The Buyer

160 16 3
                                    

Chapter 22

Winter Pov.

Matapos ko‘ng makita si ashong sa lugar na ‘yon. Pinilit ko‘ng lumabas upang tuluyan ng takasan ang reyalidad.

Hindi ko rin malaman sa sarili kung bakit nakinig pa ako sa usapan nila. Dapat umalis na ako, dapat hinayaan ko na lang sila upang hindi ko na nasaksihan ang nangyaring iyon sa loob.

Bumigat lang ang pakiramdam ko dahil sa nakita. Pakiramdam ko muling nagbalik si ashong sa dati niyang ginagawa.

Ngunit kahit ano man ang gawin niya ngayon. Wala na akong karapatang pagbawalan siya, labas na ako sa buhay nito dahil una pa lang ay pinagtabuyan ko na siya palayo.

Hindi dapat ako nasasaktan.

Kundi, nararapat lang na tanggapin ko ang nangyayaring ‘to.

“Winter..” nilingon ko ang tinig ng isang lalake sa likuran ko. Dahil sa nangyari, nakalimutan ko na kung anong ginagawa ko dito. At dahil sa nakita kanina, umiiyak na naman ako ngayon. “What happen? Kanina pa kita hinahanap?”

“S-si a-ashong..” bumuntong hininga si calix. Hindi na rin ito nagsalita pa, bagkus. Niyakap na lang ako nito dahil tila ba alam na niya ang nangyari.

“Im sorry, hindi na dapat kita dinala dito. Gusto mo na bang umuwi?” humiwalay siya sakin matapos ko‘ng tumango. Hindi ko rin naman inaasahang makikita ko si ashong dito.

Hindi ko rin alam na ganoon pala kasakit na makita siyang may iba. Siguro nga, ito na ang sign. Ito na ang oras upang tuluyan ko na siyang kalimutan.

Pinagbuksan ako ng pinto ni calix, mabilis din naman siyang umikot sa driverseat upang makaalis na kami sa lugar na ‘yon.

At habang minamaobra ni calix ang manubela. Natanawan ko‘ng muli ang isang lalake na siyang dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon.

Nakita ko‘ng humugot ito ng sigarilyo sa bulsa. Sinindihan niya iyon habang nakatingin ako sa kanya sa loob ng kotse. Dahil hindi ako nito nakikita, malaya ko siyang napagmamasdan. Marami rin ang sasakyan na lumalabas kung kaya‘t natatagalan kami ni calix.

Bumuga siya ng usok bago matingin sa gawi ko. Ngunit hindi rin naman niya ako nakikita, samantalang siya. Tanaw ko ang kabuuan nito, tama nga si calix. Misirable nga ang dating nito. Naiiba na siya ngayon, para bang. ibang tao na itong muli.

“Alam mo ba noong naging tayo, maraming nagbago. ‘Yung pagka-kaibigan natin, parang hindi na tulad ng dati. Kaya‘t naisip ko rin noon na mas magandang nag-hiwalay tayo..” nilingon ko si calix matapos niyang sabihin ‘yon. Tama nga siya, maraming nag-bago at ang pag-sasama namin noon ay nawala.

Nanatili akong tahimik habang malalim ang iniisip ko. Tuluyan na rin naman kaming nakalabas sa parking-lot kung kaya‘t wala na sa paningin ko si ashong.

“Siguro tulad lamang ng nangyari sa inyo ni philip. Mas mabuti na sigurong naghiwalay kayo upang wala ng masaktan, ang maganda lang sa nangyari. May natutunan ka, alam mo na kung ano talaga ang tunay na pag-mamahal.”

Bumuntong hininga ako, hindi na rin ako nabigay ng komento ukol sa sinabi niya kahit na may punto iyon.

Ang nais ko ngayon, tuluyan ng burahin sa isip ko si philip.

NANG gabing mangyari iyon, pinilit ko‘ng maging maayos kahit mahirap. Kinumbinsi ko ang aking sarili na magiging maayos din ang lahat sa darating na bukas.

Sa tulong ng aking trabaho, nagkaroon naman ako ng oras maging abala araw-araw. Kung pwede lang ay mag-over time ako upang mas maging mataas ang sahod ko.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now