3: Lunch with Ninang

22 5 0
                                    

Lia's POV

"Naku Lia, kay bagal mong kumilos diyan" Reklamo ni mommy at agad ko naman dinalian yung pag makeup ko. "Hurry up anak!"

"Coming mom!" Sagot ko habang nag a-apply ng perfume. "Eto na!"

"Nag make-up pa nga" asar ni kuya

"Bakit, may problema ka kuys?" Tanong ko

"Oo, yang pagiging late mo"

"Eh ano naman? At least maganda ako" I stuck my tongue out

"Tigilan niyo na nga yan, para kayong mga bata" Warned dad at natahimik kami ni kuya. Sumunod kami kina daddy at mommy sa likod at pumasok na nga sa car.

"Teka, sino nga ba kasama natin mag lunch ngayon?" Tanong ko habang nag di-drive si dad. My kuya rolled his eyes in reply.

"Hay naku, Ewan ko talaga sa iyo Lia at lagi ka nalang di nakikinig"

"Sorry na kuys hehe, medj napagod lang kahapon"

"Anyways, maglu-lunch tayo with your ninang Leni" said mom who looked back sa amin.

"Ay really? Omg!" Tuwa kong sabi. "Namiss ko na talaga si ninang. Sasama po ba sina Aika, Jill, at Tricia mom?"

"I think si Aika lang. Medyo busy daw sina Jill at Tricia ngayon kaya di sila makakasama"

•••

"Naku Lia, tama nga ang mommy mo at lalo kang gumanda ngayon" Ninang Leni said as we hugged each other tightly.

"Thank you ninang" ngiti ko. "Namiss ko po kayo"

"Ako rin" sabi niya habang nakasmile sakin. "Lalo na itong sina Aika. Ay siya nga pala, eto, pinapabigay nina Jill at Tricia sa iyo. Pasensya na daw at di sila nakapunta".

"Ay hala, nag abala pa. Pakisabi nalang po na thank you" tugon ko habang tinatanggap yung box ng cake. "Bibisitahin ko nalang po kayo sa susunod. Dala nalang rin po ako ng foods hehe"

"Anytime Lia"



So ayun, after namin mag chikahan ay nagsimula na kaming kumain at mag kwentuhan. Di ko naman maintindihan yung pinag uusapan nila dahil about ito sa politics, so can't relate itong marites ninyo sa chismisan hayst.

"Tahimik ka?" Siniko ako ng katabi kong si Aika.

"Wala lang" sagot ko. "Di ko maintindihan eh"

"Tayo nalang mag chika" suggest niya at agad akong pumayag. "So ano, may chika ka ba?"

"Hmmm..." isip ko

"Akala ko kayo ni Vico, seryoso ka ba dun sa sinabi mo sa interview kahapon?" Bulong niya sa akin at napatawa ako. "O baka andami mo na sigurong natatanggap na hate at threats kaya tinatago niyo lang"

"Huy bakla magkaibigan lang talaga kami no" sagot ko ng pabulong sa kanya.

"Magkaibigan nga ba? O magka-ibigan?" Biro niya at tinawanan ko lang siya ulit.

"Legit nga sabi eh" tugon ko. "Pero"

"pero ano?"

"Alam mo ba kahapon"

"Ano nangyari?" Tanong ni aika habang lumalapit sakin. "Kwento mo, dali!"

"Nawala ako kahapon sa venue papuntang cr, tas may biglang nakabangga sakin" I started. "Tinulungan naman niya kong makatayo. Inoffer niya pa nga yung kamay niya -"

"Tinanggap mo?"

"Aba oo, nag alok na nga ng tulong yung tao, tatanggihan ko pa ba?"

"Pogi ba?" Tanong niya ulit, mas excited pa yata to si Aika sa lovelife ko ah.

"Hmm... Medyo" sagot ko habang vini-visualize ko yung mukha nung lalaki kahapon. "Cutie rin"

"Naks naman" tawa ni Aika. "Ano daw name?"

Teka ano nga pangalan niya, nakalimutan ko....

"Sa...."

"Sa-who?"

"Sasa....SanSan......Santos......Xander?" Sabi ko habang hinuhulaan ko yung name.

"Xander Ford?" Gulat na reaction ni Aika at agad namang dumilat mata ko.

"Anong Xander Ford!?" Lumingon ako sa kanya. "Krazy ka talaga Aika, pogi ba yun? Cute ba yon?"

"Aba ewan ko sayo at bat di mo maalala" tawa niya. Bigla naman kaming natahimik nang tumigil sa pag-uusap yung mga parents namin.

"Mukhang bibo kayo diyan Aiks at Lia ha" biro ni ninang Leni. "Kwento niyo naman samin dito"

"Hahahahaha" sabay naming tawa ni Aika.

"Naku wala po ninag, ayos kasi mag joke nitong anak niyo eh" palusot ko at agad naman kaming bumalik sa kanya kanya naming kwentuhan. Nagsimula naman si Aika magkwento about sa jowa niya.

"So ayun nga pinapadalhan niya ako ng flowers,chocolates, at gifts every month" sabi niya habang nakangiti. "Magalang rin. Botong boto si mommy sa kanya"

"Sana all Aiks, sana all" sabi ko.

•••

Nagpaalam naman ako kay mommy na mag sho-shopping ako, at ayun na nga pinasamahan niya ako kina manong Joseph at dun sa iba pang bodyguards namin.

"Ghad I deserve to treat myself" sabi ko pa sa sarili ko habang naglalakad papasok sa Dior. Pagdating ko sa loob ay maligaya naman akong binati ng mga staff at binili ko na kaagad yung mga napili ko.

Well mostly black, white, at earth tones lang naman yung mga kinuha ko. Sobrang hilig ko naman kasi mag shopping kaya natagalan ako kaka-libot ko sa mga luxury stores. Well, it's fine, tutal ngayon lang naman ako nakapag shopping ng bonggang bongga after ilang years sa university. Ayos lang talaga kasi sariling pera ko naman ito at hindi naman ako nakadepend kina mommy. Saka need ko rin ng pang OOTD sa upcoming trip ko noh?

Bago kami umuwi ay kumain muna kami lahat ng dinner sa isang resto. Muntik na ngang di magkasya sa car yung pinamili ko kanina pero naging okay naman dahil nahanapan nila ng paraan kung paano pagkasyahin. Habang pauwi na kami ay nakaramdam ako ng konting pagkalungkot ng maalala ko yung pagkukwentuhan namin ni Aika.

Di naman sa naiinggit ako sa lovelife niya, pero parang ganun na nga. 25 years old na kasi ako, ngunit ni once ay di pa ako nagkakaboyfriend. Masyadong strict kasi sina mom, dad, at kuya dahil only girl nga ako. Pinagbawalan nila ako magka boyfriend habang nag-aaral ako sa UK, at yun nga rason kung bat rin nila pinasama si kuya mag aral with me.

So yun, for short hanggang crush lang talaga ako. Pero now na tapos na ako mag aral at nakabalik na ako ng Pilipinas di ko na alam kung paano ko simulan ang buhay ko dito. Di ko nga alam ano first step para magkajowa, tas ang tanda ko na. Nakakahiya naman na wala akong knowledge pagdating diyan.

Di ko na namalayan at nakatulog ako sa sobrang pagod on the way home. Hindi nga nila ako magising dahil ang himbing daw ng tulog ko kaya binitbit nalang ako ni kuya at dad papuntang kwarto. Sleeping beauty yarn? Charot!

My Mortal Enemy: A Sandro Marcos FanfictionWhere stories live. Discover now