Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 7

271K 3.4K 65
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes.


"Dylan my man! Late ka na naman! Sino kinama mo, ha?"

Nginitian na lang ni Dylan ang kaibigan niyang si Marco.

"Putakte! Mayro'n nga! Sino?" bulalas ni Mico.

Dylan just shrugged and took a sip of his coffee. Pagkagising niya kaninang umaga, wala na si Mitch sa pad niya, pero mayro'n naman itong iniwan na souvenir sa kanya. Iniisip ni Dylan ang mga nangyari kagabi sa kanila—it was a hot night. Mitch evolved.

Hindi niya inakalang magugustuhan niya ang nangyari sa kanilang dalawa.

"Ayaw magsalita. Ibig sabihin ayaw mag-share!" sabi naman ni Jeremie.

"Hindi talaga. Bakit ba kayo nagpa-breakfast meeting, mga ugok?" tanong niya sa mga kaibigan.

"E paano, etong si Mico, bigla na lang nag-hysterical nang makita iyong babaeng stalker niya!" kantiyaw ni Jeremiah—but they call him Jeremie.

"Ikaw nga kay Colyn eh, under ka niya. Sus..." ganti ni Mico.

Napapailing na lang siya sa mga kaibigan niya, minsan talaga nakakagago kasama ang mga ito pero masaya naman.

Nang matapos na ang breakfast meeting nila, dumiretso na siya sa office.

***

Nang magising si Mitch sa pad ni Dylan, dali-dali na siyang umalis doon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya kapag naabutan pa siya ni Dylan. Nakakahiya! She just had sex with her boss, for Pete's sake! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya?

Pero paano niya ba matatakasan si Dylan, e empleyado siya sa kumpanya niya? Shit! Just great.

"Good morning, Sir," narinig niyang bati ng mga officemates niya.

Para siyang nanigas nang magtama ang mga mata nila ni Dylan.

"G-good m-morning..." mahinang sabi niya.


Nakita niyang ngumisi si Dylan at dire-diretsong pumasok sa office niya.

Buong maghapon, isunubsob na lang ni Mitch ang sarili sa trabaho. Tatapusin niya ang tinambak sa kanyang trabaho ng head ng department niya dahil absent ng isang linggo ang isa sa ka-officemate niya.

Kaya ayun, tatapusin na niya para iwas overtime.

Iniiwasan niyang maka-encounter si Dylan dahil binabalutan siya ng hiya kapag nakikita niya ito, pero mukhang nananadya talaga ang boss niya dahil palaging lumalabas at tumatambay sa department niya.

***

Napansin ni Dylan na iniiwasan siya ni Mitch, kaya natatawa siya sa dalaga. Halatang nahihiya dahil hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. He thought she was cute, kaya pinagtripan niya ito at tumambay siya sa department nito. Halatang natataranta ito sa presensiya niya, kaya minabuti niya na lang na bumalik sa opisina niya.

Past 9 PM na nang nagpasya si Dylan na umuwi. As usual, nag-overtime siya, pero hindi dahil sa babae. Sakto napadaan siya sa department ni Mitch at nakita nga ang babae na naroon pa. Madilim na at tanging ilaw galing sa computer ang nagsisilbing liwanag. He couldn't help but stare. Mitch was so damn gorgeous—lalo na kapag walang damit. Oh, shit! He felt hot.

"Overtime ka na yata masyado?" pukaw niya rito. Halatang nagulat si Mitch.

"Ah...ano...madami kasing trabaho...naiwan," she stammered. Hindi alam ni Mitch kung tatakbo na ba siya—bakit ba kasi sa kanya itinambak lahat ng naiwan na trabaho?

My Seductive Boss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon