Chapter Eleven - Finale

1.5K 74 10
                                    

"B-BORJ..." Kanina pa ba roon ang binata? Mag-isa lang ba ito o may kasama?

"Take your hands off her, pare," mabalasik na sabi ni Borj Kay Justin nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Alam niyang galit si Borj dahil hindi maipinta ang mukha nito. Kung nakamamatay lang siguro ang paraan ng pagtitig nito ay kanina pa bumulagta si Justin. Nakita na niya ang ganoong hitsura ni Borj ngunit sa mga oras na iyon ay ibang-iba ang aura nito. Even if she was a bit drunk, she knew that Borj was not the person whom you would like to piss off.

Sa loob ng isang linggong hindi pagkakita sa binata ay nag-iba ang hitsura nito. Stubble was growing on his chin, ang buhok ay tila humaba nang kaunti, and his eyes, his eyes were dull and full of...pain? Nang aminin niya ang plano ay alam niyang nasaktan niya si Borj at makikita iyon sa mga mata nito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay kakaibang sakit ang mababanaag sa mga mata ng binata.

"Pare, it's not what you think," sabi ni Justin na tila naalarma sa nakikitang galit ni Borj.

"You don't know what I think," malamig pa rin nitong sabi, saka siya binalingan.

Hindi makapagsalita si Roni. Tila napipi siya at hindi magawang sabihin kay Borj ang mga bagay na gustong sabihin. "So, after you drop me, you finally got the chance to meet your lover boy, huh, Roni?" mahina ngunit mapanganib nitong tanong. "Kaya ba inamin mo na sa akin ang plano mo para wala nang hahadlang sa relasyon ninyo ng lalaking yan?" wika ni Borj, sabay duro kay Justin.

"Borj, nagkakamali ka. Hindi kami---"

"Really? So is this a scheme again? Akala ko ba, iyong ginawa mo lang sa akin ang plano mo?" mahina ngunit may diin nitong tanong.

"Pare, makinig ka sa kanya. Roni's really---"

"Huwag mo akong matawag-tawag na 'pare.' Ikaw, noon ka pa nakikialam, eh." Marahas na binalingan ni Borj si Justin. "Ano? Itutuloy na ba natin ngayon ang away?"

They were already attracting other people dahil may iilan na ring nakikiusyoso sa kanila.

Deja Vu!

Si Missy naman ay patakbong nilapitan sila nang makabalik. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala dahil sa nakikitang galit ng pinsan. "Borj, please maghunos-dili ka! Nagkakamali ka ng iniisip!" tili nito.

"Shut up, Missy!"

"Pare, ang mabuti pa ay---" Hindi na natapos ni Justin ang sasabihin dahil isang suntok sa mukha ang pinakawalan ni Borj. Napasadsad si Justin sa mesa na mabilis namang inalalayan ng tumitiling si Missy.

Siya man ay napatili rin at nawala ang nararamdamang hilo. "Borj! Missy, look after Justin. Ako nang bahala kay Borj." Nag-sorry siya kay Justin at hinawakan sa braso at pilit na itinutulak palabas ng bar bago pa ito pagtulungan ng ibang customers.


"WHAT the hell did you just do?" sigaw ni Roni kay Borj nang makalabas na sila ng bar. Kahit anong pagnanais niyang takbuhin ang distansiya nila ng binata at sugurin ito ng yakap ay pinigilan niya ang sariling gawin iyon. She was mad at him. Galit siya kay Borj sa pagsuntok nito kay Justin at pag-aakalang may relasyon sila ng huli. Galit din siya dahil sa hindi nito pagpapakita sa kanya ng isang linggo na totoong nagpahirap sa kanya. Higit sa lahat, galit siya kay Borj sa hindi pagkakaroon ng tiwala sa totoong nararamdaman niya para dito.

"Bakit? Ipagtatanggol mo pa ba ang lalaking iyon?" balik-bulyaw nito. Sapo nito ang ulo na para bang pagod na pagod.

"My God, Borj! Sinuntok mo si Justin nang walang dahilan! Mag-sorry ka sa kanya!"

"Ako, hihingi ng tawad? Sorry, my ass!" Lalong naningkit ang mga mata nito.

"You're being unreasonable!" Nahihilo na siya sa mga nangyayari. Malamang ay muling umepekto ang alak na nainom niya kanina. She felt like everything was spinning.

When Borj Falls in LoveWhere stories live. Discover now