I'll make sure you won't like to made me worry

135 4 0
                                    


Stell P.O.V

Grabe si Jah, taray niya gasti.

Ano ba pinakain dito ni Ken para maging ganito ito ka warfreak sa lahat ng bagay basta connected kay Ken.

Psh. Nakakabitter na talaga mga galawan jealous nila pero hindi naman forda Jowa. Ni walang malinaw na level pero, heto siya handang makipag-patayan just to don't tarnished the name of his beloved man.

Pak ganurn! Ume-english ang ferzons. Anyway, mabuti na lang si Kuya Yani na ang kumausap dito, nagkaroon ng paliwanagan nung dumating boyfriend nung bubwita na ayaw pang tigilan ni Jah sa pagbabara.

It seems like, anak pala ito ng taxi driver na pinagsakyanan kagabi ni Ken. At dahil daw kulang ang perang hawak niya kaya pina-installment muna niya ang phone niya at pinangako na babalik. At dahil pasaway anak nung driver tinakas pala yung phone dahil inakala na ayon ang regalo sa kanya dahil birthday din daw nung bata, rinig na rinig pa nga namin yung away ng magpamilya dahil sa komusyon na ginawa ng anak nila, at nanghingi ng tawad yung driver samin.

Nang maayos ang usapan dahil involved na si Manong driver para makipag-ugnayan dahil pinagpilitan ni Jah na makuha yung phone ni Ken.

Sinabihan pa na ihatid ito sa kung saan huling nagpababa si Ken dahil doon daw sila kikitain ni Jah at babayadan ang lahat gastos at abala naiwan ni Ken. Pero I know deep inside, he just can't take any longer na makuha phone ni Ken dahil sa banta na iblo-block ito sa phone ni Ken.

Ayon pa naman pinaka insecurity ni Jah, ang he can't stand kahit sa phone ay iblo-block siya ng nino man. Lalo na kay Ken na talagang nagawa na siya iblock at layuan nang minsan mag-away sila ng malaki. Traumatic na yon sa lagay na iyon dahil sa gusto nga ni Jah si Ken. Anything connected to Ken is big deal for him, that he can risk anything for it.

Because of his reckless move, kaya sumama kami ni Yani sa venture ni Jah on taking back the Ken's phone. Mahirap na, kilala pa naman kami ng lahat dahil sa mga idol na kami. I just don't know what happen kay Ken kagabi dahil bigla itong nawala. Muntikan pa nga ako makilala ng iba mabuti na lang tinawagan na ako ni Kuya CJ na mauna na sa Car niya at siya na lang maiikot para tignan si Ken. In the end, umabot kami ng madaling araw at kahit asan kami magsilusot-lusot di namin nakita yung taong yon.

Dahil sa kulang sa tulog at pagod kakahanap kay Ken kaya kami badtrip kanina nung biglang nagtanong si Jah patungkol kay Ken. Bakit ba kasi patay na patay ito kay Ken, e isang dakilang MIA lagi. Pero sabagay, bagay sila. Parehas reckless.

Naibahagi ni Kuya Cj sa whole pamily niya ang lagay ni Ken na baka maulit yung hospital issue. Kaya ayon burlak ang lahat sa pag-aalala. Tapos simula kaninang madaling araw tawag ako nang tawag din sa kanya. Hindi naman sumasagot. Mabuti na lang nung si Jah na pangalawang beses palang ay may sumagot na. Unfortunately lang na iniwan pala ni Ken yung phone niya.

Kaya itong ugok na kasama namin ay hindi na mapaglagyan ng pag-aalala sa kakaisip na baka may mas malalang nangyari na kay Ken. Natatakot na baka kailanganin kami ni Ken pero dahil wala siya phone ay hindi kami macontact.

I know his concerns, same lang naman kami. Nasakin na nga ang pinaka bato dahil sa katangahan ko nawala pa sa paningin ko si Ken na tanging sinusundan ko nuong panahon na iyon.

"Hwag lang talaga din magpapakita sakin yang matinung Felip Jhon Suson na iyan. Lagi ko siya pinagbibilinan about sa pag-hahawak ng pera para hindi siya nakukulangan o nadadaya. Pero ano? Heto nadamay phone niya. Lintek talaga siya. Nagsend ako sa kanya ng emergency fund sa gcash niya just to make sure na kung wala siya pera ayon pwede niya ipambayad. Hindi ang literal na phone niya!"pagmamaktol nito samin habang nagda-drive.

" Justin, focus on the road, ikaw pa man din ang nagda-drive."pinagsabihan ni Kuya Yani si Jah.

Gosh, di pa pala siya tapos. Naku, manok magtago tago kana may dragon dito na kakainin ka ng buo.

Little Things We Had (Kentin AU)Where stories live. Discover now