06

7 2 0
                                    

Pasakay na kami sa private boat dahil mag a-island hopping daw kami. Hindi na sumama sa amin si Ms. Villanueva dahil aasikasuhin daw niya ang lunch/dinner namin. Ayaw niya daw kasing iba ang magasikaso dahil baka kung ano pang mangyari sa mga sikmura namin. Hindi pa rin kasi kami naglalunch simula nang dumating kami. Bawal naman kanina kasi baka mailabas namin sa dagat yung nakain. Pero good thing din naman na binigyan kami ni ma'am ng panghimagas kanina bago umalis para hindi kami masyadong gutumin sa activity. May tour guide naman na mag-aasikaso sa amin kaya ayos na rin.

Habang inaalalayan ako ni kuya boatman, naramdaman kong nauntog ako sa bubong ng bangka pero may pumatong na kamay sa ulo ko kaya hindi ako directly natamaan.

Nagsikantyawan naman ang mga kasamahan namin na ikinakunot ng noo ko.

"Speed!" kantyaw nila.

Lumingon ako sa likod para malaman kung bakit. Dumaan sa gilid ko si Tristan mula sa likod at nauna nang pumasok sa bangka. Sinundan ko siya ng matalim na tingin bago pumunta sa tabi ni Lauren na may nakakalokong ngiti.

"Grabe kapit mo Loise." kinikilig at mahina niyang sabi.

Napangiwi naman ako at tinarayan siya. Naiinis na 'ko kay Lauren for real pero buti naman at agad na siyang tumigil.

Umandar na ang bangka at nagsimula nang mag explain si ate Gil, ang tour guide namin.

"As you all know, Ms. Villanueva prepared an activity for you guys. Magttake kayo ng pictures ng mga bagay na nakasulat sa list na ito." Iniabot niya sa amin ang apat na papel na naka plastic cover. Kinuha naman ni Lauren ang isa roon.

"So parang scavenger hunt lang?" Tanong ni Tristan habang nakatingin sa papel na hawak ni Lauren. Si Lauren kasi ang nasa gitna naming dalawa.

Tumango naman si ate Gil. "Yes pero this is just taking pictures of the things that are listed at kailangang lahat ng team ninyo ay may kopya. Ipapacheck niyo kay Ms. Villanueva ang mga nakuha ninyong litrato pagkatapos. Kung sinong team ang makarami ng nakuhang pic ay siyang makakakain ng dessert sa picnic area pagbalik natin. The following spots are; Puka Beach, Crystal Cove Island, and Magic Island. You also get the chance to see what's underwater dahil kasama na sa tour na ito ang snorkeling and swimming. And don't worry, hindi mababasa ang phone ninyo kasi may dala akong waterproof mobile phonecase para dyan. Dapat within 30 minutes ay tapos na kayo at nakabalik na sa bangka. As you take pictures from your list, itu-tour ko na din kayo and hopefully, you will enjoy it. Goodluck! Pahingi nalang din ng dessert sa mananalo diyan." 

Inilabas na nito ang labing dalawang waterproof phonecase at ibinigay sa amin.

Sa bawat spot na pinuntahan namin ay unahan talaga ang paghahanap ng mga nakalagay sa list. Kaniya-kaniyang diskarte kung paanong hindi makikita ng ibang team ang nahanap na bagay. Ang iba naman ay nagsisiagawan na ng cellphone para hindi makapicture ang ibang team. Nakuha nga ni Maeve yung cellphone ko kaya ang ginamit namin ay yung kay Lauren.

Speaking of cellphone, nasa room pa din namin sa guesthouse ang cp ni Tristan at walang kaalam-alam sila Lauren about doon. Si Tristan naman, aware siyang nawawala ang cp niya pero naniniwala siyang nakila Jacob lang iyon o di kaya ay namiss-place niya lang dahil tinanong siya ni Lauren kanina when she's about to borrow his phone.

Pero baka hindi ko na ibalik, naaasar ako sa kaniya eh. Ang bilis bilis niyang maglakad wala namang humahabol sa kaniya. Tapos kapag tinatawag naman namin, parang walang naririnig.

Hindi ko alam kung dahil ba sa mahaba ang biyas niya o sadyang may lahi lang siyang ostrich.

