MC#10: Kidnapper's Challenge

854 36 0
                                    

A/N: Heto na po yung last mystery----ang bonus mystery ng Clue Detective.

-------------
Prologue:

Hindi maipaliwanag ang nagaganap.

9 pm na. Abala si Marcus sa pag-iimpake ng gamit kasama ang kaniyang kapatid na si Suzanne.

Nagbibiruan pa sila at naglolokohan. Pareho silang excited na bumalik sa London dahil alam nilang ok na ang lahat at ayos na si Marcus sa kaniyang mga magulang.

"This is for mom and this is for dad", sambit ni Marcus habang hawak hawak ang mga damit na ipampapasalubong niya sa kaniyang mga magulang.

"You think they'd like it?", tanong pa niya

Pinagmasdan ito ni Suzanne!

"Hmmmm....are you giving these from the heart?"

"Of course!"

"Then they'd really like it!"

Natuwa si Marcus sa sinabi ng kaniyang kapatid.

Maya-maya pa ay biglang may narinig silang tunog.......

"I-is that your stomach????", tanong ni Marcus kay Suzanne

"Sorry..I'm just really hungry!", sagot ni Suzanne

"What do you wanna eat??", tanong ni Marcus

Na-surprise naman si Suzanne sa tinuran ni Marcus

"Does that mean...you----"

"Yes. What do you wanna eat?"

"Oh Marcus..you're so nice", sambit ni Suzanne na sobrang pleased sa pinapakita ng kaniyang kapatid.

Napangiti lang si Marcus.

"I'm craving for cheesecake and coffee!"

"Ok! Just stay put"

Dahil ang coffee shop ay just across the road, nagpunta si Marcus para bumili.

.
Sinamahan siya ng isa sa mga bodyguard niya.

Nang makatawid sila sa kalsada, biglang may bumato sa kanila. Muntik matamaan si Marcus. Dahil trabaho ng guard ang siguruhing safe si Marcus, lumapit siya sa pinanggalingan ng pagbato para i-clear ang area.

May nakikita ang guard na parang nagtatago sa isang puno kaya patuloy siyang lumapit dito.

Samantala si Marcus, papasok na siya sa coffee shop nang biglang may pumukpok sa kaniya sa balikat, dahilan upang siya ay mapaluhod. May pinaamoy sa kaniyang panyo, at nawalan siya ng malay. May tumapat na sasakyan sa kanila at ipinasok siya rito.

Bagamat nakita ng bodyguard niya ang nangyari, hindi na niya nahabol ang mga ito.

Agad ibinalita ng bodyguard kay Suzanne ang nangyari. Halos hindi siya makagalaw sa nabalitaan niya.

Nang mahimasmasan siya, tinawagan niya si Sherry.

"Hello?", sagot ni Sherry

"Sherry...", sambit ni Suzanne na halos hindi makapagsalita ng maayos

Ramdam ni Sherry ang bigat na nararamdaman ni Suzanne.

"You seem afraid and nervous"

"It's because Marcus is again-----"

"Waaaaaaaaah"

"Sh-Sherry???? Sherry..you okay?"

Halos atakihin si Suzanne sa pag-aalala. Habang nagsasalita kasi upang ipaliwanag ang mga nangyari, bigla niyang narinig ang pagsigaw ni Sherry.

At naputol ang linya.

Samantala, si Irish naman ay pauwi pa lang mula sa school kasama niya ang mga kasamahan niyang SSC officers. Bukas na kasi ang deadline sa lahat ng mga reports na inaasikaso nila.

Palabas na sila ng gate habang nag-uusap.

Hinintay niya ang kaniyang lolo na susundo sa kaniya. On the way na raw. Samantala, yung mga kasamahan niyang SSC, tinatawagan pa lang ang kanilang mga sundo.

Nasa gilid lang sila ng kalsada. Maya-maya pa ay may sasakyang biglang tumigil sa tapat nila.

At...bigla na lang hinila ng dalawang lalaking payat si Irish papasok sa Van.
Pumapalag pa noon si Irish pero tinutukan ng lalaki ang isa sa mga kasamahan niyang SSC. Tinutukan niya ito ng kutsilyo.

"Sasaktan ko 'to!"

Dahil dun walang nagawa si Irish kundi kusa na lang na sumama sa kanila.

Ang mga nandoon ay gulat na gulat. Sa sobrang hindi nila akalaing mangayayari yun, ang iba natulala na lang sa gulat. Ang iba, tutulong sana kaso ay natakot sila nang makita nila ang patalim na hawak ng mga kidnapper. May mga natakot din sumigaw. Samantala, dahil mabagal ang serbisyo ng mga guard, hindi nila na-rescue si Irish.

----------
A/N: bakit na naman kaya sila na-kidnap? Malalaman sa mga susunod na kabanata.

Please vote and comment po. Thank you :)

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now