Sort of

360 7 0
                                    


Ken's P.O.V

Hindi ko alam kung ilan minuto na ako nakatitig sa lampara na hawak ko para makalimutan na ang oras. Kung hindi lang dahil kay Josh na ginulat ako, siguradong nakatulog na akohabang nakatango pa din sa hawak kong bagay.

"Lalim ng iniisip ha."sambit ni Josh nang makatabi ito sakin sa upuan.

" Wala to, sira."

pagtanggi ko pa at inisip na lang ilagay yung lampara sa mesa kung saan talaga ito nakalagay bago dumantay na muli sa pagkakasandal sa upuan at pahikab na harapin siya.

"Parehas kayo ni Jah. Hirap talaga pag naging muntanga yung isa, mga bunso nagkakahawaan."pang-aalaska pa nito sakin.

Kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. Bwct talaga itong isang to, minsan na nga lang kami mag-usap ng kami lang dalawa, tapos unang gagawin mag-aalaska pa talaga. Ayaw ko pa naman yung ganitong inaantok ako tapos aasarin pa.

"H'wag mo nga ako idamay sa kahibangan mo. Sadyang nawala lang ako sa wisyo dahil sa design nung tinitignan ko." Pagmamataray ko dito.

Hmp! Bahala na nga siya dyan.

Nasan na ba kasi ang iba at talaga si Josh pa ang iniwan sakin dito sa kwarto namin.

"Ay Ate Chona siya oh."pagsasagot pa nito sakin.

Diba, sarap niya batukan lang. Wala man nakakaalam, pero ang totoo niyan hilig lang ako pikunin ng isang JasKalen mga kababayan. At dahil dakila akong patula lagi nauuwi sa isang malaking argument ang usapan namin. Hindi lang kami nagpapansinan basta basta dahil laging kinagugulat ng mga kagrupo namin once na ginawa namin.

Ganyan lang naman siya kapag kami na lang dalawa. Lakas mang-asar pero pikunin din naman. Mas malala na nga lang kapag kami na lang dalawa. Dahil nauwi sa pagkabadtrip mood ko sa kanya ay pinagpasya ko na lang umiwas dahil may praktis pa kami mamaya na baka maapektohan kapag nagkaroon kami ng tampuhan.

"Tabi nga dadaan ako." Sabi ko nang makatayo ako dahil nakaharang siya sa daan.

"Ito naman ang tampuhin, cgeh na sorry na. Parang walang pinagsamahan ah." habol pa nito sakin dahil plano ko na lang matulog kesa sa kausapin siya.

"Talagang wala." giit ko naman at nagpatuloy lang sa paglakakad.

Alam naman niya ganto ako kapag inaantok tapos maggaganyan siya. Edi bahala siya dyan. Tampo na talaga ako.

"Okay, I'm sorry na bebeh ko" bigla niyang tigil sakin na talaga hinawakan pa ang braso ko para tumigil ako sa paglalakad.

"Anong bebeh ko??" taas kilay ko pang agil dito.

"Anong baby ko? Sino nagsabi non?"patay malisya niyang pagbalik sakin ng tanong.

Hayst. K*ng*** talaga ang jaskalen na ito. Alam na alam papaano ako kuhanin. Pwede ko ba siya tangihan kung ganoon na lang kalambing ang tinig niya habang nakikipag-usap ang mga mata niya nang harapin ako? Syempre, hindi mga pre. Siya na yan ih. Sino ba naman ako para tanggihan idol ko.

"Psh! Fine, ano na?"pagsuko kung sagot sa kanya habang pinipigil mapangiti at kiligin sa harap niya.

Nakakatuwa lang kasi na sa tuwing nagkakaron kami ng ganitong tampuhan siya lagi ang bumibigay at makikipag-usap para makipag-ayos kami.

I know how random I am right now. Pero I know he knows me the best. Kaya he's being sorry. Tulog pa naman pinaka kahinaan namin dalawa. We both have issues sa tulog, siya na kahit saan mabilis makatulog, i should say na kaya matulog. While me, it takes time para makatulog, kaya nagkama insomnia ako, everyone knows it. Kaya kapag-inantok ako, I should sleep or else bad mood ako for the whole day, in which nagle-leads para hindi ko mabigay ang best ko. Escape way ko na nga lang ang Anime at pagcompose ng song para maging productive time ko sa mga oras na hindi ako makatulog.

Little Things We Had (Kentin AU)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz