Muling Pagkikita

182 14 3
                                    

Chapter 23

Third Person Pov.

Alam ni winter na maaari 'ngang mawala ang paaralang pinapasukan niya. May posibilidad na manalo ang taong may nais bumili ng lupa dahil nga sa lagay ng mga gusali, ngunit iniisip rin naman niya ang mga bata. Alam niyang magagawan iyon ng paraan at hindi kailangang ilipat ang paaralang kinalakihan na niya.

Marami na siyang alaala doon, napamahal na siya sa paaralan at hindi pwedeng ganun na lang. At saka, bakit naman papayag ang gobyerno na ilipat ang paaralan? Ganoon ba kalaki ang ibabayad nila para magpatayo muli ng bago?

Maganda naman sana ang ideya nila, ngunit para kay winter. Ang paaralang ito ay hindi niya kayang isuko, hindi niya maaaring hayaan na mawala iyon kahit na alam niyang wala siyang magagawa.

"Hindi namin napag-usapan kanina kung sino ang totoong buyer. Ang sabi kasi nila, hindi pa iyon pumupunta dito, may isang abogado lang na nagsabing magpapatayo muli ng bagong paaralan.." tumango si papa sa sinabi ko. Nakasakay na kami sa aming multicab kung saan patungo kami ng bakery upang sunduin na si mama. Nauna kasi akong umuwi sa kanya kanina, at saka. Hindi naman na siya pwedeng umalis lalo na't kung maraming bumibili.

Hangga alas diyes lang naman din open ang bakery. Ang dalawang empleyadong matitira ang sila ng magsasara mamaya. Matagal na rin naman na silang kasama ni mama kung kaya't pinagkakatiwalaan na niya ang mga ito.

"Maraming hindi sasanang-ayon kung ililipat ang paaralan. Halos ilang dekada na 'yon, doon pa nag-aral ang lola mo.."

Tumango ako sa sinabi ni papa. "Oo nga po, pero kung lalabas ang ilang magrereklamong mga magulang. Baka tuluyan na nilang isara iyon.."

"Tama ka, wala tayong magagawa kung iyon nga ang mangyayari."

"Pero hindi po ako papayag, kung pwede ko'ng pakiusapan ang buyer na 'yon, gagawin ko. Kukumbinsihin ko siyang huwag ng gibain ang mga gusali, alam ko'ng iba lamang ang ipapatayo nila sa lugar ng iskwelahan, kaya't hindi ako papayag."

Hindi na sumagot si papa sa sinabi ko. Kilala din naman niya ako, sa oras na sinabi ko ang isang bagay. Gagawin ko, lalo na't kung dapat iyong ipaglaban.

NANG marating namin ang bakery. Nakahanda na si mama at talagang hinihintay na lamang niya ang pagdating namin. Hindi na kami bumaba ng sasakyan dahil agaran na siyang pumwesto sa likuran. May mga dala siyang bag at doon inayos niya iyon sa tabi niya.

"Tara na, medyo makulimlim. Baka abutan pa tayo ng ulan.."

Tumango si papa. "Hindi pa ba sila magsasara?"

"Ipapa-uubos lang nila ang mga natirang tinapay, uuwi na rin sila.."

Hindi naman na gaanong marami ang natitira. Minsan kung meron man, pinapauwi na lang iyon ni mama sa kanila. Hindi naman na lugi 'non si mama, kung tutuusin. Marami naman na siyang kinikita, si mama na rin ang nag-asikaso ng bakery dahil simula ng magtrabaho ako bilang guro. Hindi ko na iyon naasikaso pa, si papa ay abala din sa farm kung kaya't kanya-kanya kami ng pinagkaka-abalahan sa ngayon.

Kinabukasan, nang umaga 'ding ito. Maaga akong nagising upang tulungan si mama tumungo ng bakery. Sabado naman na ngayon, wala din naman na akong abalang gagawin at kung meron ay bukas ko na lang iyon aasikasuhin.

"Alam mo, sa oras na mabili nga nila ang kabuuan ng lupa nitong paaralan.
Madadamay itong pwesto ng bakery hangga doon sa paradahan.." nasa loob na kami ng bakery, dumating na rin ang tatlong nagmamasa ng tinapay kaya't medyo maraming ginagawa. Kasama na rin namin ang dalawa pang nagbabantay ng bakery habang pinag-uusapan namin ni mama ang tungkol sa lupa ng iskwelahan.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now