Ghosted

167 5 0
                                    


Ken P.O.V

"ken..."

"..ken.."

"KEN! Gising na!"

"Oh?!" naalimpungatan kong sagot.

Loko bakit feeling ko sobrang tagal ko nang tulog. Bwct yan.

Napalingin ako sa gumising sakin. Si Jah lang pala, kaya napalingon ako sa salamin na bintana at sa may pinto. Bukas na pala iyon at nakatayo na doon sina Kuya Yani na mukhang hinihintay lang din ako magising.

"Gising na nandito na tayo sa tapat ng apartment mo."sabi muli ni Jah.

" ah—oo salamat."tangin sagot ko lang bago sumubok lumabas na din sa sasakyan tangay tangay ang dala kong bag.

"Sorry na tagalan" pagpapahingi ko ng despensa dahil lahat pala nang kasama namin ay mukhang kanina pa ako pinapanood.

Ang mga weird lang nila tumingin. Pero no choice ako, ako natagalan magising ih. Atsaka nakisabay lang naman ako.

Magsasalita na muli ako ng tumunog ang phone ko.

Mavericks calling...

Nakakunot noo man ay sinagot ko muna tawag bago magpaalam kala Jah na sasagotin ko lang.

~~~~

Mav's Line; Ken's Line:

~~~

"Oh? Dre, bakit?"

"Pre nasan ka?"

"Nasa tapat na ng apartment ko."

"Pre, h'wag ka na tumuloy. Uuwi na din kasi kami. Nagkaroon nang away dito baka masangkot ka pa kung pupunta ka pa."

"Sige, salamat sa balita. Next time na lang siguro. Matutulog na lang ako nang umaga."

"Sige Ken, goodnyt na lang."

"Geh."

~~~

Nagtataka man ay napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi na naman natuloy yung gala namin kung kailan gusto ko nang sumama.

Napaharap na lang ako kala Stell dahil sa naghihintay pa din pala sila sakin.

"Sorry, tumawag lang si Mav."

"Bakit daw? May problema?" Tanong sakin ni Jah.

"Wala wala, nagkaroon lang ng udlot sa pagsunod ko kala Mav. Umalis na kasi sila sa BGC dahil nagkaroon daw ng away. Ayaw na nila ako pasunodin."

Pagpapaliwanag ko at nagpasalamat na din bago nagplano na umalis din. Since may ibang lakad naman ang mga ito.

"Edi ikaw lang mag-isa ngayon dyan?"biglang sabi din ni Stell.

"Oo, hindi pa bibisita sina Ate, next week pa daw." Napaisip kung sagot. Hindi ko pa kasi sure. Si James lang nagsabi sakin.

Sabagay, sa sobrang busy ng grupo namin tapos may individual business pa ako. Wala na yata akong time para madouble check ang mga meetings ng family reunion namin. Next next month pa ang libre ko para makauwi samin. At iyon lang ang pinaka natatandaan kong dates for that.

"May gagawin ka pa ba after mo umuwi?"tanong din ni Xi-anne.

Nagugulohan man ako dahil sa mga tanong nila. Kasi naman mga pre, kapag-uwian na walang tanong tanong dekwatan na ng time for self ang peg namin. Tapos ngayon sinusunod-sunod ang tanong nila sakin.

Little Things We Had (Kentin AU)Where stories live. Discover now