoot.

Nang masigurado kung na lock ko na ang aking room ay tumapat na ako sa room ni Erika para sana kumatok pero hindi ko natuloy ang balak kung  pagkatok dahil may nakita akong lalaki na lumabas sa room 504 pamilyar ito sa akin pero hindi ko nakita ang mukha dahil nakatalikod ito dali dali rin ito umalis nang mailock nito ang room 504 balak ko sana itong sundan para makita ang itsura pero nakasakay na ito ng elevator

"Uy ma'am ano tinitignan mo dyan?" Gulat akong napalingon kay Erika nang bigla nalang ito nagsalita sa aking likod hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala ito sa kanyang room.

"Nothing" I said and immediately walked to the elevator sumunod na rin sa akin si Erika at siya na ang pumindot sa button ng elevator papuntang first floor.

Pagbaba sa first floor ay agad na akong lumabas kasunod si Erika na dala ang aking bag, nang makalabas kami sa hotel ay may van na nakaparada sa labas agad ko naman ito nakilala dahil sa nakasulat sa gilid nito tumawag sa akin kanina ang manager ng clothing brand na pagmomodelan ko na ipapasundo niya ako, nang makita ako ng driver nito ay dali dali nitong binuksan ang pinto ng van at pumasok na rin ako, magkatabi kami ni Erika sa loob ng van busy ito kakatingin sa laptop na kanyang dala dahil tinitignan nito ang iba ko pang schedule

"Ma'am bukas po ay wala kayong meeting at shoot so pwede ka magpahinga" sabi ni Erika kaya agad akong napalingon dito nakangiti ito sa akin na tila may magandang balita

"Why are you smiling?" Tanong ko dito

"E kasi ma'am pag wala kayong meeting at photo shoot ibig sabihin rest day ko" masayang sabi niya, tumango nalang ako dito.

"maybe we can go or go around here in Paris tomorrow" I said,

"Sure ma'am?" Tanong nito kaya agad akong tumango "wala ng bawian ah" dagdag nito kaya natawa ako siguro ay nadala na ito dati na hindi ako tumupad sa usapan namin dahil nakalimutan ko,
Erika is not only my secretary because it is also my Manager kaya alam kung busy rin ito kaya walang love life well parehas naman kami na walang love life pero magkaiba kami ng reason.

Halos isang oras pa ang nagdaan bago kami nakarating sa lugar kung saan gaganapin ang photo shoot ko isa itong studio 'FRYE ICONIC STUDIO' ang pangalan ng studio na ito, pagpasok sa loob ay makikita mo ang ganda nito may ibat Ibang bahagi ito sa loob meron makalumang style, pang fairytale meron din garden ang design at plain white lang.

Nang matapos ako ayosan ng make up artist ay nagpalit na ako ng aking susuotin may ilang damit at dress pa akong susuotin kaya nakakatiyak akong matatagalan ako dito bago makatapos, nang maisuot kona ang unang damit para sa shoot ay pumunta na ako sa harap ng camera sa plain white lang ako pumwesto dahil para daw mafucos ako sa camera.

Subra isang oras din ang tinagal bago ko natapos ang mga shoot ng damit na aking sinuot sunod dito ay itong mga dress, inayos na muna ng make up artist ang aking make up dahil may kunting nabura dito siguro ay dahil pinagpapawisan din ako kahit na may aircon sa loob ay hindi ko maiwasan pag pawisan.

"Ma'am inom kayo tubig" biglang sabi ni Erika na nasa tabi ko at sabay abot ng isang mineral water

"Thanks" sabi ko at ngumiti sa kanya kaya ngumiti rin ito pabalik.

Nang matapos ang make up artist sa kanyang ginagawa ay agad konang sinuot ang isa sa mga dress at pumwesto ulit sa harap ng camera, ngayon ay sa may garden design na ang aking background para magmukha daw akong fairy may dinagdag rin na nilagay ang make up artist sa aking mukha at pinasuot ako ng maliit na pakpak kaya mukha talaga akong diwata sa aking suot at idagdag pa ang kutis kona mala kutis diwata din.

Nang matapos ang aking photoshoot ay agad na kaming umalis ni Erika sa studio matapos kung makapag paalam sa manager ng clothing brand na aking pinag modelan, hinatid ulit kami ng van kanina na sumundo sa amin ni Erika pero sa isang restaurant na ako nagpahatid dahil nagugutom ako at may pupuntahan din ako hindi na sumama sa akin si Erika at didiretso na daw ito sa hotel na tinutuluyan namin dahil napagod ito kaya pinabayaan konalang kaya konamang mag isa dito.

Habang kumakain ako ay may napansin akong pamilyar na bulto ng tao na pumasok sa loob ng restaurant pumunta ito sa isang bakanteng lamesa at tinawag ang waiter nang mag angat ito nang tingin saka kulang nakilala kung sino ito si Alexander Ching malayo ang pagitan ng lamesa namin kaya alam kung hindi ako nito makikita pero nagtataka ako dahil nakasumbrero ito.

Mayamaya pa ay nakarating na rin ang order nito kaya nagsimula na rin ito kumain pero napapansin ko na hindi ito mapalagay at palinga linga sa paligid parang nong unang kita ko lang sakanya sa bar ganito rin ang kanyang ginagawa siguro ay may sakit itong lalaki nato pero imposible naman na hindi ito magpagamot kung mayaman sila pero bat ko ba iniisip ang masungit na lalaki na iyan, ilang saglit pa ay tumayo na ito at aalis na pero nang malapit na ito sa exit door ay nagpalinga linga pa ito ulit hanggang sa mapabaling ang tingin niya sa akin nakita kung nagulat ito nang makita ako pero agad din napalitan ng pagka kunot noo ang kanyang expression tinaasan ko ito ng kilay ng mapansin kona kakaiba ang tingin niya sa akin kaya agad naman ito lumabas ng restaurant, hindi ko alam kung bakit palagi ko nalang nakikita ang lalaki na yun malapit kona talagang isipin na stalker ko ang isang Alexander Ching pero ayokong namang maging assuming dahil nakakahiya siguro ay nandito lang siya sa paris para sa isang business meeting.

Nang matapos ako kumain ay nagbayad na ako at lumabas ng restaurant sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa isang Art Museum dito sa Paris pangatlong punta kona dito sa museum na ito pero hindi pa rin ako nagsasawa dahil sa ganda ng mga painting nila dito.

It took me an hour to look at the paintings here inside the museum kaya napagdesisyonan kona umalis na rin dahil may dadaanan pa akong bookstore mahilig akong magbasa kaya sa tuwing pupunta ako ng Ibang bansa ay bumibili ako ng ilang libro para basahin kung wala akong ginagawa.

Nang makarating ako sa bookstore ay nagbasa basa muna ako saglit bago kumuha ng aking bibilhin may napili akong limang libro kaya agad kona itong binayaran at lumabas na rin gusto konang magpahinga kaya didiretso na rin ako sa hotel total ay 4:00 pm pa kaya may oras pa akong magpahinga dahil aayain ko mag dinner sa labas si Erika mamayang gabi.

Agent Series I: Taming The Grumpy AgentWhere stories live. Discover now