01

24 2 0
                                    

Eloise Ocampo POV

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa library para kitain ang mga kapwa ko student council. May announcement daw kasi si president. Di ata uso sa kanila ang messenger. Hindi na nga sana ako aattend kasi alas syete na din ng gabi buti nalang di kalayuan yung apartment na tinutuluyan ko dito sa LPU. Hindi nga lang din malapit. Mga 15 minutes siguro ang layo.

Habang nag mumuni-muni ako papunta sa library, nakaramdam ako ng lamig. Hinahangin ang maikli at kulay tsokolate kong buhok. Samantalang nakasquint naman ang bilugan kong mga mata para hindi ito mapuwing sa lakas ng hangin. Niyakap ko ang sarili dahil wala naman akong dalang jacket. Kinilabutan tuloy ako bigla kaya binilisan ko ang paglakad. Ilang saglit pa...

"Uy ikaw pala yan!" umakbay ito sa akin na ikinagulat ko.

"Ano ba Lauren! Ikaw magiging cause of death ko eh." Saway ko sa kanya. Di porket kaibigan ko sya, papatayin nya na ko sa gulat tuwing nagkakasalubong kami.

Tinawanan lang ako nito at nakisabay na sa aking pumunta sa library. Sya kasi ang treasurer namin habang ako naman ang secretary. Swerte nga kami kasi hanggang dito ba naman sa pagiging student council ay magkasama kami.

Pagpasok namin sa library, nakiupo na kami sa mga officers and committees. Kami nalang din ang hinihintay kaya nagsimula na agad si President mag announce.

"So guys, hindi ko talaga sinend sa gc natin itong iaannounce ko ngayon kasi gusto kong personal na masabi sa inyo para maipaliwanag din ng maayos. Our beloved principal together with the advisers came up with a decision that our council will have a vacation break in our choice of place before our exam week and thesis defense. Since ggraduate na din naman tayo ngayong school year, might as well have a celebration before our separation." Nagpunas ito ng imaginary luha na sinundan naman namin ng pekeng pag-iyak. Hindi masyadong malakas kasi nasa library kami.

"Di na kita makikita president Abby. Mamimiss kita huhu." Pabirong saad ni VP Gio na obvious naman na may crush kay president.

Tinarayan ito ni Abby habang namumula. Edi sana all may kasomething.

"Anyways, about sa vacation trip natin, sagot na daw ng school ang tutuluyan natin. Ang maganda pa, pwedeng magsama ng special someone. Relatives, friends, siblings, gf\bf basta isa hanggang dalawang tao lang ang isasama nyo. Be ready din sa allowance and mga gamit nyo kasi according to the principal, pwede tayo mag stay doon kung kailan natin gustohin basta hindi lalagpas ng 3-4 months. Ang purpose daw ng staycation na ito is para masulit natin ang pagiging student with no stress. After kasi ng graduation malamang maistress na tayo sa paghahanap ng trabaho. Kung baga last experience na ito kaya we're really lucky dahil pinayagan tayong maengage sa ganitong trip. Nakakaexcite tuloy!" Medyo napalakas ang pagkakasabi nya kaya sinamaan kami ng tingin ng librarian.

"Lastly pala, to be announced pa ang date kung kailan ang alis. Possibly and expected na pagkatapos nating magdecide ng place kung sa'n gaganapin. Osya, sa gc nalang ng officers tayo mag-usap about sa place na gusto nyong pag stayhan. Baka masumbong pa tayo kay principal pag nag-ingay pa tayo dito. Sayang 'pag nacancel ang bakasyon. Meeting adjourned!" Huling sigaw nito bago kami nagsitakbuhan palabas ng library para di na mapagalitan.

Pagdating sa apartment, humilata agad ako at nag-isip habang nakatingin sa dingding. Inaalala ko kasi yung allowance ko if ever na sumama ako sa trip ng student council. Ayoko namang humingi ng pera sa parents ko. I've decided to live alone after all kaya paninindigan ko 'to. May ipon naman ako at part time job. Kaso nga lang baka makaltasan ako kasi hindi ako pumasok ngayon dahil sa pagod.

Naramdaman kong nag vibrate yung cp ko na nakalagay sa bulsa ng bag ko. Kinuha ko ito at binuksan ang messenger.

LPU SSC (students only)
Pres: Guys dito tayo mag-usap... (Unread)

Pinindot ko ito kasabay ng sunod-sunod na chat ng mga officers. Halatang excited sila, bihira lang kasi yung mga gan'tong opportunity kaya tuwang-tuwa sila.

___________________________________________________

7:57 pm

Pres: Guys dito tayo mag-usap about sa place na gusto nyo. Suggest lang kayo tapos gagawa ako ng poll to vote. Majority wins. Kailangan na din daw kasi ito ng advisers as soon as possible. Sorry sa abala officers.

Vien: Palawan sana

Yuan: Tagaytay kasi bagay ako dun.

Jayla: Cebu bet ko.

Ayay Captain! (Treasurer): parang gusto ko sa Bora. Baka doon ko pa makita si Mr. Right.

Pres: How about the others?

VP ni Abby: pwede ba sa bahay nyo nalang ako pres?

Pres: Kindly message me in private for your concerns Mr. Gio Gonzalez.

Ayay Captain! (Treasurer): Hoy! Kinikilig ako sa inyo!

Pres: I will be making the poll if wala nang magdadagdag ng suggestions.

seen by you & others

___________________________________________________

Natatawa nalang ako sa chats ni Lauren. Kung wala talaga sya sa council baka ang boring. Sineen ko nalang sila kasi di pa naman ako sure kung sasama ako dyan. I closed the chat at pinatay na din ang phone ko para magpalit ng damit at matulog. Nakakain naman na ako otw pauwi kasi nilibre ako ni Lauren.

Pagkatapos kong magbihis ay umupo na ulit ako sa kama at kinuha ang laptop sa bag ko para manood ng reaction videos sa YouTube dahil low battery na ang cellphone ko na nakacharge malapit sa kama.

Para sa akin kasi, interesting ang mga feedbacks at facial expressions ng mga reactors na pinanonood ko kaya natatawa nalang ako sa mga reactions nila dahil nakakarelate ako. Just vibing with them tapos feeling ko pa best friends kami even though, through screen ko lang naman sila nakikita basta same kami ng reaction.

Habang tawa ako ng tawa sa pinanonood ko, biglang nag vibrate ulit ang phone ko. Hindi ko ito inintindi kasi baka update lang yun sa poll ng gc namin.

Makailang ulit pa, vibrate pa rin ito ng vibrate kaya binuksan ko na.

LPU SSC (students only)
Jayla Sison voted in the poll (Unread)

L
loise, sama ka ba sa vacation trip? (Unread)

Bubuksan ko na sana ang message ni Lauren kaso biglang may message na nag pop. Nawala ang ngiti ko nang makita kung kanino nanggaling ang message.

Evelyn Ocampo
Kamusta ka na? (Unread)

Evelyn OcampoKamusta ka na? (Unread)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The One I Never HadWhere stories live. Discover now