Chapter 1

73 11 13
                                    

The Priestess
Chapter 1

I have always envied my younger sister.

"Oh anak, kumain ka ng marami ha," sabi ni mama habang nilalagyan ng pritong hotdog ang plato ng nakababata kong kapatid na si Yana.

Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan ngayong umagang ito habang magkakaharap sa lamesa. Samantalang pasimple naman akong napatingin sa eksena na nasa aking harapan.

Paano ba ako hindi maiinggit? Magsimula ata pagkabata ay halata naman talaga na mas mahal nila si Yana kaysa sa akin na panganay nila. Hindi iisang beses nilang ipinaramdam sa akin na mas pabor sila sa kanya. At sa totoo lang ay hindi na ako magugulat kung one of these days ay aminin ni Mama sa akin na napulot lang talaga ako sa basurahan noong bata palang ako at inampon lang ako para may pandagdag design sa pamamahay na ito.

Siguro kapag sinabi niya iyon ay mangungulangot nalang ako sa harapan niya at bibigyan siya ng 'oh, talaga?' facial expression.

"Ang ganda talaga ng Yana namin. Kumain ka pa ng marami anak para maging first honor ka ulit this year." Panggatong pa ni Mama sa inis na nararamdaman ko.

Nasabi ko narin ba na si Yana ang pinaka-perpektong anak sa buong mundo?Consistent first honor, every year champion sa table tennis, at recently lang ay nakoronahan pa siya bilang bagong Ms. Intramurals? Hindi naman kasi ako na-inform noong ipinanganak ako sa mundo na kailangan kong pagpaguran ang pagmamahal ng parents ko. Sana pala ay pagluwal palang sa akin ay sinabihan na ako kaagad na kailangan kong manalo sa Ms. Intramurals para baby palang ako ay napaghandaan ko na. Maybe instead of learning how to walk normally, like most babies do, I can learn to walk on heels.

But I think that's how reality works.

Mamahalin ka lang kapag maganda, may honor, at sikat ka.

"Huwag kang gumaya diyan sa tabi-tabi anak ha na wala namang nai-ambag sa mundo kundi ang lumanghap ng oxygen at mag-release ng carbon dioxide." Pagpaparinig pa sa akin ni Mama.

Isang professor sa biology department ng isang university si Mama kaya kahit na ang sermon niya ay nagiging scientific narin.

Napaikot nalang ako ng mga mata habang isinasawsaw sa suka na may kamatis ang pritong bulad na ulam ko. Atsaka ko ito inilagay sa umuusok sa init na kanin at isinubo.

Hindi na ako naniniwala sa kasabihan na pantay magmahal ang mga magulang.

Pantay, my ass.

Sa ulam palang namin ay halata na kung sino ang mas paborito sa aming dalawa.

Hiyang-hiya naman ang ulam kong bulad sa sosyal na hotdog na ulam ng kapatid ko.

Mas bata sa akin ng isang taon si Yana pero pareho kaming nasa grade twelve ng senior high.

Napatingin sa akin si Yana na kasakulukuyang nakaupo sa harapan ko. At parang napansin niya ang pagkaasar ko, and as a nice sister as she is, naisipan niyang mas asarin pa ako.

Nilingon niya si Mama at parang bata na nagsalita, "Mama, gusto ko na po pala ng bulad."

Nagtaas ako ng mukha at binigyan siya ng isang masamang tingin. Samantalang binigyan naman niya ako ng isang pasikretong ngiti.

She loves doing this.

Making me more miserable than I already am.

Nakikita na nga niyang ito nalang ang ulam ko ay hihingiin pa niya.

At na-kompirma ko na talaga na mas mahal siya ni Mama nang walang paalam na kinuha ni Mama ang pritong bulad mula sa plato ko at inilagay iyon sa plato ni Yana. Kinuha pa niya ang suka na nasa harapan ko at inilapit sa walang-hiyang kapatid ko.

The PriestessWhere stories live. Discover now