Kanina pa din siya nagtuturo ng mga bagay-bagay kesyo nandoon daw yung pipicturan namin eh wala naman. Tapos yung mga jokes niya pa na mas corny pa sa jokes ni Lauren. Sumasakit ulo ko sa lalaking 'to jusko. Kung pwede lang, naitapon ko na sya sa dagat.

"Papicture ako Loise." Nakangiting sabi ni Lauren at ibinigay sa akin ang cellphone niya saka nagpose sa camera.

"Umalis ka nga." Hawi ko kay Tristan na nakaharang sa frame.

"Rude." Saad niya at saka umusog sa gilid para hindi siya makita.

Pagkaclick ko ng camera, bigla namang sumingit si Tristan sa frame habang nakasmolder ang expression ng mukha niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tingin nga." Kuha niya sa phone na hawak ko at tinignan ang picture.

Pumamewang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakakabanas na ah.

Umiling ito at kinamot ang ulo niya. "Hindi ka naman marunong." Tumingin siya sa akin.

"Sadyang panget lang yung sumingit kaya ganiyan ang kinalabasan." Sabi ko.

He scoffed.

Wow ha, hahampasin ko na 'to ng tsinelas.

"Take 2." Pinwesto niya ang camera para picturan si Lauren.

Nagpose naman ito. Ako naman, nasa likod ni Tristan, tinitignan kung paano para sa kaniya ang 'marunong' mag-pic.

Humarap siya sa akin na ikinataas ng isang kilay ko.

"Ikaw naman." Utos nito at umusog para gumawa ng daan para sa akin.

"Bilis, babalik na po." He demanded sarcastically.

I scoffed at him pero sumunod nalang ako dahil ayaw kong maiwanan. Pinunta niya ako sa mga halaman para doon picturan. Nakasunod naman sa amin si Lauren habang nakangiti.

Nagpose ako sa camera. Mga ilang segundo pa, hindi pa din niya binababa ang phone.

"Ang tagal ah." Reklamo ko.

Ipinahawak niya muna kay Lauren ang cellphone saka lumapit sa akin at inayos ang pose ko. Tinanggal niya rin ang sumbrerong suot ko at saka inayos ang buhok ko.

Nahagip ng paningin ko si Lauren na nakatapat ang cellphone sa amin. Ano nanamang trip nito?

Bumalik na si Tristan sa puwesto niya kanina at itinaas ang camera na ibinalik sa kaniya ni Lauren.

Nang matapos niya akong kuhanan ng litrato ay lumapit ako sa kanila ni Lauren.

Iniabot naman ni Tristan sa akin ang phone. "You're welcome." Nauna na itong naglakad para sumakay sa bangka.

Tinignan naman namin ni Lauren ang mga kinuha niyang pictures. Maganda ang pagkakakuha ng mga ito. Tama lang ang angle at yung sikat ng araw ay hindi sobrang maliwanag. Pati yung pinagawa niyang pose sa akin, nagmukha akong model sa picture.

Tumango-tango kaming dalawa ni Lauren.

"Gwapo na, photographer pa." Sinagi niya ang balikat ko.

"Kaasar naman ng ugali." Dugtong ko sa sinabi niya.

Ngumiwi siya. "Pikon ka lang eh."

"Simp ka lang eh." Tugon ko dahilan para hampasin niya ako.

Pagkaslide ko sa picture para makita ang kasunod ay bumungad sa akin ang stolen picture naming dalawa ni Tristan nung inaayos niya ang buhok ko.

Tumakbo naman si Lauren palayo sa akin dahil alam na niya kung anong mangyayari kapag naabutan ko siya.

"Idelete mo yan Mariano!" Sigaw ko habang hinahabol siya.

"Ayoko!!!" Tawa siya ng tawa habang tumatakbo. Lagot talaga 'to sakin pagbalik.

"Hoy! Magpapaiwan ba kayo?!" Sigaw ni Maeve mula sa bangka namin kaya nag-unahan kaming makapunta roon.

"Hoy! Magpapaiwan ba kayo?!" Sigaw ni Maeve mula sa bangka namin kaya nag-unahan kaming makapunta roon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The One I Never HadWhere stories live. Discover now