15 ( FIRST DAY )

85 16 0
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang alas singko na ng hapon at natyempuhan ko na wala na palang pang gatong kung kaya'y nagtungo na ako sa may kawayan na malapit sa babuyan upang manguha ng pwedeng ipang gatong.

Ang gumagawa kasi nito lagi ay si Tiyo ngunit ayaw ko naman na siyang gambalain pa dahil nagpapahinga siya sa ngayon , Si cole naman ay naglalaro ng Ml sa sala kaya hindi ko din magambalaNamulot na lamang ako ng tingting ngunit mas madami pa din ang napulot ko na malalaking kahoy na kaagad ko nang dinala sa may harapan nung kusina.

Kumuha ako ng itak para sibakin ang malalaking kahoy , medyo nakakatakot lang magsibak gayung medyo madilim na ang paligid at hindi masyadong kita ang sinisibak ko ngunit nag dodoble ingat naman ako sa ngayon.

Nang matapos ako ay inilagay ko na iyun sa itaas saka naghugas na ako ng aking kamay , alam kong hindi nararapat na maghugas gayung pagod ang aking kamay ngunit kinakailangan ko gayung wala nang iba na pwedeng magsaing kundi ako.

Ayoko din naman na mapagalitan si Cole ni Tiyo berting nang dahil lang sa akin kung kaya'y hanggang kaya kong gawin ang mga gawain ay ginagawa ko na lamang at hinahayaan siya na kunin ang credibilidad nun.

Nalinisan ko na ang bigas at ramdam ko na ang unting panginginig ng aking mga kamay ngunit hindi ko na inalala pa iyun sa halip ay nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Nang matapos ako na mailagay ang sinaing sa sigaan ay kaagad ko nang kinuha yung isda na nasa refrigerator at tsaka yung gulay , bale magluluto na lamang ako nito bilang pang ulam namin sa gabi.

Nilisan ko din ito at tsaka pinutol putol ang gulay na aking gagamitin at tsaka chinap chap yung kamatis at sibuyas na ilalagay ko din doon. Pagkatapos kong maihanda ang aking lulutuin ay nagsiga na ako ng panibago nang sa ganun ay doon ko ito maisalang , kinuha ko na muna ang upuan at tsaka doon na lamang tumambay para mabantayan ko nang maigi ang sinaing at tsaka yung niluluto kong ulam.

Saktong pagkatapos na maluto ang lahat ay dumating si Tiya , nagmano ako sa kanya at napatango lamang ito sa akin.

"Jaydee? Tapos na ba ang gawain mo? Labhan mo nga muna ito gayung gagamitin ko ito bukas" abot niya sa akin nung bagong damit na binili niya sa palengke.

Kinuha ko naman ito nang walang reklamo saka inilagay muna sa may palanggana upang ibabad.

"Nasaan ang Tiyo Berting mo? Nakauwi na ba siya?" Tanong naman nitong muli.

"Opo tiya , kasalukuyang nasa kwarto hu siya at nagpapahinga. Masama po kasi ang pakiramdam niya" magalang na saad ko sa kanya saka kinuha na ang sabon na panglaba nang masimulan ko na ang kanyang labahan.

"Bago mo simulan yan ipagtimpla mo nga muna ako ng kape" utos nitong muli sa akin , naghugas na lamang ako ng kamay saka kinuha ang kanyang tasa at nilagyan ito ng kape. Kinuha ko ang thermos at nilagyan din iyun ng tubig saka hinalo at iniabot muli kay Tiya.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Where stories live. Discover now