Chapter 6 - Blood Stain

3.5K 149 8
                                    

(Spencer's PoV)

Agad akong bumalik sa crime scene. Nang makita ko si Jay, sinabihan ko agad siya na alam ko na kung sino ang culprit kaya inutusan ko siyang tipunin ang lahat sa crime scene sa bisa ng pangalan ni Inspector Alvarez. Agad naman siyang sumunod.

Matapos ang tatlong minuto...

Iba-iba ang reaksyon ng mga suspek at iba pang pumunta. Pati kasi mga teachers pinapunta ko.

"Totoo bang alam mo na kung sino ang culprit?" tanong ni inspector.

Tinignan ko ang relo ko. Hindi ko namamalayan, 3 pm na pala!

"Oo Inspector at nandito siya sa room na ito ngayon!"

Nagulat ang lahat nang naroon lalo na ang mga suspek. May pinagpawisan kahit naka-aircon ang room. Maging hindi suspek nawindang sa aking sinabi.

"Masasabi kong ang murderer ay talagang wais! Pinaghandaan niyang mabuti ang kaniyang plano kaya naman hindi halatang siya!" pagsisimula ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Maaga siyang pumasok sa eskwelahan para makapagset-up! Pagkatapos niyang mag-time in, agad siyang nagpunta dito sa stock room para tambangan si coach. Alam kasi niya na dito dadaan si coach kaya dito siya nagtago. Sa katunayan, hindi naman niya agad naisagawa ang kaniyang plano dahil naka-laban pa si coach. Nag-agawan pa nga sila sa pinto eh!Pilit hinarangan ng culprit si coach pero nanlaban siya at no'ng bubuksan na dapat ni coach ang pinto para tumakas, hinila siya ng culprit kaya pati ang doorknob nasira rin!" paliwanag ko.

Tinignan nilang lahat ang doorknob.

"Oo nga!"

"Tama!"

"Magaling!" puri ni inspector.

"At sa pagkakahila, itinulak siya at tumama si coach sa cabinet. Siyempre hindi pa nagtatapos do'n sinaksak siya ng culprit para maisagawa na niya ang kaniyang plano!"

"Pero marami kaming pinagtanungan kung may nakita silang lumabas dito, wala daw!" duda ni inspector.

"Oo, wala talagang lumabas sa pintong 'yan, Inspector! Kung lalabas siya diyan, mabubuking siya lalo na't wala siyang mapagtataguan ng gloves niya. Dumaan siya sa bintana! 'Yun ang dahilan kung bakit bukas 'yan," sabay turo ko sa bintana. Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paliwanag.

"Chineck ko rin ang bakod doon sa likuran at may nakita rin akong bakas ng sapatos. Walang dudang 'yon ay bakas ng sapatos ng killer!"

"K-kung gano'n, sino ang pumatay?" tanong ni inspector.

"Ang tunay na pumatay ay ang taong dalawang beses nag-time in. Ito ang dahilan kung bakit hindi tugma ang kaniyang DTR at ang nakasulat na log in niya sa faculty office."

"Sino?" tanong ni Jay.

"Ikaw ang pumatay..."

Itinuro ko siya.

.

.

.

.

.

"MR. CARLOS FERRER!" sambit ko.

Lahat nagulat sa sinabi ko! Gulat na gulat din siya ngunit bigla siyang tumawa!

"Bata ka pa nga talaga! Kung sino-sino ang tinuturo mo!" sagot ni Sir Carlos.

Ngumiti ako!

"Binanggit ni Spence na hindi tugma ang DTR at ang naka-record sa logbook na time in mo!" tanong ni inspector.

"Bakit kasi kayo nagpapaniwala sa batang 'yan. Estudyante lang 'yan. Ni wala pa siyang na-a-achieve!" sambit ni Sir Carlos.

"Kung gano'n patunayan mo na mali siya! Ilabas mo ang DTR mo," sagot ni inspector.

Sinenyasan ko si Irish at lumapit siya dala ang logbook. Ibinigay niya ito sa lolo niya. Samantala, ipinakita naman ni Sir Carlos ang kaniyang DTR.

"T-teka, hindi nga tugma! 7:50 ang log in mo sa logbook samantalang 7:10 sa iyong DTR. Ngayon, ipaliwanag mo sa amin ito," utos ni inspector.

Nakita kong nanginginig na si Sir Carlos. Mukhang nag-aalala na siya dahil buking na siya!

"Hindi 'yan sapat na ebidensya!"

"Wag kang mag-alala, hindi pa ako tapos!" kumpiyansa kong sagot.

Mas lalo na naman siyang nawindang sa sinabi ko.

"Bago ko ipakita ng concrete evidence, gusto ko munang ipakita ang kaniyang murder weapon," sambit ko.

Lumapit ako sa may box at kinuha ko ang kutsilyo roon.

"Ito ang ginamit niya!"

Ipinakita ko sa kanila sabay turo sa murder weapon.

"Ngayon, ang main evidence!" turan ko.

Seryoso kong tinignan si Sir Carlos.

"Ilabas mo ang bulsa mo!" utos ko sa kaniya.

"Niloloko mo ba ako? At bakit ko ilalabas?" naiinis na si Sir Carlos.

"Wala nang masyadong maraming dada, gawin mo na lang!" sigaw ni inspector.

Hindi kasi marunong sumunod, nasigawan tuloy ni inspector!

Dahan-dahan niyang inilabas ang bulsa niya. Ang kanang bulsa niya!

O.O

O.O

O.O

O.O

O.O

Lahat ng ando'n pati si inspector nagulat!

"Blood stain?" bulalas ni inspector.

"Ha????!!!" gulat na reaksyon ni Sir Carlos.

"Napakagaling mong teacher pero hindi mo naisip na kapag nilagay mo ang gloves mo sa bulsa mo, pwede nitong ma-transfer ang dugo sa bulsa mo," sambit ko.

Napaluhod na lang siya!

"N-nagawa ko lang naman 'yon dahil sa inggit ko sa kaniya! Matagal ko nang pinapangarap si Tess na mapa-sa 'kin pero siya pa rin ang gusto ni Tess. Naghiwalay na sila pero dedma pa rin ako sa taong mahal ko kaya naisip kong patayin na lang siya baka sakaling 'pag nawala siya, mapapansin din niya ako!" paliwanag ni Sir Carlos.

"May mga bagay na hindi natin kontrolado. At lalong lalo na, may mga hindi natin kayang baguhin kaya matuto tayong tanggapin ang katotohanan dahil kung pipilitin nating baguhin ang mga iyon, sa huli, tayo rin ang mapapahamak. Tayo rin ang talo!" sambit ko.

Pinosasan na si Sir Carlos. Samantala, bago sila lumabas sa room, nagsalita muna si Miss Tess.

"Sa tingin mo ba, kapag pinatay mo siya, magugustuhan kita?" paghikbi ni Miss Tess.

"Nagkakamali ka! Sa ginawa mo, mas lalo mo lang pinatunayan, hindi ka karapat-dapat mahalin!" nanginginig na sambit niya.

"Patawarin mo ako!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Sir Carlos.

Hindi umimik si Miss Tess. Samantala, tuluyan nang dinala sa prisinto si Sir Carlos.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now