Chapter 12 - Spence's Theory

1.2K 51 6
                                    

(Irish's PoV)

Bumalik pa kami ni Spence sa school after naming makausap si Suzanne.

Naglalakad ako ngayon mag-isa papuntang SSC office dahil may mga kailangang asikasuhin.

"Irish!"

Nilingon ko ang babaeng tumawag sakin at nakita ko si Sherry na papalapit.

"Sherry!"

"Uhmmm...kumusta?"

Hindi ako nakasagot agad. Nanibago ako dahil first time niya akong kumustahin.

"Okay naman. Bakit?", maayos kong tanong

"S-sann....pala kayo galing ni Spence?", pag-aalangan niyang tanong.

"Ah...s-sa----may inasikaso lang kami"

"A-ano'ng inasikaso niyo?"

Pinagmasdan ko si Sherry. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagpunta kami sa ate ni Marcus. Dahil binilin ni Suzanne na wag kong ipagsabi kahit kanino.

"b-basta!"

Ayoko namang magsinungaling.

Tinignan niya ako at halatang duda siya sa sagot ko. Siguro may hinala siya kung san kami galing ni Spence.

Ngumiti siya ng pilit.

"Sabagay, bakit mo naman sasabihin sakin. Hindi naman tayo ganun ka-close"

Muli siyang ngumiti ng pilit.

"Sige!" , sambit niya at naglakad na siya paalis.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palayo.

okay ka naman Sherry! Pero sorry. Hindi ko lang talaga pwedeng sabihin.

(Spence's PoV)

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at pinag-iisipang mabuti kung sino ang posibleng dumukot kay Marcus.

Nabanggit ni Suzanne na maraming kaaway ang pamilya nila. Kung hindi ko man ma-pangalanan kung sino, at least man lang malaman ko ang profile niya.

Pinagmasdan ko ang screenshot na sinend ni Suzanne. Ito ang text message ng posibleng dumukot kay Marcus.

Kakaiba ang number.

0009568

I think it's a directory of other country.

Napasulyap din ako sa mismong message.

Hi miss beautiful. Becoz wer not dat bad, we wud lyk to inform you dat ur next aftr ur brother.

First, hindi siya nag-iisa. Since gumamit siya ng wer o we're, plural. May mga kasabwat siya. Kasabwat na hindi tauhan ngunit posibleng kasabwat na pareho ang layunin.

Napa-isip ako sa spelling ng mga words. Parang ang weird! Shortcut yung pagkakasulat niya sa mga salita...ibig sabihin-----

Tok! Tok! Tok!

Na-interrupt ako nang may kumatok. Pagkatapos ay bumukas ito.

"Pa!", sambit ko nang makita ko siya

Naglakad siya papasok ng kwarto.

"Ngayon lang ulit ako hindi abala. Imbes na mag-bonding tayo, nagkukulong ka sa kwarto!"

Napatingin lang ako.

"Ba't ka ba nagkukulong dito?"

Napabuntong-hininga ako.

"May iniisip lang Pa!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now