05

14 2 0
                                    

Papunta ako ng terrace para doon imeet ang lahat sa magaganap na meeting, na naman... Ako nalang ata ang hinihintay kasi wala na 'kong nakikitang tao dito sa loob. Hindi kasi ako agad bumangon nung inattempt nila Lauren na gisingin ako.

Dumaan ako sa kitchen malapit sa sala para kumuha ng tubig. Habang umiinom ay nahagip ng paningin ko ang cellphone na nasa counter. Nakabuhay ito kaya naman kinuha ko.

Kanino naman kaya 'to? Plain black lang ang casing kaya mahirap idetermine kung sa babae ba o lalaki. Yung lockscreen naman, gitara lang.

Tinry ko itong buksan at himala namang walang password kaya isang swipe ko lang, bukas na.

Bumungad sa akin ang cute na maliit na aso sa homescreen. Apricot ang kulay ng balahibo nito. Hindi ako mahilig sa aso kaya hindi ko alam kung anong kind siya ng dog. Pero that doesn't mean na hindi ko sila gusto. It's just not my interest, though they attract me sometimes like this one.

Ngumiti ako. "Cute naman."

Hindi ko na balak galawin pa yung cp kaya ibababa ko na sana kaso biglang may tumawag.

Gio is calling

Naka silent ang cellphone kaya ang vibration lang nito ang naramdaman ko. Buti nalang binaba agad ni Gio yung tawag. Nacurious naman ako bakit may contact si Gio dito. Hindi ko na natiis kaya binuksan ko ang gallery.

Bumungad sa akin ang picture ko sa eroplano habang nakanguso at naiinis na nagsisintas ng sapatos. Biglang nag click sa utak ko kung kanino itong cp na hawak ko.

So this is Tristan's. Kaso ba't walang password 'tong cp niya? Di ba siya natatakot na may magbukas ng mga messages niya?

"Hoy babae, kanina ka pa hinihintay dun. Bilang na ang taon wala ka pa din."

Naibulsa ko agad ang cellphone na hawak nang tinawag ako ni Lauren.

Ininom ko ang tubig sa hawak kong baso. "Ito na, sorry." Lumabas na ako kasabay niya.

Ibabalik ko nalang sa kaniya ito mamaya, sabihin ko nahanap ko sa kitchen. Totoo naman. Hindi ko na din siya icoconfront sa picture na 'yun. Baka nagandahan lang siya sakin kaya nagstolen siya o pwede din namang trip niya lang. Kung ano man, sa kaniya na yun remembrance niya sa'kin.

"Okay guys, I will not speak formal sa inyo ngayon since wala naman tayo sa University and halos magkakaedad lang tayo. We advisers had a chitchat about what you can do here in Boracay na makakaaffect pa rin sa grades ninyo since hindi naman puwedeng puro nalang kayo walwal dahil alam kong may umiinom na dito." Tumingin ito ng matalim sa mga lalaking kasama namin.

"Ma'am ito oh." Turo ni Gio kay Jacob na nakikipagkuwentuhan kay Tristan.

"Ikaw naman nagaaya." Sabat ni Jacob sa kaniya.

Umiling nalang si ma'am tsaka itinuloy na ang sinasabi.

"Napag-usapan namin na bibisitahin ko kayo every once a week dito sa guesthouse ninyo since ako naman na ang nandito at ako din ang head. Yes hindi ako magtatagal dito but don't worry, hindi naman ako aalis mismo sa Bora. Nandiyan lang ako sa kalapit na hotel para kung kailangan ninyo ng kabonding sa trip niyo, tawagin niyo lang ako. But ofcourse the officers will take charge kapag wala ako. And secretary please kindly update us everyday sa attendance para maassure ang safety ng bawat-isa. Nakasalalay ang reputation ng LPU kapag isa sa inyo ay mapahamak kahit mga nasa 20's na kayo. Ayaw ko pa mag retired, baka naman." Biro ni ma'am.

The One I Never HadWhere stories live. Discover now