Chapter Nine

843 45 4
                                    

KUMUNOT ang noo ni Borj sa sinabi ni Roni. "You tricked me? What do you mean?" Naguluhan siya sa sinabi ng dalaga. Confessing his feelings to her made him feel liberated. Wala nang dahilan para itago niya ang nararamdaman para sa dalaga. At nang halikan niya ito ay muntik na siyang mawala sa sarili. For a minute there, he even forgot that they were at a top of a tree. Her lips were as sweet as cherry na wala siyang ibang gustong gawin kundi ang muli itong halikan. "You know what? You're saying nonsense. I'd rather kiss you again." Sinubukan niyang muling hulihin ang mga labi ni Roni pero umiwas ito. "Anong problema?"

"Natalo ka sa hamon ng mga kapatid mo."

Binale-wala niya ang sinabi ni Roni. "I don't care. All I want is you, baby."

"At ako ang may gawa no'n."

"No. It was my fault. I fell in love with you." Then he smiled and reached for her hand. Hindi naman ito umiwas. "Wala akong pakialam kahit pa mawala sa akin ang lahat ng shares ko sa kompanya. Ikaw ang mas mahalaga sakin."

Napansin niya ang pag-ilap ng mga mata ni Roni at ang panlalamig ng mga kamay nito. "Hey, what's wrong? Hindi naman siguro ang confession ko ang dahilan ng pagsama ng pakiramdam mo, no?" he joked pero hindi ito natawa. "Roni..."

"N-natatandaan mo pa ba ang sinabi mo sa akin na safe zone ako at hindi mo ako kailanman makikita bilang isang babae? Dahil isa lang akong mekaniko? That you won't find me a temptation and that hanging around me will save you from losing the dare?"

Oo, sinabi nga niya iyon pero kinain din niya ang mga sinabi. Because he fell madly in love with her. "Yes. Pero nagkamali ako. Natalo ako pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Sa tingin ko nga ay blessing in disguise pa ang dare dahil na-realize ko na capable pala akong magmahal ng totoo."

"B-Borj, I tricked you. It was all my plan."

Lalo siyang napakunot-noo. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Roni. "What do you mean by plan?"

"I-I planned it all, B-Borj. I set everything to make you lose the dare. Nainis ako sa sinabi mo na hindi mo ako kailanman makikita bilang isang babae dahil isa akong mekaniko. Kung ano-ano ang ginawa ko para matalo ka."

It took a moment for him to comprehend what she said. Nakatitig lamang siya sa mukha ni Roni, hinahanap doon ang patunay na nagsisinungaling ito.

Pero wala siyang nakita. "Why?" may pait ang tinig na tanong niya.

"P-para turuan ka ng leksyon. Na babaeng-babae ako at hindi ako lesbian. I'm sorry, Borj. Gusto ko lang---"

"So, I fell in love with you because you wanted me to, and eventually ay lalayuan mo ako, ganoon ba ang plano mo, ha, Roni?" mahinang bigkas niya pero hindi nagawang itago ang galit sa boses. Why? It was her goddamn scheme! Ginawa ni Roni ang lahat para mahulog siya sa bitag nito and he did!

Bumuwelo siya para bumaba ng puno. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Roni at ang pagpigil nito sa kanyang braso.

"Borj, please... I---"

"You did an excellent job, baby. Well done. Now I'm a total wreck," he said sarcastically.

"Makinig ka---"

"Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo na parte ng plano mo? That your response to my kiss was planned, too?" Nagtagis ang kanyang mga bagang sa nararamdamang galit at sakit. He was definitely brokenhearted. Hindi niya na-imagine na ganoon pala ang masawi sa pag-ibig. Why? Dahil siya ang heartbreaker at kailanman ay hindi pa siya nasasaktan nino man.

Pero ngayon, ang mga pag-amin ni Roni, ang unang babaeng minahal niya nang totoo, ang una ring mananakit sa kanya. "I love you, Roni."

"Patawarin mo ako, Borj." Tumulo na ang mga luha ni Roni. It was killing him to see her cry. He never wanted to see her crying. Pero ang kaalamang pinlano nito ang lahat para ma-in love siya ang pumigil sa kanya para tawirin ang distansiya sa pagitan nila ni Roni. He baked his hand into a fist para doon ibuhos ang sakit na nararamdaman.

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now