Chapter Six

916 49 8
                                    

"PARA PO!" Halos mapaos na si Roni sa pagpara ng sasakyan pauwi. Tatlumpung minuto na siyang nag-aabang ng masasakyan ay wala pa ring humihinto sa tapat niya. "Nakakainis naman! Mukhang uulan pa yata!" daing niya nang unti-unting kumulimlim ang langit. Hindi pa naman siya nakapagdala ng payong dahil kaninang umaga bago niya naisipang pumunta sa mall ay maayos pa naman ang panahon.

Sinubukan niyang parahin ang nagdaang jeep pero puno na iyon. Ayaw niyang abutan siya ng ulan dahil siguradong mas mahihirapan siyang umuwi.

Nagsisimula na siyang mag-panic dahil parang uulan na nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at handang bulyawan sana ang driver nang bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Hi! Do you need a ride?"

Nanlaki ang mga mata ni Roni nang makilala ang lulan ng sasakyan. It was Justin, ang may-ari ng bar na muntik nang makaaway ni Borj. "Ha? Ah, eh, hindi. Okay lang ako," tanggi niya. Nakakahiyang makisakay siya gayong hindi naman talaga sila magkakilala maliban sa nagpakilala ito two nights ago.

"It's not okay. Malapit nang umulan saka pagabi na rin. For sure mahihirapan kang makakuha ng masasakyan."

"Hindi na talaga. Nakakahiya namang makisabay pa ako."

He smiled and open the door. "I insist. Hindi ako masamang tao. I recognized you kaya kita hinintuan. So, hop in."

Hindi nag-atubili si Roni dahil nagsimula nang bumuhos ang ulan. "Salamat, ha? Nakakahiya namang isinakay mo pa ako," wika niya nang makasakay. Naalala niyang hindi pa pala siya nito kinilala. "By the way, ako nga pala si Roni."

"I'm Justin. You do recognize me, don't you?"

"Oo naman. Anyway, salamat sa concern mo two nights ago. Teka nga pala, lagi akong pumupunta sa bar mo pero ngayon lang yata kita nakita doon?" It was true. Kapag nagkakayayaan sila ni Missy na gumimik ay sa bar na iyon sila pumupunta pero nang gabing nagpunta sila ni Borj doon lang niya nakita si Justin.

"Ang daddy ko ang dating nagma-manage ng bar. Nang magpasya siyang manirahan sa Dubai, saka ako nag-takeover," paliwanag nito. "Boyfriend mo ba yong lalaking kasama mo?" bigla nitong tanong na muntik nang magpaubo sa kanya.

"Si Borj? Hindi! He... He's just a... friend." Parang asido sa kanyang lalamunan ang mga salita. Why? Hindi ba at totoong magkaibigan lang naman sila ni Borj? Ngunit bakit parang hindi na iyon ang turing niya kay Borj?

"I see. Pero kung umakto siya ay parang boyfriend mo."

"Bakit mo naman nasabi yan?"

Nagkibit-balikat ito. "Pareho kaming lalaki kaya alam ko ang mga kilos ng kapwa ko lalaki. And I tell you, your friend is into you. Man, kung gaano siya kahandang labanan ako nang gabing yon? Parang handang-handa siyang masaktan nang todo." Natawa si Justin sa sinabi.

Alam ni Roni na apektado si Borj sa pagbabago niya at umaayon iyon sa kanyang plano na maturuan ito ng leksyon. Ngunit inaasahan din ba niyang magustuhan siya ni Borj bilang isang tunay na babae at higit pa sa isang kaibigan? And what exactly was her feeling towards him? Did she also like him as a man?

"I-imposible naman yata iyon." Pakiramdam ni Roni ay ang init ng kanyang pakiramdam gayong malakas naman ang aircon ng sasakyan.

Justin shrugged again and concentrated on driving. "Well, wala siguro ako sa tamang lugar para sabihin iyon sayo."

Tumango na lamang siya at minabuting huwag nang pahabain pa ang usapan tungkol kay Borj dahil pati siya ay naguguluhan sa sariling damdamin.

Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nasa tapat na sila ng bahay niya. Huminto na rin ang ulan kaya inimbitahan muna niya si Justin na pumasok bilang pasasalamat ngunit tumanggi ito.

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now