Chapter Eight

887 50 6
                                    

KASALUKUYANG nag-aayos ng karburador ng sasakyan si Roni nang lapitan ng isa sa mga mekaniko nila. Napakunot-noo siya nang abutan nito ng isang bungkos ng mga rosas. "Kanino ito galing, Pako?"

Kakamot-kamot sa ulo na sumagot ang mekaniko. "Eh, Roni, iniabot lang sa akin nong isang bata, eh." Saka ito ngumiti, lumabas tuloy ang mga bunging ngipin.
"Uy, Roni, ha, gumanda ka lang, may mga manliligaw ka na agad. Aba, may makakasingit pa yata sakin," pagbibiro pa nito.

"Hay, naku, Pako, tantanan mo nga ang anak ko. Baka sugurin pa iyan ng misis mo sa mga pinagsasabi mo sa kanya," singit ng kanyang ama.

Pumalatak si Pako. "Ay siguradong riot! Ewan ko ba kung bakit masyadong madakdak ang asawa ko," reklamo pa nito na ikinatawa nilang mag-ama.

"Ay sus Ginoo, Pako, baka dakdakan ka lalo ng asawa mo kung hindi ka magtatrabaho nang mabuti. Halika na nga rito at tulungan mo akong itaas itong tricycle para mailagay na ang mga gulong."

Nang makapagpasalamat ay sinuri ni Roni ang mga bulaklak. "Kanino naman kaya galing ito?" tanong niya sa sarili dahil wala siyang alam na may secret admirer siya. Napakunot-noo siya nang mapansin ang nakaipit na papel sa loob ng bouquet.

I guess cooking is not really my thing. So I thought of roses. Thank you for taking care of me.

P.S. Meet me at the playground today.

Borj

Napangiti nang maluwang si Roni malamang kay Borj galing ang mga bulaklak. Para pa siyang sira na inamoy-amoy ang mga iyon.

"Manong Charlie, tingnan mo si Roni. Parang sirang ngumingiti nang mag-isa," sabi ni Pako na napansin pala siya.

Pinandilatan niya si Pako at nagpaalam na sa kanyang ama na may pupuntahan. "Tay, alis lang po ako sandali."

"Aba'y hindi ka ba muna magbibihis?"

Umiling siya. She had never felt sexier in overalls. "Hindi na, Tay."

Nagtaka man ay tumango na lamang ang kanyang ama. Sigurado siyang mag-uusisa ito mamaya.

Kinuha ni Roni ang susi ng owner type jeep at lumabas ng talyer. Sa totoo lang, excited siyang muling makita si Borj kahit pa kaninang tanghali lang ito umalis.

Hindi nagtagal ay nasa bahay na siya ng mga Jimenez. Nadatnan niya si Patrick na naglilinis ng sasakyan at nang mapansin siya ay kaagad siyang binati. "Hi, Roni. Wow you look cute in your overalls."

Nginitian niya si Patrick. Kung noong kasagsagan ng pagkakaroon niya ng crush kay Patrick iyon sinabi ng lalaki, baka nagtatatalon siya sa sobrang saya. "Thanks. Si Borj?"

"Nasa playground siguro," sagot nito. "Are you two... friends or what?" tanong nito na biglang nagpainit sa kanyang mga pisngi.

"Ha? M-magkaibigan lang kami."

"Sabi mo, eh."

"Aba at meron pala tayong bisita," wika ng bagong dating na si Paolo. Base sa hitsura ng lalaki ay mukhang katatapos lang nitong maglaro ng basketball. "Hey, Roni, kumusta?"

"Okay lang. I'm looking for Borj."

"Tinatanong ko nga siya kung sila na ng kapatid natin, eh," sabad ni Patrick.

"Bakit, hindi pa ba?" Paolo smirked. Roni blushed again. Bakit ba parang pinagti-tripan siya ng magkapatid? "Ngayon ay alam ko na ang dahilan ng pagsuko ni Borj sa pustahan. Looking at you blush, Roni... Ah, yan ang kahinaan ni Borj."

She cringed. "Surrender?"

"Yup, Borj willingly surrendered. Sumuko na siya. Hindi ko naman masisisi ang kapatid namin kung magkagusto sa iyo ng tuluyan. Ikaw lang pala ang magpapatino sa bunso namin." Kinindatan pa siya ni Paolo.

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now