Chapter 8 - Concrete Evidence

2.3K 103 6
                                    

(Spence's PoV)

Pagkatapos ng interrogation, bumalik kami sa crime scene. Nagsimulang maghanap ng ebidensya ang mga kasama ko. Yung iba nagtungo sa kitchen!

Nakasandal ako sa pader at iniisip kong mabuti ang mga statement sa interrogation.

Hmmm...hindi ko alam pero may kakaiba eh! May kakaiba sa statement ng isa sa kanila!

Napapikit ako at inalala ang interrogation room mula sa pagtatanong kay Madison hanggang kay President Richard.

Pero hindi ko mahanap kung alin dun!

"Spence! Nag-iimbestiga tayo dito hindi tumutunganga" - Detective Herald

Napatigil ako sa pag-iisip nang dumaan si D. Herald at sitain ako!

Kailangan ko ng mas matinding ebidensya! Pero hindi ko alam kung paano magsisimula!

Ni-review ko ang mga pangyayari! Nagtungo ako sa pwesto ng biktima! Pinagmasdan ko itong mabuti baka sakaling may mahanap na kahit konting lead.

Yung katawan lang ang nandito..at hindi na rin halata yung mga tulo ng bula mula sa bibig ng biktima.

Maya-maya pa ay napalingon ako sa table na inupuan ni Mr. Rod! Naroon pa rin ang wine at kinain niyang salad!

Nagtungo ako roon. Marami pang natira sa wine! Ibig sabihin, konting pag-inom pa lang niya, umepekto na ang lason!

Inalog-alog ko ang wine na natira at pinagmasdan ito.

Pagkatapos ay ibinaba ko rin agad.

Ano ka ba Spence, cyanide ang naihalo sa red wine..mahirap i-determine..lalo na't wala din itong amoy!

Iniwan ko na lang ang mga wine doon at nagtungo sa kusina.

"Sandali! bumalik kayong lahat sa hall! Kakatawag lang ng isang forensic!", utos ni inspector Jorge

Napatigil kaming lahat!

"The investigation is over! It was proven, the poisoning was a suicide"

"hah????"

Lahat kami yan ang naging reaksyon.

S-suicide??? So si Mr. Rod mismo ang lumason sa sarili niya??

"P-pero inspector, paano nangyari yun?", pagtataka ni D. Herald

"May nakita raw silang bote sa suit ni Mr. Rod. Ang laman ng boteng yun ay nagmatch sa lason na nasa wine", paliwanag ni inspector Jorge

"Hay kung ganoon mabuti naman at nakita rin ang concrete evidence. If that's the case, we can go home at nang makapagpahinga na tayo", sagot ni D. Herald

"Hindi ako makapaniwalang gagawin yun ni Mr. Rod! Siguro nga masyado na siyang depressed at yun ang paraan niya para sirain ang ball", bulalas ni inspector Alvarez

"Kung sabagay, kung iisipin natin, magkaka-connect! Yung cause of poisoning which is the issue on his impeachment as the president of Hotel Park. Dito niya ginawa to convey a message na nag-suicide siya because of this Hotel Park!", dagdag pa ni inspector Jorge

Maaari ngang natagpuan ang bote ng lason sa kaniya pero bakit ganun? Parang hindi valid para sakin yung dahilan. Kung ako si Mr. Rod at depressed ako, hindi ako maglalason sa harap ng maraming tao. Kung depressed ako dahil sa mga issue tapos pinag-uusapan pa ako, hindi na ulit ako gagawa ng bagay para mas pag-usapan pa ako.

Alam kong hindi naman ako detective o inspector tulad nila pero hindi ako kumbinsido sa dahilan. Maniniwala pa sana akong suicide yun kung hindi  ko makitaan ng mali ang isang statement sa interrogation. Hindi pa ganun kalinaw sakin ang statement na yun pero alam kong may kakaiba.

"Hindi ko alam pero sa tingin ko may kakaiba sa kasong 'to eh! Sa tingin ko hindi lang ito basta suicide. Sa tingin ko may nasa likod ng bagay na to", hindi ko napigilang sambit sa kanila

"T-teka...sinasabi mo bang mali ang report ng forensic?", tanong ni inspector Jorge

"h-hindi naman po sa ganoon inspector. Ang sinasabi ko po, kailangan pa po natin ng further investigation to prove our claim"

"Bata ka pa nga talaga! Wala ka pang alam..", sagot ni D. Herald na natatawa

"...bakit pa gagawa ng further investigation kung nahanap na ang concrete evidence na nasa kaniya? Yun ang strongest proof", paliwanag niya

"Pero yung dahilan kung bakit niya nilason ang sarili niya, parang hindi po tama!" , pagpupumilit ko

"Sinasabi mo bang mali ako?", asar na sagot ni inspector Jorge

"Hindi po! Sinasabi ko lang na kailangan nating patunayan na tama naisip nating dahilan kung bakit niya yun ginawa"

"Sa tingin ko hindi na kailangan. Basta suicide yun", pagpupumilit ni inspector Jorge

"Pasensya na po pero sabi ng Papa ko, kung puro assumption ang mga sagot sa isang investigation, you can never consider the case clear! Because in here, only facts and truth is accepted"

"Bakit sino ba ang tatay mo?", seryosong tanong D. Herald

"Benjamin Quijano po"

"S-si detective BENJ!!!!?????"

halatang parehong gulat sina Detective Herald at Inspector Jorge. Hindi sila nakaimik!

Natawa naman si Inspector Alvarez sa naging reaksyon nila.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now