Chapter 6

58 5 1
                                    

The Priestesses
Chapter 6


"So, you're telling us that you summoned us into this world so we can fight the demon lord?" ang summary ko sa mga sinabi ng emperor habang nakatingin ako sa kanya.

"Mula sa mga sinabi mo, kami ang napili ng tatlong sinaunang priestesses na pumalit sa kanila?" si Ellah na nakahawak ng baba.

"And we have to defeat the demon lord so we can go back to our world?" si Ada.

Nagkatinginan kaming tatlo. Ngunit ilang segundo lang ay sabay pa kaming napasambulat ng isang malakas na tawa.

"Parang sira pala 'tong emperor na ito eh!" si Ellah habang itinituro ang emperor. "Ano raw?! Tayo ang mga bagong priestesses?! Nabaliw na ata 'to! Bangasan ko 'to eh!"

"You got us there! Good joke, emperor! Good joke!" hindi na ako makahinga sa sobrang pagtawa.

"At paano ko naman masasagip ang buong mundo mula sa demon lord, mga beshy?!" si Ada na nakahawak pa sa tiyan habang tumatawa ng malakas. "Eh hindi ko nga masagot-sagot ng tama ang calculus exam natin, ang pagsagip pa kaya ng mundo ang magagawa ko?!"

Matapos ang muntikang execution naming tatlo ay sa court room kami dinala ng emperor. Kasalukuyan siyang nakaupo sa trono niya habang nakaupo naman kami sa harapan niya.

"I hope all of this was just a lie," malungkot na wika ng emperor. "But you are the only ones who can defeat the demon lord."

Napapunas nalang ako ng mga luha na namuo sa mga mata ko sa sobrang pagtawa bago ako nagtaas ng tingin sa kanya.

"At paano mo naman nasabi na kami nga ang tatlong priestesses na hinahanap ninyo?" tanong ko.

"Oo nga! Hindi kaya mistaken identity lang ito?" si Ellah.

Nagbaba naman ng tingin ang emperor at malungkot na nagsalita ulit.

"A few days ago, the oracle warned us about the slow disappearance of the seal that imprisoned the demon lord. There is a prophecy that the late priestesses left us that once the seal slowly disappears, they will summon three young girls from another world to defeat him." Nagtaas siya ng tingin at tinignan kaming tatlo. "When you arrived at the palace, the oracle felt the presence of the three priestesses, and the thing that confirmed it was the power of light that you had shown upon us earlier."

Nagkatinginan kaming tatlo ulit. Ayaw parin namin sanang maniwala pero hindi namin maitatanggi na totoo ang liwanag na lumabas mula sa aming mga katawan kanina.

He's only explaining the source of the blinding light that engulfed us before the soldiers were sent flying away from us.

It's as if the light is protecting us from harm.

Is this the power of light that the late three priestesses have gifted us upon summoning us into this world?

"So, hindi kami makakauwi hangga't sa hindi namin natatalo ang demon lord?" Wika ni Ada na mukhang unti-unti ng natatanggap ang mga sinasabi ng emperor.

"Yes," the emperor replied, which stunned us. "According to the prophecy, the three priestesses can only go back to their world once they defeat the demon lord."

"So, pinapunta ninyo lang talaga kami rito para pagurin at kalabanin ang demon lord ninyo?" ang walang gana kong tanong.

"Yes, priestess." He replied.

Matapos niya ring sabihin iyon ay napasabunot nalang ako ng buhok at naiiyak na napasigaw. "Pero hindi ito ang isekai world na hinihingi ko! Ibalik ninyo ako sa earth at ilipat sa medieval setting kung saan magiging prinsesa or duchess ako! Ayaw kong maging isang priestess at kumalaban ng isang demon lord! Gusto kong makapag-asawa ng gwapong prinsipe o duke! Hindi ang makipagpatayan sa isang demonyo! Reverse-harem ang hinihingi ko! Hindi action genre! Ibalik ninyo ako sa Pilipinas! Ibalik ninyo ako sa earth!"

The PriestessΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα