Gagsti Oks lang

180 6 0
                                    


Justin P.O.V

"Ikaw ha, pasimple"

Hindi matigil na pang-aasar sakin ni Stell kanina pa. Isang isa na lang talaga mahahampas ko na ito.

Paano ba naman, umalis na sa tabi ko si Ken hindi pa din sila tumitigil sa pang-aasar. Porket alam na alam niya may tiny little crush ako sa maangas na iyon. Kuta na nga ako sa kamanhidan ng lalaking iyon, tanging sina Pablo, Josh at Ken na lang yata ang walang alam na gusto ko siya. Kahit yata yung mga manager namin, staffs, family at fans alam kung gaano karaming pangpamanhid ang tinurok ng doktor sa kanya nung tanggalin ang braces niya.

"Grabe Jah, yung mga actions ninyo speaks a lit na pang-Jowa tapos sa totoo buhay pala walang usad padin😂"sabi pa ni Kuya Marc na kasama din namin sa kwarto.

Nasa kabila kasi yung tatlo, at busy din yung iba dahil may iba pang-artista na magiging kasama naming sa Interview.

" Naku, hindi na kayo nasanay kay Jah, habang buhay na yata yan aasa sa kawalan" patudchada ni Xi-anne naa kinatawa at kinaagreehan ng lahat.

"Geh, pagtulongan ninyo ako. Parang wala ako dito ha." Medyo badtrip ko pang sagot.

Sa totoo lang, hindi ako sa kanila na badtrip, bibihira na nga lang kami magkasama ni Ken, nauudlot pa dahil sa  sched namin. And I know his secret, one of the things kaya hindi pa din ako umaamin na gusto ko siya. Pero, I did everything para kahit papaano makahanap ng time na magkaroon kami ng time ng kami lang dalawa. Unbeknownst man sa kanya, at least I know na tuwing kasama ko siya, napapangiti ko siya.

Mayamaya lang ay may kumatok si James sinabihan kami about sa interview.

"Tara na nga guys, mamaya na natin gisahin si Jah sa mga chismis. Dapat na tayo magkilos baka magalit na satin sina Pablo, mag-uumpisa na yung  interview."

Third P.O.V

At gaya nga nang sinabi niyang interview  ay nag-umpisa na nga iyon ilan saglit after lumabas nila Jah sa kwarto. Sina Marc kasi ang naka tuka kay Jah para ayosan ito, habang sina James naman kay Ken.

Ang magkakatabi ay sina Ken sumunod si Jah, si Pablo sa gitna kasunod si Stell at sa pinaka huli ay si Josh. As normal it would be, hindi na nawawala ang skinship sa mga interview, at gaya ng dati ay nadale na naman ay ang pagiging Clingy nina Jah at Ken throughout the intervew. Marami tuloy ang kinilig sa Set habang si Ken ay naka focus lang sa magiging reaksyon ni Josh. Which is nakita niyang selos na selos.

Unfortunately, hindi niya alam na sa iba pala ito nagseselos. Ito'y walang iba kundi kala Pablo at Stell na magkatabi. Isa sa mga ships na lumayag during interview. They have been on and off sweetness and chemistry na kinaiinisan ni Josh madalas kasi wala siya ka ganon. At somepoint he has pero kay Justin naman. Ang isa sa kaibigan lang niya. Luckily, magaling siya magdala kaya wala nitong nakakapansin kahit si Ken.

After the interview...

"Good Job guys! Nice work!" Pagsasabi ni Pablo sa lahat bago ipa-dismissed ang mga ito.

Kaya nang magkaroon ng time na makipagsalamuha ang lahat sa ibang artista ay hindi na nagkahiyaan pa ang iba at nakipagusapan at nakipagkwentohan habang may meryenda. Lalo na sa part ni Josh na sobrang raming artistang kaibigan at isa na doon ang grupo nila Jelai. Inaya din siya after ng interview nila na lumabas at pumayag naman ito. Hindi man kailangan abisuhan si Ken, ay nasaktan pa din ito kahit kakaiba ang relasyon nila. Syempre gusto ni Ken na kahit papaano ay updated siya sa crush niya at kung sakali na ayain din siya nito.

Pero mukhang hindi siya need nito sa mga oras na iyon. Kaya na natiling nag-observe na lang si Ken sa lahat para hindi halata na binabantayan niya si Josh. To much care really destroy his focus to himself. Buti na lang he remember na inaya siya nila Mav sa BGC na dapat sasabihan niya kay Josh para sana ayain din ito, pero mukhang solo na lang niya ito pupuntahan.

Little Things We Had (Kentin AU)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu